Kinaumagahan nang magising ako, bukod sa mabigat ang pakiramdam ko ay hirap din akong magdilat. Ganoon pa man ay nagawa kong maaninagan kung nasaan ako. Wala si Mikaela sa tabi ko kaya natanto kong hindi ako sa kwarto nito natulog, kung 'di sa kwarto ni Mirko— and speaking of Mirko, naroon siya sa kaniyang tukador. Nakatalikod ito sa gawi ko dahil abala siya sa ginagawa nitong pag-aayos ng sarili, katatapos lang din niyang maligo at nakatapis lang ng puting tuwalya ang pang-ibabang katawan nito. Kitang-kita ko pa ang butil ng mga tubig na siyang nalalaglag sa kaniyang basang buhok, tumutulo iyon pababa sa matipuno nitong likod. Mayamaya pa nang deretso niyang tinanggal ang tuwalya. Nanlaki ang parehong mata ko, gusto ko sanang pumikit o tumalikod ay hindi ko ginawa. Naisip ko lang din

