Kinaumagahan ay maagang gumising si Prinsesa Cassiopeia upang magtungo sa mga kaharian ng Planetang Éarthus.
Kasama niya ang dalawang diyosa na si Diyosa Phoenix at Diyosa Lyra. Una nilang pinuntahan ay ang palasyo ng kanyang ama at ina na si Haring Cepheus at Reyna Andromeda.
"Kumusta na kayo amang hari at inang reyna?" Tanong ni Prinsesa Cassiopeia.
"Maayos ang lahat mahal kong anak." Sagot ni Haring Cepheus.
"Ikaw anak kumusta kana at ang dalawang diyosa?" Reyna Andromeda.
"Nasa mabuti naman po kaming kalagayan mahal na hari." Sagot ng dalawang diyosa.
"Matagal na araw na akong hindi nakapunta dito nais kong mamasyal." Sabi ni Prinsesa Cassiopeia.
Sinamahan ng dalawang diyosa si Prinsesa Cassiopeia sa pamamasyal sa Palasyo.
"Hindi parin nagbago ang lahat maayos parin dito at napakaganda talagang magaling si amang hari sa pamumuno ng kaharian."
"Tama ka Prinsesa Cassiopeia pero sayang lang kasi hindi tayo nagmana sa kanya." Sabi ni Diyosa Lyra.
"Huwag ninyong lakasan ang inyong mga boses baka marinig tayo ng mahal na hari at reyna." Sabi ni Diyosa Phoenix.
Nagtawanan ang tatlo dahil sa saya. Hindi nila namalayan na napakalakas pala ng kanilang tawa kaya narinig ito ni Reyna Aldresa na nasa tabi ng mga halaman.
"Tila masaya kayo ano ba ang tinatawanan ninyo?" Tanong ni Reyna Aldresa.
"Wala ina may naalala lang kaming nakakatawa." Sabi ni Prinsesa Cassiopeia.
"Maari bang malaman kung ano ito?
Para naman maka sabay ako sa inyong tawanan." Sabi ni Reyna Aldresa.
Kinabahan ang tatlo at kaagad silang nag isip ng nakakatawang kwento ngunit wala silang malala na nakakatawa.
"Mababaw lang naman iyon kaya siguradong hindi kayo matatawa ina kaya huwag na natin itong pag-usapan." Sabi ni Prinsesa Cassiopeia.
"Mabuti nalang at nakaisip kaagad ng sasabihin Prinsesa Cassiopeia. Muntika na tayong mahuli ng iyong ina." Bulong ng dalawang Diyosa habang tumatawa ng mahina.
Pagkatapos nilang maglibot sa palasyo ay pumunta naman sila sa kaharian ng limang buwan.
Lalabas na sana sila sa palasyo ng biglang nakasalubong nila si Prinsipe Beroque.
"Magandang umaga mahal kong Prinsesa Cassiopeia." Sabi Ni Prinsipe Beroque.
"Magandang umaga rin sayo Prinsipe Beroque." Masayang bati ng tatlo.
"Saan kayo patungo bakit parang nagmamadali kayo?" Tanong ni Prinsipe Beroque.
"Kami ay patungo sa kaharian ng limang buwan. Maari kang sumama sa amin kung nais mo." Pag aalok ni Prinsesa Cassiopeia
"Oo sasama ako sa inyo, dahil baka may mangyari sa inyong masama. Hindi ako papayag na magkasakit o masaktan ang aking minamahal na si Prinsesa Cassiopeia." Sabi ni Prinsipe Beroque.
Napangiti ang tatlo.
"Maraming salamat Prinsipe Beroque." Sagot ni Prinsesa Cassiopeia.
Kaagad na nagtungo ang apat sa kaharian ng limang buwan.
Sa kanilang paglalakbay patungo sa limang buwan ay may nakasalubong silang isang masamang nilalang na naakit sa kagandahan ni Prinsesa Cassiopeia.
Kukunin sana nito ang prinsesa ng tinamaan siya ni Prinsipe Beroque ng mahikang hugis espada.
Iniligtas siya ni Prinsipe Beroque hinawakan ni Prinsipe Beroque ang kamay ni Prinsesa Cassiopeia at saka sila tumakbo papalayo habang ang dalawang diyosa ay naghihintay sa kanila hindi kalayuan sa lugar kung saan sila inatake ng masamang nilalang lumapit si Prinsipe Beroque at Prinsesa Cassiopeia sa dalawang diyosa.
"Maraming salamat sa pagligtas mo sa akin." Sabi ni Prinsesa Cassiopeia kay Prinsipe Beroque.
"Walang anuman basta para sayo lahat gagawin ko kahit buhay ko ang kapalit." Sabi ni Prinsipe Beroque.
Habang sila ay naglalakad masayang nag-uusap sina Prinsipe Beroque at Prinsesa Cassiopeia ang dalawa namang diyosa ay kinikilig. Kaya tumatawa lang sila habang nakikinig sa pinag uusapan ng dalawa.
Nang makarating sila sa unang buwan ang Verthuz mga kulay asul na Elf ang nakatira rito.
"Tumuloy kayo mga mahal naming mga diyosa, prinsesa at prinsipe." Masayang bati ng mga Elf na kulay asul.
Pumasok ang apat at sa tahanan ng mga Elf saka binigyan sila ng mga Elf ng pagkain.
Kumain ang apat ng pagkain pagkatapos ay namasyal sila sa paligid ng kanilang tahanan halos lahat ng makikita dito ay kulay asul, ang mga bulaklak, tahanan, damit, kagamitan, at iba pa.
Pagkatapos nilang mamasyal ay nakita naman ni Prinsesa Cassiopeia na maayos naman ang lahat kaya nagpaalam na sila at saka umalis.
"Maraming salamat." Sabi ng apat.
"Walang anuman." Sagot ng mga Elf na asul.
Nagtungo sila sa pangalawang buwan ang Verthexs tirahan ng mga pulang Elf.
Pumitas ng tatlong bulaklak si Prinsipe Beroque at saka niya ito ibinigay kay Prinsesa Cassiopeia.
"Mahal ko para sa iyo ang mga bulaklak na ito." Sabi ni Prinsipe Beroque.
"Maraming salamat." Sabi ni Prinsesa Cassiopeia.
Inamoy ni Prinsesa Cassiopeia ang mga pulang bulaklak at talaga namang napakabango nito makakalimutan mo ang iyong mga suliranin pag ito ay naamoy mo.
"Halatang nag lalambingan kayong dalawa mabuti pa maauna na kami. Si Prinsipe Beroque muna ang kasama mo sa pamamasyal Prinsesa Cassiopeia parang masama kasi pakiramdam naming dalawa." Sabi ng dalawang diyosa habang tumatawa.
Umuwi nga ang dalawang diyosa at iniwan nila sina Prinsipe Beroque at Prinsesa Cassiopeia.
"Dahil sa mga kabutihan ni Prinsipe Beroque ay napapalalapit ang aking damdamin sa kanya." Bulong ni Prinsesa Cassiopeia sa kanyang sarili.
"Mahal na Prinsesa Cassiopeia maari na ba tayong umalis?"
"Oo tutungo naman tayo sa ikatlong buwan."
Nagpaalam ang dalawa sa mga pulang Elf saka sila nagtungo sa ikatlong buwan ang Verthanx tirahan ng mga dilaw na Elf.
Sakanilang paglalakbay ay nakita nila si Mequervax.
Pagod na si Prinsesa Cassiopeia kaya agad na nag anyong dragon si Mequervax at isinakay niya ang dalawa napakasaya ng dalawa.
Itinataas pa ni Prinsesa Cassiopeia ang kanyang mga kamay habang hawak siya ni Prinsipe Beroque.
Nang makarating sila sa ikatlong buwan ay kaagad na umalis si Mequervax dahil ayaw niyang maka abala sa pamamasyal ng dalawa. Tumatawa pa si Mequervax dahil knikilig ito dahil sa dalawa.
"Hawak ko ngayon ang iyong mga kamay kaya huwag kang mag alala dahil hindi kita pababayaan. Hindi ako papayag na may masamang mangyari sayo." Prinsipe Beroque.
"Maraming salamat pero kaya ko namang maglakad ng mag isa." Nakangiting sabi ni Prinsesa Cassiopeia.
"Nag aalala lang ako na baka may mangyari sayong masama." Sagot ni Prinsipe Beroque.
"Huwag kang mag alala kaya ko ang sarili ko." Sabi ni Prinsesa Cassiopeia.
"Mas mabuti na ang laging handa dahil hindi natin alam ang mga pangyayari." Sagot ni Prinsipe Beroque.
"Maraming salamat sa iyong kabutihan Prinsipe Beroque." Sabi ni Prinsesa Cassiopeia.
"Tuloy kayo sa aming tahanan tila napakasaya ninyong dalawa." Sabi ng kulay dilaw na Elf.
"Maraming salamat, sinisiguro ko lang ang kaligtasan ni Prinsesa Cassiopeia." Sabi ni Prinsipe Beroque.
Pumasok sila Prinsesa Cassiopeia at Prinsipe Beroque sa isang tahanan ng mga Elf na kulay dilaw.
Umupo sila sa harap ng isang mahabang mesa. May mga pagkain doon, dalawang kandila na nasindihan at mayroon ding alak.
Sinabihan sila ng dilaw na mga Elf na kumain muna bago ipagpatuloy ang kanilang paglalakbay.