Kumain ang dalawa at saka uminom ng alak.
Ang alak ng mga Elf na nakatira sa limang buwan ang pinakamasarap na alak ng mga immortal kaya napadami si Prinsesa Cassiopeia habang si Prinsipe Beroque ay kaunti lang dahil baka hindi na niya malagaan si Prinsesa Cassiopeia kapag ito ay nalasing.
Pagkatapos nilang kumain ay lasing na si Prinsesa Cassiopeia at hindi na niya kayang maglakad ng mag isa dahil sa sobrang kalasingan.
Binuhat siya ni Prinsipe Beroque at ipinunta sa isang silid. Nakatulog kaagad si Prinsesa Cassiopeia at umalis si Prinsipe Beroque upang hindi niya maabalaa si Prinsesa Cassiopeia.
Nagtungo siya sa labas ng tahanan at saka namasyal sa paligid ng ikatlong buwan.
"Maganda parin ang paligid tulad ng huli akong pumunta rito." Bulong ni Prinsipe Beroque sa kanyang sarili.
Matapos na mamasyal si Prinsipe Beroque ay nagtungo ito sa silid kung saan naroon si Prinsesa Cassiopeia.
Gising na si Prinsesa Cassiopeia pero mukha siyang nanghihina dahil sa sobrang kalasingan.
Nagpaalam sila sa mga Elf at saka nagtungo sa kalawakan upang bigyang kulay muli ni Prinsesa Cassiopeia ang mga bituin.
Sinamahan ni Prinsipe Beroque si Prinsesa Cassiopeia saka sila nagtungo sa taas ng palasyo ni Prinsesa Cassiopeia.
Nakahiga silang dalawa sa taas at doon sila ay humiga natatakpan ng makapal na salamin ang taas ng palasyo. Habang nakaakbay si Prinsipe Beroque kay Prinsesa Cassiopeia na inaantok na.
"Napakaganda talaga ng mga bituin sa kalangitan." Sabi ni Prinsesa Cassiopeia sabay turo sa mga bituin.
"Maganda ang mga bituin pero para sa akin mas maganda ka." Sabi ni Prinsipe Beroque kay Prinsesa Cassiopeia na nakatulog na.
Hinalikan ni Prinsipe Beroque ang noo ni Prinsesa Cassiopeia. Para sa mga immortal ang paghalik sa noo ng iyong minamahal ay tanda ng paggalang o pagpapakita ng paggalang sa iyong minamahal.
Kinaumagahan ay maagang gumising si Prinsipe Beroque upang maghanda ng masarap na pagkain para kay Prinsesa Cassiopeia. Pagkatapos niyang magluto ay pinuntahan niya si Prinsesa Cassiopeia at hindi pa gising si Prinsesa Cassiopeia. Nagulat si Prinsipe Beroque ng malamang napakainit ni Prinsesa Cassiopeia na parang may sakit ito. Dinala niya ang prinsesa sa palasyo ng kanyang amang hari at inang reyna.
"Mahal na hari ang inyong anak na si Prinsesa Cassiopeia ay may saki. Napadami siya ng nainom na alak kahapon." Sabi ni Prinsipe Beroque saka niya dinala sa loob ng palasyo si Prinsesa Cassiopeia.
"Ano may sakit ang aking anak? Tawagin mo ang mga Juertx at magpunta kayo sa kaharian ng Quertanya. Magpagawa kayo ng gamot na para kay Prinsesa Cassiopeia."
"Masusunod ang inyong utos mahal na hari."
Nagtungo si Prinsipe Beroque sa kinaroroonan ng mga Juertx at tinawag niya ang mga ito nagtungo sila sa kaharian ng Quertanya. Tumagal din ng ilang araw ang kanilang paglalakbay.
"Ama nanghihina na ako, gusto kong uminom ng gamot." Sabi ni Prinsesa Cassiopeia.
"Kaya mo yan anak huwag kang sumuko darating din kaagad si Prinsipe Beroque at ang mga Juertx dala ang iyong gamot."
Ng makarating si Prinsipe Beroque at ang mga Juertx sa kaharian ng Quertanya ay hinanap nila ang kanyang ina na si Reyna Aldresa.
"Mahal na ina may sakit si Prinsesa Cassiopeia. Nasobrahan siya sa pag inom ng alak at masama ito sa kanya kailangan naming bigyan ng gamot si Prinsesa Cassiopeia. Kung maari sana ina gumawa kayo ng gamot ngayon din dahil kailangan na ito ni Prinsesa Cassiopeia." Sabi ni Prinsipe Beroque sa kanyang ina.
"Masusunod anak gagawa ako agad ng gamot." Sagot ni Reyna Aldresa.
"Ayokong mawala si Prinsesa Cassiopeia. Lahat gagawin ko basta huwag lang mawala ang pinakamamahal kong si Prinsesa Cassiopeia." Sabi ni Prinsipe Beroque.
Nagtataka si Reyna Aldresa dahil tila umibig ang kanyang anak kay Prinsesa Cassiopeia ng hindi niya ito alam. Inutusan niya ang kanyang mga manggagawa na bilisan ang paggawa ng gamot.
Nakangiti si Reyna Aldresa habang nag iisip. "Binata na ang aking anak."
Tumagal ng ilang araw ang kanilang paggawa ng gamot. Si Prinsesa Cassiopeia ay pumayat at talagang nanghihina na ito.
"Anak narito na ang gamot." Sabi ni Reyna Andromeda.
"Maraming salamat ina." Sagot ni Prinsesa Cassiopeia.
Nagtungo si Prinsipe Beroque at ang mga Juertx sa palasyo ni Haring Cepheus at Reyna Andromeda.
"Mahal na Haring Cepheus narito na ang gamot ni Prinsesa Cassiopeia."
"Dalhin mo iyan sa silid ni Prinsesa Cassiopeia at ipainom mo iyan sa kanya." Sabi ni Haring Cepheus.
Nagtungo si Prinsipe Beroque sa silid ni Prinsesa Cassiopeia at ipinainom niya ang gamot sa prinsesa. Pagkatapos ay nagluto siya ng masarap na pagkain para kay Prinsesa Cassiopeia.
Nang makaluto ng pagkain si Prinsipe Beroque ay pinakain niya si Prinsesa Cassiopeia. Sinubuan niya ito saka niya pinainom ng tubig at pinunasan niya ang bibig ni Prinsesa Cassiopeia.
Gumagaling na si Prinsesa Cassiopeia dahil sa gamot na ipinainom ni Prinsipe Beroque. Pagkatapos niyang pakainin ang prinsesa ay iniwan niya ito sa silid upang hindi niya ito maabala sa pagpapahinga.
Nagtungo siya sa labas ng palasyo at nakita niya doon ang hari.
"Narito ka pala Prinsipe Beroque, maraming salamat sa pag aalaga sa aking anak." Sabi ni Haring Cepheus.
"Walang anuman mahal na hari tungkulin kong alagaan si Prinsesa Cassiopeia. Lahat gagawin ko para sa kanyan." Sagot ni Prinsipe Beroque.
"Alagaan mo ang aking anakat huwag mo siyang pababayaan sa tuwing siya ay may pinupuntahan."
"Masusunod ang inyong kahilingan mahal na Haring Cepheus." Sabi ni Prinsipe Beroque.
"Alam kong umiiibig ka sa aking anak kaya alam kong hindi mo siya pababayaan."
"Makakaasa kayo mahal na hari. Hindi ako papayag na may mangyaring masama sa kanya."
Naging malapit si Haring Cepheus kay Prinsipe Beroque dahil sa pagligtas nito kay Prinsesa Cassiopeia. Ipinagkatiwala ng hari ang kanyang anak kay Prinsipe Beroque dahil alam niyang hindi pababayaan ni Prinsipe Beroque si Prinsesa Cassiopeia.
Pagkatapos nilang mag usap ay pumasok si Prinsipe Beroque sa silid kung saan naroon si Prinsesa Cassiopeia upang tignan kung ayos lang ba si Prinsesa Cassiopeia.
"Kumusta ang pakiramdam mo mahal kong Prinsesa Cassiopeia?"
"Maayos na dahil sa tulong mo Prinsipe Beroque."
"Sige magpahinga ka muna dahil kailangan mong magpalakas ng katawan."
Matapos itong sabihin ni Prinsipe Beroque ay tumalikod na ito lalabas na sana siya sa silid ng biglang tinawag siya ni Prinsesa Cassiopeia.
"Sandali Prinsipe Beroque."
"May kailangan ka ba mahal kong prinsesa?"
"Maraming salamat." Sabi ni Prinsesa Cassiopeia at tumayo ito kahit nahihirapan ito ay lumapit siya sa prinsipe at saka niya ito niyakap ng mahigpit.
Nagulat si Prinsipe Beroque at maslalong nahulog ang kanyang damdamin kay Prinsesa Cassiopeia. Niyakap niya rin si Prinsesa Cassiopeia at pagkatapos ay tinulungan niya itong makabalik sa kanyang kama.
"Sa susunod sabihin mo sa akin kung nais mong maglakad para matulungan kita mahina pa ang iyong katawan." Pagmamakaawa ni Prinsipe Beroque sa prinsesa.
"Paano pag sinabi kong ayaw ko, ano ang gagawin mo?" Pagbibiro ni Prinsesa Cassiopeia sa prinsipe.
"Hindi na ako magluluto ng masarap na pagkain. Bahala ka hindi mo na matitikman ang luto ko." Pagkukunwari ni Prinsipe Beroque.
"Opo, kung iyan ang nais mo susundin ko." Nakangiting sabi ni Prinsesa Cassiopeia.
"Mabiti naman at ngumiti kana."
"Dahil sayo Prinsipe Beroque kaya ako ngumiti"
"Basta ikaw gagawin ko lahat para sayo." Sabi ni Prinsipe Beroque kay Prinsesa Cassiopeia.