CHAPTER 13: Ang pagiging malapit ng prinsesa sa prinsipe

1109 Words
Pagkatapos nilang mag-usap ay nagtungo na sina Prinsesa Cassiopeia at Prinsipe Beroque sa kalawakan. Nang makarating sila ay binigyang kulay ni Prinsesa Cassiopeia ang mga bituin, habang si Prinsipe Beroque naman ay nagluluto ng masarap na pagkain. Nakaluto na si Prinsipe Beroque kaya kumain na sila. "Nagustohan mo ba ang niluto kong pagkain?" "Sobra, hindi ko akalain na ang prinsipe na katulad mo ay magaling magluto at talaga namang masarap. Mapapadami ako ng kain nito at siguradong gagaling ako kaagad." Sabi ni Prinsesa Cassiopeia. "Kung gusto mo ay ipagluluto kita bukas ng mas masarap pang pagkain." "Maari ba?" Nakangiting tanong ni Prinsesa Cassiopeia. "Basta para sayo mahal kong Prinsesa Cassiopeia." Matapos silang kumain ay nagtungo sila sa taas ng palasyo at doon sila ay humiga at saka pinagmasdan ang mga bituin. "Kung ikaw ay bibigyan ng isang kahilingan ano ang iyong hihilingin?" Tanong ni Prinsesa Cassiopeia kay Prinsipe Beroque. "Iisa lang ang kahilingan ko ang mahalin mo rin ako ng tunay at kapag nangyari yan pangako papakasalan kita kaagad." "Sa ngayon kaibigan ang turing ko sa iyo madami pa akong tungkulin kaya hindi muna ako maaring magpakasal sa ngayon." Sagot ni Prinsesa Cassiopeia. "Ikaw Prinsesa Cassiopeia ano ang iyong kahilingan?" Tanong ni Prinsipe Beroque. "Ako? Kung bibigyan nila ako ng pagkakataong humiling. Ang kahilingan ko ay sana mabago ang ating batas. Ang ibig kong sabihin ay payagan nilang pumunta ang mga babaeng immortal sa mundo ng mga tao." "Bakit iyan ang napili mong kahilingan?" Tanong ni Prinsipe Beroque kay Prinsesa Cassiopeia. "Dahil nais kong makapunta sa mundo ng mga immortal." Nagkunwari si Prinsesa Cassiopeia na hindi pa niya naranasang makapunta sa mundo ng mga mortal. "Ganoon ba? Ang batas na ito ay hindi basta mababago kaya malabong mangyari ang bagay na nais mo." Sabi ni Prinsipe Beroque. "Tama ka." Sabi ni Prinsesa Cassiopeia habang nakatanaw sa mundo ng mga mortal. Pagkatapos nilang mag usap ay nakatulog na si Prinsesa Cassiopeia habang si Prinsipe Beroque ay gising parin dahil nais niyang siguraduhing nasa maayos na kalagayan si Prinsesa Cassiopeia bago ito matulog. Kinaumagahan ay maagang gumising si Prinsipe Beroque at nagluto ng masarap na pagkain para sa pinakamamahal niyang prinsesa na si Prinsesa Cassiopeia. Nang makaluto siya ay pumunnta siya sa kinaroroonan ni Prinsesa Cassiopeia na tulog parin. Hinintay niyang magising si Prinsesa Cassiopeia hinayaan niya itong matulog ng matagal dahil alam niyang ito ay pagod. Ng magising si Prinsesa Cassiopeia ay nakita nito si Prinsipe Beroque na nakatulog sa kanyang tabi at nakaakbay pa ito sa kanya. Natuwa ang prinsesa dahil alam niyang napuyat ang prinsipe sahil sa pag-aalaga sa kanya nagtungo siya sa kusina ng palasyo upang uminom ng tubig. Natuwa siya ng makitang nakaluto na si Prinsipe Beroque at may nakalagay pang gatas doon. Bumalik siya sa taas ng palasyo at saka niya tinignan ang mata ni Prinsipe Beroque. "Talagang mas inisip ni Prinsipe Beroque ang aking kaligtasan bago ang kanyang sarili kaya ito ay napuyat." Sabi ni Prinsesa Cassiopeia sa kanyang sarili saka itinaas ang buhok ni Prinsipe Beroque na nakatakip sa mata ng Prinsipe. Nagulat siya ng bigalang nagising ang prinsipe. Hinawakan kaagad ni Prinsipe Beroque ang kamay ng prinsesa. "Napakalambot ng iyong mga kamay kaya ako ay kaagad na nagising ng hinawakan mo ang aking noo at saka itinaas ang mga buhok ko." "Paumanhin hindi ko sinasadya, nais ko lang namang tanggalin ang buhok na nakatakip sa iyong mga mata." Paliwanag ng prinsesa. Tinakppan ni Prinsipe Beroque ang bunganga ng prinsesa gamit ang kanyang hintuturo. "Ayos lang hindi mo kailangang humingi ng tawad mahal kong Prinsesa Cassiopeia." Malumanay na sabi ng prinsipe. Nagtungo sila sa kusina ng palasyo at sabay silang kumain. "Nais kong magtungo ngayon sa ikaapat na buwan ang Verthuaqx ang tirahan mga berdeng Elf." Sabi ni Prinsesa Cassiopeia. "Papayag lang ako kung papayag ka na samahan kita?" "Sige, papayag ako." Prinsesa Cassiopeia. Pagkatapos nilang kumain ay nagtungo sila sa ikaapat na buwan. "Tulad ng ilang mga buwan maganda parin ang ikaapat na buwan at tulad parin ito ng dati ng huli akong pumunta." Prinsipe Beroque. "Magandang araw mga kaibigan naming Elf." Prinsesa Cassiopeia. "Magandang araw din sayo mahal naming Prinsesa Cassiopeia," sabi ng isang berde na Elf. "Tuloy po kayo Prinsipe Beroque at Prinsesa Cassiopeia." Sabi ng isa pang Elf. "Maraming salamat, ngunit kailangan na naming umalis nagtungo lang kami rito upang malaman kung ayos lang kayo." Sabi ni Prinsesa Cassiopeia. "Maayos naman ang lahat rito." Sagot ng pinakamatanda sa kanila. "Masaya akong malaman na nasa maayos kayong kalagayan." Sabi ni Prinsesa Cassiopeia. "Paalam hanggang sa muli." Sabi ng prinsesa at prinsipe. "Paalam mag iingat kayo." Sigaw ng mga Elf. Pagkatapos nilang makita ang ikaapat na buwan ay nagtungo naman sila sa ikalimang buwan ang Verthinc tirahan ng mga itim na Elf. Sa kanilang paglalakbay ay may nakasalubong silang isang matandang babae at binigyan niya ng pagkain ang dalawa, pagod na ang dalawa dahil malayo narin ang kanilang nalakbay kaya kinain nila ito. Matapos kainin ni Prinsesa Cassiopeia ang tinapay ay kaagad itong nawalan ng malay. Habang si Prinsipe Beroque naman ay nawalan ng kapangyarihan nagulat siya sa nangyari at ng tignan niya ang matanda ito ay biglang naging isang demonyo at kinuha niya si Prinsipe Beroque. Habang si Prinsesa Cassiopeia ay naiwan na nakahiga sa daan. "Wala kang magagawa dahil nilagyan ko ng mahika ang tinapay na iyong kinain upang mawala angbiyong kapangyarihan, pero huwag kang mag alala dahil babalik din ito pagkaraan ng ilang buwan." Sabi ng demonyong babae habang ito ay tumatawa. "Ano ang ginawa mo kay Prinsesa Cassiopeia?" Galit na tanong ni Prinsipe Beroque. "Tulad ng sa'yo ang tinapay na kanyang kinain ay may mahika kaya siya nawalan ng malay. Ngunit kakaiba ang nakain niyang mahika siguradong makakalimutan ka niya at magbabago ang kanyang ugali." "Siya nga pala matagal ko na kayong pinagmamasdan at sinusundan ako ang naglagay ng mahika sa ininom niyang alak upang siya ay magkasakit. Matapang ang prinsesa dahil nakaligtas siya pero sa ngayon siguradong hindi na siya makakaligtas dahil makakalimutan ka niya at mapapasa akin kana." "Kung hindi mo ako kilala ako lamang ay isang mababang uri ng babae na umiibig sayo." Paliwanag ng tila demonyong babae. "Sa oras na bumalik ang aking kapangyarihan ay magbabayad ka sa mga kasalanang ginawa mo sa akin at sa pinakamamahal ko." Sabi ni Prinsipe Beroque na galit na galit. Tumawa lang ang tila demonyong babae at saka niya tinakpan ang mata ni Prinsipe Beroque at dinala niya ito sa kanyang tahanan. Nang makarating sila sa tahanan ng demonyong babae ay iginapos siya sa isang upuan at saka tinanggal ang nakatakip sa mukha nito. Habang si Prinsesa Cassiopeia naman ay nasa daan parin at nananatiling walang malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD