Lumipas ang ilang oras at nasa daan parin si Prinsesa Cassiopeia. Walang nakakalam na siya ay naroon at walang malay.
Habang si Prinsipe Beroque naman ay ikinulong ng tila demonyong babae na umibig sa kanya. Nagtataka ang lahat dahil hapon na ngunit hindi pa nagniningning ang mga bituin.
Kaya nagsama ang lahat ng mga Elf at saka nag tungo kay Prinsipe Eridanus ang namumuno sa limang buwan. Upang tanungin kung bakit at ano ang nangyayari sa kalawakan.
"Huminahon kayo at pupunta ako sa kalawakan ngayon din upang alamin kung ano ang nangyayari." Sabi ni Prinsipe Eridanus.
Sa gabing iyon ay hindi nagningning ang mga bituin. Nagkasundo naman ang lahat ng Elf na hintayin si Prinsipe Eridanus para malaman kung ano ang nangyayari.
Si Prinsipe Eridanus ay kaagad na nagtungo sa kalawakan at ng makarating siya roon ay nagulat siya dahil wala doon si Prinsesa Cassiopeia. Nagmadaali ito at nagtungo sa palasyo ng kanyang amang hari at inang reyna.
"Ina, Ama narito ba ang aking kapatid na si Prinsesa Cassiopeia?" Tanong nito.
"Wala siya rito umalis sila ni Prinsipe Beroque kaninang umaga. Bakit may problema ba?" Sabi ni Haring Cepheus.
"Kailangan ko siyang makita ngayon din, dahil nagkakagulo ang mga Elf sapagkat hindi nila nakitang nagningning ang mga bituin." Sagot ni Prinsipe Eridanus.
"Ang mabuti pa ay matulog ka muna at saka mo siya hanapin bukas." Sabi ni Reyna Andromeda.
Naisipan ni Prinsipe Eridanus na magpahinga muna saka ituloy ang paghahanap kay Prinsesa Cassiopeia na kanyang kapatid bukas. Malalim na ang gabi at siguradong mahihirapan siya sa paghahanap.
Nag pahinga si Prinsipe Eridanus sa palasyo.
Kinaumagahan ay inutusan ni Haring Cepheus ang mga Juertx upang alamin kung nasa Quertanya si Prinsesa Cassiopeia.
Nagtungo ang mga Juertx roon. May katagalan ang kanilang paglalakbay kaya inabot sila ng ilang oras bago makarating sa plasyo ni Reyna Aldresa.
Nalaman nilang wala doon si Prinsesa Cassiopeia kaya bumalik din sila sa palasyo ni Haring Cepheus upang ipaalam ang kanilang nalaman.
"Mahal na hari si Prinsesa Cassiopeia ay wala sa kaharian ng Quertanya." Sabi ng mga Juertx.
Nagulat si Prinsipe Eridanus at Haring Cepheus sa narinig. Kaya tinawag niya ang lahat ng mga Juertx at inutusan niya ng mga ito na hanapin si Prinsesa Cassiopeia.
Nagsimulang maghanap ang lahat at pati na rin si Mequervax ay tumulong. Mas lalo silang nabigla ng malamang nawawala rin si Prinsipe Beroque na kasama ni Prinsesa Cassiopeia sa araw nang pagkawala nito.
Nagtungo si Prinsipe Eridanus sa kanyang kaharian upang ipaalam sa mga Elf na nawawala si Prinsesa Cassiopeia.
Nagulat ang lahat ng mga Elf at ang ilan ay natatakot na baka hindi na nila mahanapan si Prinsesa Cassiopeia. Sa kabilang banda ay naiintindihan nila ang pansamantalang pagkawala ng kulay ng mga bituin. Alam nilang nawawala si Prinsesa Cassiopeia at hindi nagsinungaling si Prinsipe Eridanus.
Patuloy parin sa paghahanap ang lahat ngunit hindi nila makita ang dalawa.
Tumutulo na ang luha ni Mequervax sa paghahanap ngunit hindi parin nito makita ang prinsesa.
Naalala niya ang dalawang diyosa kaya kaagad niya itong pinuntahan at ipinaalam ang nangyayari.
Nagulat ang dalawang doyosa ng malaman ang pagkawala ng dalawa kaya tumulong sila sa paghahanap.
"Baka nagtungo ang dalawa sa mundo ng mga tao." Sabi ni Diyosa Lyra.
"Hindi ito gagawin ni Prinsesa Cassiopeia dahil kasama nya si Prinsipe Beroque." Sabi ni Mequervax.
"Kung tutungo sila roon ay siguradong tatawagin tayo ni Prinsesa Cassiopeia." Sabi ni Diyosa Phoenix.
"Kasama niya si Prinsipe Beroque kaya maaring hindi na niya tayo tatawagin dahil may kasama siya." Paliwanag ni Diyosa Lyra.
"Kung talaga ngang nagtungo sila sa mundo ng mga tao bakit hangagang ngayon ay hindi parin sila nakakauwi?"
Nagtatakang tanong ni Mequervax.
"Baka may masamang nangyari sa kanila sa mundo ng mga tao." Sabi ni Diyosa Phoenix.
"Hindi ito mangyayari dahil kasama niya si Prinsipe Beroque at mayroon naman silang mahika na maari nilang gamitin kung sakaling malagay sila sa panganib habang sila ay nasa mundo ng mga mortal." Sabi ni Mequervax.
Nagtataka ang tatlo at nag-iisip ng dahilan.
Naghiwalay silang tatlo upang maging mabilis ang paghahanap sa dalawa.
Si Diyosa Lyra ay nagtungo sa kanluran at si Diyosa Phoenix ay nagtungo sa silangan at si Mequervax naman sa kanluran.
Tumagal ng ng ilang oras ang paghahanap hangagang sa malapit na namang sumapit ang gabi ngunit hindi parin nila nakikita si Prinsesa Cassiopeia at Prinsipe Beroque.
Ang lahat ay malungkot at umiiyak na pumunta sa palasyo upang ipaalam kay Haring Cepheus, Reyna Andromeda at sa ina ni Prinsipe Beroque na si Reyna Aldresa na hindi pa nila nahanap ang dalawa at kailangan na nilang magpahinga at ituloy na lamang ang paghahanap bukas.
Matapos maghapunan ang lahat ay umuwi na sila at saka nagpahinga.
Kinabukasan ang lahat ay maagang gumising, kumain at nagtungong muli sa palasyo ng hari at reyna saka ipinagpatuloy ang paghahanap sa dalawa. Maraming oras ang lumipas at napakadami pa nilang naghahanap ngunit ni isa ay wala pang nakakita sa dalawa. Ipinagpatuloy parin nila ang paghahanap hangagang sa pagod na ang lahat kaya naisipan nilang magpahinga at kumain.
Pagkatapos nito ay ipinagpatuloy nilang muli ang paghahanap ang lahat ay naghiwalay ay nagpunta sa magkakaibang lugar. Ang iba ay may kasama at ang ilan naman ay mag isa lang sa paghahanap.
Lahat ay abala sa paghahanap ng hindi manlang alam kung saan hahanapin ang dalawa.
Hinanap nila ang dalawa sa mga lugar na maari nilang puntahan. Pumunta ang mga diyosa sa daaanan patungong Earth ang ibang mga Juertx ay sa unang buwan at sa ikalawang buwan.
Si Mequervax ay nagtungo sa mga daanan patungo sa ikalimang buwan at nagulat siyang ng makita si Prinsesa Cassiopeia sa daan na nag iisa, nakahiga at walang malay, nag anyo siyang dragon at saka isinakay si Prinsesa Cassiopeia. Nagtungo sila sa palasyo ng hari at reyna.
Ang lahat ay nagulat sa nakita, dahil sa sobrang pagkabigla ay nawalan ng malay si Reyna Andromeda. Kaagad namang binuhat ni Prinsipe Eridanus ang kanyang ina st ipinunta sa isang silid ng palasyo.
Habang angJuertx naman ay patuloy sa paghahanap kay Prinsipe Beroque.
Ipinaalam nila ang nangyari kay Reyna Aldresa kaya kaagad na nagtungo sa plasyo si Reyna Aldresa nagdala ito ng ilang mga gamot.
Si Prinsesa Cassiopeia ay walang malay mabuti nalang at tumitibok pa ang kanyang puso. Pinainom nila ito ng gamot, ngunit hindi parin ito nagkaroon ng malay kaya hinayaan muna nila itong magpahinga sa silid.
Si Reyna Aldresa naman ay umiiyak ng malamang nawawala ang kanyang anak kaya inutusan niya ang lahat ng nakatira sa Quertanya na hapin si Prinsipe Beroque.
Si Prinsipe Beroque naman ay ginayuma ng tila demonyong babae ngunit hindi tumalab sa kanya ang mahika ng babae. Nagulat ang babae at hinigpitan ang tali ni Prinsipe Beroque. Samantalang si Prinsesa Cassiopeia ay nananatiling walang malay.