Ipinagpatuloy ni Prinsesa Cassiopeia ang pakikipag usap sa kanyang sarili.
"Magkakaiba ang kulay na iyong makikita depende sa kung ano ang epekto nito. Lahat ng mga kulay na ito ay kumikinang na parang puno ng mahika."
"Ang mga ito ay nakalagay sa mga boteng may sulat at mayroon ding isang malawak at mababaw na butas kung saan napupunta ang mga kulay purple na potion at gamot at sa gilid naman nito ay naroroon ang iba pang mga kulay. Sa kaliwa ay mayroon ding katulad nito ito ay may malaki at malawak na butas parang balon ang hugis nito na pinaghahaluan ng mga potion at gamot."
"Naka depende sa kanila kung gaano karami ang ilalagay nilang kulay sa bawat gagawin nilang potion o gamot upang mapanatili ang balanse ng mahika nito at maka likha ng perpektong potion o gamot para sa mga immortal." Ang sabi ni Prinsesa Cassiopeia sa kanyang sarili habang pinagmamasdan niya ang mga manggagawa.
Ipinagpatuloy niya ang paghahanap kay Reyna Aldresa at habang siya ay naglalakad sa loob ng Palasyo ay may nakakita sa kanyang isang manggagawa at nilapitan siya nito.
"Saan kayo patungo?" Tanong ng manggagawa.
"May hinahanap ba kayo? Mahal kong Prinsesa Cassiopeia.
"Hinahanap ko si Reyna Aldresa." Ang sagot naman ni Prinsesa Cassiopeia.
"Si Reyna Aldresa ay nasa taas na bahagi ng Palasyo. Kung saan naroon ang maraming libro tungkol sa kung paano lumikha ng mga gamot, potion at kung anu-ano pang gamit na may mahika. Siya ay nagbabasa ng libro."
"Maraming salamat sa pagsabi sa akin kung saan ko matatagpuan si Reyna Aldresa." Sagot ni Prinsesa Cassiopeia.
Pumunta nga si Prinsesa Cassiopeia sa mataas na bahagi ng Palasyo. Nang makarating siya sa taas ay hinanap niya ang silid kung saan naroon ang mga libro.
Maraming silid ang naroon pero mas madaming mga daan na puro dead end. Kaya mas lalo siyang nahirapan sa paghahanap sa nasabing silid kung saan naroon si Reyna Aldresa.
Habang hinahanap niya ang silid bigla niyang naalala na kailangan na niyang magbalik sa kanyang kaharian upang bigyan ng kulay ang mga bituin dahil sumapit na ang hapon.
Nag madali siyang lumabas at hindi niya inaasahang madulas pala ang hagdan dahil may natapon na potion kanina roon kaya aksidente siyang nadulas at nabangga niya ang isang manggagawa at natapon ang hawak nitong potion.
"Patawad hindi ko sinasadya. Nagmamadali kasi ako sa pag lalakad ng hindi nag iingat." Malungkot na sinabi ni Prinsesa Cassiopeia.
Mabuti nalang at mabait ang manggagawa kaya hindi ito nagalit sa prinsesa.
Sinabihan ni Prinsesa Cassiopeia ang ilang mga manggagawa na sabihin nila kay Reyna Aldresa na hintayin siya sa labas ng palasyo bukas ng umaga, dahil may mahalagang sasabihin itong sasabihin sa reyna.
"Makakaasa ka mahal naming Prinsesa Cassiopeia." Sagot ng mga manggagawa.
"Maraming salamat"
Lumabas si Prinsesa Cassiopeia sa Palasyo at naglakad patungo sa pintuan. Nang makalabas na siya sa pintuan ay nakita niya si Mequervax na naghihintay sa kanya at kaagad niya itong nilapitan.
Nagsimula na silang maglakad sa daan patungo sa daanang malapit sa rainbow na dagat at doon maari ng lumipad si Mequervax patungo sa kalawakan.
Habang sila ay nag lalakad sinabi ni Prinsesa Cassiopeia ang kanyang natuklasan sa loob ng Palasyo.
"Madami akong nakitang maganda sa loob ng palasyo ni Reyna Aldresa".
"Ang mga potion at gamot na kanilang ginagawa ay talagang napalaganda. Lahat ng mga kulay ay naroon at kumikinang pa ang mga ito. Bawat potion at gamot ay mag kakaiba ang kulay."
"Nakakalungkot lang isipin na hanggang ngayon ay hindi ko pa nakausap si Reyna Aldresa." Dagdag pa ni Prinsesa Cassiopeia.
"Makaka usap mo din si Reyna Aldresa basta mag hintay ka lang sa tamang panahon." Paliwanag ni Mequervax.
Masaya ang dalawang nag kwentuhan habang sila ay patungo sa kalawakan.
Nang sila ay makarating rito ay agad na binigyang kulay ni Prinsesa Cassiopeia ang mga bituin.
Matapos niya itong gawin ay nag tungo siya sa taas ng kanyang palasyo upang tignan ang kaharian ng mga mortal saka siya nagtanong sa kanyang sarili kung kailan ito muling makakapunta sa lugar na iyon.
Kinaumagahan ay nagtungo ulit si Prinsesa Cassiopeia at Mequervax sa mahiwagang kagubatan. Pagkatapos ay kaagad silang pumunta sa pintuan patungong Quertanya.
"Magandang umaga narito ba si Reyna Aldresa?"
Sumagot ang isa sa mga manggagawa.
"Magandang umaga Prinsesa Cassiopeia. Mag patuloy ka. Nasa loob ang mahal na Reyna Aldresa naghihintay sa iyo."
Pumasok si Prinsesa Cassiopeia sa loob ng palasyo at nang makarating siya sa loob ay kinausap niya si Reyna Aldresa.
"Ano ang maipaglilingkod ko sa iyo mahal kong Prinsesa Cassiopeia?" Tanong ni Reyna Aldresa.
"Kailangan ko ang tulong niyo Reyna Aldresa." Sagot ni Reyna Aldresa.
"Maari mo bang sabihin ang iyong problema upang matulungan kita?"
"Kung maari sana ay nais kong gumawa kau ng isang palamuti na katulad ng palamuti na nakalagay sa aking singsing." Sagot ni Prinsesa Cassiopeia
"Kung iyan ang iyong nais gagawa kami ng palamuting katulad ng mga nakalagay na palamuti sa iyong singsing." Sagot ni Reyna Aldresa ng walang alinlangan.
"Kung maari ay haluan ninyo ito ng mahika." Dagdag ni Prinsesa Cassiopeia.
"Gagawin namin ang iyong utos ngunit kailangan mong maghintay ng mahabang panahon, dahil hindi madaling gawin ang iyong pinapagawa matagal ang proseso nito bago makagawa ng isang perpektong palamuti na katulad ng nasa singsing mo." Sabi ni Reyna Aldresa.
"Makakapag hintay ako pero kung maari sana ay bilisan ninyo ng kaunti ang paggawa sa bagay na ito, dahil talagang kailangan ko na ito." Sabi ni Prinsesa Cassiopeia.
Hindi nagpahalata si Prinsesa Cassiopeia na nawawala ang isang palamuti ng kanyang singsing.
"Makakaasa kang gagawin namin ito ng maayos at bibilisan namin ang paggawa sa bagay na ito, dahil halata ko na kailangan mo ito sa lalong madaling panahon."
"Tama ka Reyna Aldresa ang bagay na pinapagawa ko sa'yo ay talagang importante malaki ang maitutulong nito sa akin at maaring malagay sa panganib ang ibang buhay ng mga immortal kapag hindi ninyo ito nagawa ng maayos at mabilis." Sabi ni Prinsesa Cassiopeia
Kaagad na nagtaka si Reyna Aldresa sa sinabi ni Prinsesa Cassiopeia na maaring manganib ang buhay ng ibang mga mortal kaya nagtanong ito kay Prinsesa Cassiopeia.
"Ano ang ibig mong sabihin Prinsesa Cassiopeia?"
"Maaring manganib ang buhay ng ibang mga mortal?"
Hindi nagpahalata si Prinsesa Cassiopeia at hindi niya sinabi ang totoo kay Reyna Aldresa.
"Ibig kong sabihin ang singsing na ito ay malaki ang maitutulong nito sa mga immortal." pagsisinungaling ni Prinsesa Cassiopeia.
"Ang sinabi mo kanina maaring manganib ang buhay ng ibang mga mortal."
Hindi nakapag salita si Prinsesa Cassiopeia. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya kay Reyna Aldresa kaya nanahimik na lamang ito.