CHAPTER 6: Ang mga pagsubok ni Venzilla kay Prinsesa Cassiopeia at Mequervax

1067 Words
Matapos na mag tanong si Venzilla ay kaagad na sumagot si Prinsesa Cassiopeia. "Hinahanap namin ang daanan patungo sa kaharian ng Quertanya." "Kung nais niyo na makapunta sa kaharian ng Quertanya ay kailangan niyo munang dumaan sa maraming mga pagsubok. "Ang sabi ni Venzilla. "Lahat gagawin namin basta makapasok lang kami sa kaharian ng Quertanya. Kailangan naming makapunta sa Quertanya dahil may mahalaga kaming dapat gawin sa lugar na iyon." Sagot ni Prinsesa Cassiopeia habang nag aalala at nag-iisip kung ano ang ibibigay na pagsubok ni Venzilla. Nagsimulang mag-isip si Venzilla kung ano ang dapat niyang ibigay na pagsubok sa dalawa. "Kailangan ninyong mahanap ang isang paru-paro na invisible ang katawan, tanging ang pakpak lamang nito ang nakikita." Ang sabi ni Venzilla. Agad na naghanap ang dalawa at nagtanong sila sa mga nakatira roon. "Alam niyo ba kung saan matatagpuan ang paru-paro na tanging ang pakpak lamang nito ang nakikita?" Tanong ni Mequervax at Prinsesa Cassiopeia. "Hindi namin alam." Sagot ng kanilang kausap. Marami ng hayop ang pinagtanungan nila pero ni isa ay walang nakakaalam kung saan ito matatagpuan. Nag patuloy parin sila sa pag hahanap hanggang sa may nakasalubong sila na isang matandang tipaklong may balbas itong kulay purple. "Paumanhin kung nabala namin kayo, nais lang naming tanungin kung may kilala o nakita kayo na isang paru-paro na tanging ang pakpak lamang nito ang nakikita?" Mabilis na tanong ni Prinsesa Cassiopeia. Sumagot ang matandang tipaklong. "Oo meron." "Maari po ba naming malaman kung saan ito matatagpuan?" Tanong ni Mequervax. "Siya ay kadalasang makikita sa lugar kung saan maraming mga bulaklak." Sabi ng tipaklong. Nag pasalamat sila at agad na nagtungo sa nadaanan nilang lugar kung saan maraming mga bulaklak. Nakita nila ang paru-paro na Inaaway ng mga bubuyog kaya kaagad nila itong tinulungan. Nag anyong nakakatakot si Mequervax at saka niya tinakot ang mga bubuyog. "Itigil niyo yan kung ayaw ninyong kainin ko kayo." Ang sabi ni Mequervax. Nag unahan sa paglayo ang mga bubuyog at Nagpasalamat ang paru-paro sa dalawa. Sinabi ni Prinsesa Cassiopeia na kailangan niya ang tulong ng paru-paro at pumayag ang paru-paro. Sila ay pumunta kaagad sa kinaroroonan ng maliit na mushroom na si Venzilla. Nang makarating sila ay hinanap nila at saka kinausap ito. "Narito na ang pinapahanap mong paru-paro." Sabi ni Prinsesa Cassiopeia at nakadapo naman ang paru-paro sa kamay ni Mequervax. Agad na kinuha ito ni Venzilla at saka pinakawalan. "Maari na ba kaming pumasok sa pintuan patungong kaharian ng Quertanya?" Tanong ni Prinsesa Cassiopeia kay Venzilla. "May isa pa kayong pagsubok na dapat malampasan. Ito ang pinakamahirap sa lahat." "May dalawang tinapay sa inyong harapan. Upang kayo ay makapasok kailangan ninyong piliin ang tinapay na may kakayahang mag paliit at saka ninyo ito kainin. Ang isang tinapay ay walang epekto sa inyo. Kapag hindi ninyo napili ang tinapay na nakakapag paliit hindi kayo makakapasok sa kaharian ng Quertanya." Paliwanag ni Venzilla. Nauna si Prinsesa Cassiopeia sa pag pili agad niyang kinain ang tinapay na pinili niya at ang napili niya ang tinapay na may kakayahang magpaliit kaya tuwangtuwa si Prinsesa Cassiopeia. Sumunod si Mequervax nasa harapan niya ang dalawang tinapay at kinain niya ang tinapay na kanyang napili at aking gulat niya ng malamang napili niya ang tinapay na walang epekto. Nalungkot si Prinsesa Cassiopeia dahil mag isa lamang siyang maglalakbay ngayon ngunit wala itong nagawa kundi magpatuloy na lamang ng mag isa. Nag bigay ng babala si Mequervax kay Prinsesa Cassiopeia tumagal ang kanilang pag-uusap kaya malapit ng lumubog ang araw at kailangan ng bumalik ni Prinsesa Cassiopeia sa kalawakan upang paningningin ang mga bituin. Napag usapan nilang bumalik na lamang ulit bukas kaya binigyan ni Venzilla si Prinsesa Cassiopeia ng isang gamot upang ito ay bumalik sa normal niyang laki. Nag anyong dragon ulit si Mequervax at isinakay niya si Prinsesa Cassiopeia saka sila nag tungo sa kalawakan. Nang makarating sila rito ay agad na pinagningning ni Prinsesa Cassiopeia ang mga bituin. Habang ginagawa niya ito ay naalala niya si Elle at nais niya itong puntahan pagkatapos niyang mag tungo sa kaharian ng Quertanya. Sa gabing iyon ay hindi siya makatulog dahil iniisip niya ang mga pagsubok na dinaanan niya at hanggang ngayon ay hindi pa siya nakakarating sa kaharian ng Quertanya. "Kailan kaya ako makakarating sa kaharian ng Quertanya." Tanong ni Prinsesa Cassiopeia sa kanyang sarili habang nakahiga sa taas ng kanyang palasyo at pinagmamasdan niya ang mga nagniningning na mga bituin sa kalawakan hanggang sa nakatulog siya ng hindi niya namamalayan. Kinaumagahan ay gumising siya ng maaga tulad ng dati bago pa pasikatin ni Diyosa Lyra ang kanyang araw ay gising na siya upang maghanda para sa kanyang paglalakbay. "Mag isa akong maglalakbay ngayon sa kaharian ng Quertanya at saka ko hahanapin doon ang kanilang reyna na si Reyna Aldresa siguradong maraming pagsubok ang aking makakaharap at ang nakakalungkot ay mag isa lang ako at tuwing hapon ay kailangan kong bumalik sa kalawakan para pagningningin ang mga bituin sa aking kaharian. Pagkatapos ay muli akong babalik sa kaharian ng Quertanya upang ipagpatuloy ang aking pakay." Bulong ni Prinsesa Cassiopeia sa kanyang sarili habang malungkot na naglalakad patungo sa kinaroroonan ni Mequervax. Nang makarating siya sa kinaroroonan ni Mequervax ay sumakay siya sa likod nito at sa oras na iyon ay nakaanyong dragon na si Mequervax. Nagtungo sila sa kinaroroonan ng maliit na mushroom na si Venzilla. Binigyan ni Venzilla si Prinsesa Cassiopeia ng tinapay na nakakapag paliit at lumiit si Prinsesa Cassiopeia. Nagpaalam si Prinsesa Cassiopeia sa kanilang dalawa sinabihan niya din si Mequervax na hintayin siya sa labas ng pintuan. Pagkatapos ay pumasok na ito sa pintuan patungong kaharian ng Quertanya. Noong nakarating na siya sa loob ay bumalik sa normal ang kanyang laki at hinanap niya si Reyna Aldresa sa kahariang iyon. Masasama ang karamihang naninirahan sa kaharian ng Quertanya kaya natatakot si Prinsesa Cassiopeia na baka mas lalo siyang matagalan sa paghahanap kay Reyna Aldresa. Naglakadlakad siya sa kaharian ng Queranya hanggang sa makarating siya sa Palasyo ni Reyna Aldresa. Lumapit siya sa pintuan at kusang bumukas ang pintuan. "Maganda at malawak ang kanilang Palasyo at kulay itim ang karamihang makikita sa loob ng Palasyong ito." "Pag pasok mo naman samay pagawaan ng mga gamot at potion puro rainbow at mayroon ding purple lang, green, at iba pang kulay at lahat ng kulay ay naririto." Bulong ni Prinsesa Cassiopeia sa kanyang sarili habang pinagmamasdan nito ang lahat ng kanyang nasa paligid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD