Kinaumagahan ay agad na nagtungo sa mahiwagang gubat sina Prinsesa Cassiopeia at ang kanyang alaga na si Mequervax.
"Ang kaharian ng Quertanya ay matatagpuan sa hindi kalayuan", ang sabi ni Mequervax.
"Malawak ang mahiwagang kagubatan na ito at ang mga daan ay halos magkakapareho", sagot ni Prinsesa Cassiopeia.
"Huwag kang mag alala mahal kong Prinsesa Cassiopeia. Alam ko ang ilang daan rito kaya siguradong matatagpuan din natin ng mabilis ang kaharian ng Quertanya", sabi ni Mequervax.
Hinanap nga nila ang kaharian ng Quertanya.
Sa kanilang paghahanap ay may nakita silang isang daanan na kakaiba sa lahat. Ito ay kumikinang na kulay purple, green, berde, at asul.
Sinundan nila ang daanan. Malayo at mahaba ito kung titignan ang kanyang dulo. Tila ba parang wala itong katapusan. Hindi tulad ng ibang mga daanan na kanilang nakita kanina na agad itong liliko patungo sa isa na namang daanan na parang isang maze.
"Mahal kong Prinsesa Cassiopeia ito na siguro ang daanan patungo sa kaharian ng Quertanya. Matagal na akong pumupunta rito pero ngayon ko lang nakita ang daanang ito.
"Oo,, sa tingin ko ay ito na ang daanang patungo sa kaharian ng Queranya." Sagot ni Prinsesa Cassiopeia.
Paumanhin mahal kong Prinsesa Cassiopeia. Hindi pa ako nakakapunta sa kaharian ng Quertanya kaya hindi ko alam ang daanan patungo roon." Ang sabi ni Mequervax kay Prinsesa Cassiopeia.
"Ayos lang ang mahalaga ligtas tayo at dahil sa hindi natin alam ang daan kailangan natin itong hanapin at sa ating paghahanap ay madami akong nakitang kakaiba at talaga namang nakakaakit ang mga ito kaya masaya ako na nakapasyal tayo sa isang mahiwagang gubat na ito." Paliwanag ni Prinsesa Cassiopeia.
"Tama ka mahal kong Prinsesa Cassiopeia, ang lahat ng mga narito ay kakaiba kapag hinawakan o kinain mo ang mga prutas, bulaklak, puno, at iba pang mga naririto ay maari kang magkasakit o kaya mamatay. Mabuti nalang kahapon at walang epekto sa iyo ang mahika ng bulaklak na iyong nahawakan." Sagot ni Mequervax sa prinsesa.
Masayang nag uusap ang dalawa habang naglalakad sa mahabang daanan. Nang biglang may narinig silang umiiyak agad nilang pinuntahan ito. Ngulat sila nang makita ang isang baby chicken na kapipisa mula sa itlog na crystal, agad nila itong nilapitan.
"Bakit ka umiiyak munting manok?" Ang tanong ni Prinsesa Cassiopeia.
Sumagot ito. "Kasi nawawala ako at hindi ko makita ang aking ina at mga kapatid."
"Halika sumama ka sa amin at sasamahan ka namin sa paghahanap sa iyong ina at mga kapatid." Ang sinabi ni Mequervax.
Sumama nga sa kanila ang baby chicken at naglakad sila sa paligid ng mahiwagang kagubatan kung saan maraming d**o. Nagbabakasali ang mga ito na baka sakaling mahanap nila ang kanyang ina at mga kapatid na nag hahanap ng pagkain sa paligid.
Tumagal ang kanilang pag lalakad at naroon nga ang kanyang ina at mga kapatid. Nakita ng inang manok ang kasama nila Prinsesa Cassiopeia. Kaya nagtanong ito sa kanila.
"Maaari bang malaman kung sino ang kasama ninyong munting manok?"
"bakit parang kamukha ko siya?"
"Napisa na bah ang iniwan kong itlog?"
Tanong ng inang manok na nasasabik.
Nais niyang malaman kung anak niya ba ang kasama ni Prinsesa Cassiopeia at Mequervax.
"Oo, satingin namin siya ay inyong anak."
"Siya ang naiwan ninyong itlog." Sagot ni Prinsesa Cassiopeia.
Agad nalumapit ang mga kapatid at ina ng munting manok kila Prinsesa Cassiopeia at Mequervax.
"Napisa ka na pala anak, patawad at iniwan ka namin. Kilangan ko rin kasing pakainin ang mga kapatid mo saka ka namin babalikan, pero napisa kana pala." Paliwanag ng kanyang ina.
"Ayos lang po inay ang mahalaga ay nagkita na rin tayo." Sagot ng munting manok.
Masaya sina Prinsesa Cassiopeia at Mequervax dahil nakatulong sila. Nakangiti sila habang tinitignan ang mga manok na nagyayakapan.
"Maraming salamat sa kabutihan ninyo." Pagpapasalamat ng inang manok.
"Siya nga pala maari bang malaman kung saan ba kayo patungo?" tanong ng manok.
"Hinahanap namin ang daan patungo sa kaharian ng Quertanya." Masayang sagot ni Mequervax.
"Alam ko ang daanan patungo sa kaharian ng Quertanya." Sagot ng inang manok.
"Maari mo bah kaming tulungan?" Tanong ni Prinsesa Cassiopeia.
"Oo tutulungan ko kayo." Sagot ng Inang Manok.
Agad na nagtungo ang mga manok sa daanan patungong kaharian ng Quertanya at sinundan sila ni Mequervax at Prinsesa Cassiopeia.
"Ang daanang ito ang kakaiba sa lahat kaya agad niyo itong mahahanap. Wala itong katapusan kaya huwag ninyong sundan ang daanan. Hanapin ninyo lamang ang dalawang puno ng Cephilya na magkatabi. Ang mga dahon nito ay lumulutang nakahiwalay ito sa kanyang puno. Ang kanyang mga sanga ay may maraming tinik na hindi mo nakikita. May mgaa bulaklak din itong itim sa kanyang ugat." Ang payo ng inang manok.
Nag pasalamat ang dalawa at agad na umalis nagtungo sila sa nasabing daan.
"Nakita mo na ba ang puno ng Cephilya?" Tanong ni Prinsesa Cassiopeia kay Mequervax na kanina pa tahimik na nag lalakad.
"Wala pa akong nakikita, pero sa tingin ko malapit na natin itong matagpuan." Ang sagot ni Mequervax.
Marami na silang nadaan na mga puno pero hindi parin nila nahahanap ang puno ng Cephilya na sinabi ng inang manok.
Ipinag patuloy nila ang paglalakad sa kakaibang daanan hanggang sa malapit ng lumubog ang araw at kailangan na nilang bumalik ni Prinsesa Cassiopeia sa kalawakan.
Nang biglang lumitaw ang puno at nakita nila ng hindi inaasahan ang puno ng Cephilya.
"Mahal kong Prinsesa Cassiopeia nahanap na natin ang puno ng Cephilya, pero kailangaan na rin nating umuwi dahil kailangan mong paningningin ang mga bituin." Saad ni Mequervax kay Prinsesa Cassiopeia.
"Tama ka kailangan na nating bumalik sa kalawakan." Sagot ni Prinsesa Cassiopeia
Napag usapan nilang ipagpabukas nalang ang kanilang pagpunta sa kaharian ng Quertanya.
Bumalik sila kaagad sa kaharian ni Prinsesa at pinagningning ni Prinsesa Cassiopeia ang mga bituin sa kalawakan.
Kinabukasan ay gumising sila ng maaga at nag anyong dragon si Mequervax. Saka sila pumunta sa mahiwagang kagubatan. Masyadong matataas ang mga puno kaya hindi nila makikita ang daan sa itaas kaya pinagpasyahan nilang mag lakad na lamang.
Nag lakad sila at pumunta sa dalawang puno ng Cephilya.
"Nakarating na tayo rito, ngunit hindi ko makita ang pintuan patungo sa kaharian ng Quertanya." Naiinis na sabi ni Mequervax.
Nagulat sila ng biglang lumabas ang isang maliit na mushroom at nagsalita ito. Para itong tao ito na may kakayahang mag salita, mayroon siyang mga mata, ilong, tainga at iba pa maliban sa buhok at ang hugis nito ay hindi tulad sa katawan ng tao.
"Ano ang maipag lilingkod ko sa inyo ako si Venzilla ang tagapag bantay sa pintuan patungo sa kaharian ng Quertanya." Sagot ng maliit na mushroom na si Venzilla.