CHAPTER 4: Ang paglalakbay tungo sa kaharian ng Quertanya

1099 Words
Maagang gumising si Prinsesa Cassiopeia, gaya ng dati bago pa sumikat ang araw ay gising na siya. Pagkagising niya ay naghanda na siya at agad na nagtungo sa lugar kung saan siya ay hihintayin ng higanteng paru-paro. Naroon nga ang higanteng paru-paro na nag hihintay sa kanya. Agad na sumakay si Prinsesa Cassiopeia sa higanteng paru-paro at nag tungo sila sa lugar kung saan malapit sa rainbow na dagat. Sa kanilang paglalakbay ay nakasalubong nila ang isang higanteng ibon mas malaki ito kaysa sa sinasakyan ni Prinsesa Cassiopeia. Kaya sila ay hinabol ng higanteng ibon, dahil sa takot nilang baka sila ay makain ng ibon agad binilisan ng higanteng paru-paro ang paglipad at napunta sila sa daan patungo sa Barticur o kailalimang bahagi ng Planetang Éarthus. Sa loob ng kuweba ay naroon ang isang maliit na dragon. Nag aalala ang dalawa, dahil sa takot na baka sila ay makain ng higanteng ibon. Pagod na ang paru-paro at mayamaya lang ay siguradong babagsak na ito. Nag-isip sila ng paraan habang inililigaw nila ang higanteng ibon, ngunit dahil sa sobrang takot at kaba ay wala silang ibang maisip na paraan kundi ipagpatuloy ang paglipad hanggang sa mailigaw nila ang higanteng ibon. Mayamayalang ay ramdam na ng paru-paro na unti-unti na silang bumabagsak sa malawak na lava ng biglang dumating ang ina at ama ng maliit na dragon. Nakita nila ang higanteng paru-paro sakay nito si Prinsesa Cassiopeia na hinahabol ng isang higanteng ibon. Mabuti nalang at mabait ang mga dragon na iyon. Kaagad na tinulungan ng mag-asawang dragon ang dalawa. Ang babaeng dragon ang sumalo sa higanteng paru-paro at kay Prinsesa Cassiopeia, habang ang lalaking dragon naman ang kumuha sa atensiyon ng higanteng ibon. Binugaan niya ito ng apoy at natakot naman ang higanteng ibon na baka siya ay masunog kaya nagmadali itong umalis. Pinatuloy ng mag-asawang dragon ang dalawa sa kuweba at tinanong kung saan sila patungo at bakit sila hinabol ng higanteng ibon. Sinabi ni Princess Cassiopeia na..... "kami ay patungo sa rainbow na karagatan nang makita kami ng higanteng ibon at saka hinabol niya kami ng walang dahilan." "Alam kong hindi kayo hahabulin ng higanteng ibon na iyon ng walang dahilan." Sabi ng Amang Dragon. "Marahil ito ay nagugutom at binabalak niya kayong kainin." Dagdag ng Inang Dragon. Tumagal ang usapan hanggang sa napagpasyagan ng higanteng paru-paro at ni Prinsesa Cassiopeia na doon muna magpalipas ng oras hanggang sa mapawi ang pagod ng higanteng ibon. May katagalan rin ang kanilang paglipad kaya malapit na namang lumubog ang araw. Napag pasyahan nila na ang amang dragon na lamang ang maghahatid kay Prinsesa Cassiopeia bukas sa rainbow na dagat. "Kailangang mag pahinga ng paru-paro, kaya ako nalang ang mag hahatid sa iyo sa kulay rainbow na karagatan." Sabi ng Amang Dragon. "Gusto sana kitang ihatid sa Kaharian ng Quertanya, pero kailangan ko ring bumalik rito kaagad upang ihanapan ng pagkain ang aking anak." Dagdag pa nito. "Naiintindihan ko. Maraming salamat sa inyong kabutihan." Sagot ni Prinsesa Cassiopeia. "Hihintayin kita sa lugar kung saan ka hinintay ng higanteng paru-paro." Sabi ng Amang Dragon. Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay kaagad na umuwi si Prinsesa Cassiopeia sa kalawakan upang pagningningin ang mga bituin. Pagkatapos nito ay nagmamadali siyang nagtungo sa dati niyang pinupuntahan tuwing gabi. Masaya niyang pinagmamasdan ang mga bituin hanggang sa siya ay nakatulog. Kinaumagahan kagaya nang dati bago pa sumikat ang araw ay gising na si Prinsesa Cassiopeia at agad na nagtungo sa lugar kung saan naghihintay ang amang dragon. Natupad ang usapan naroroon na nga ang amang dragon Binati niya ito at saka siya sumakay sa likod ng dragon pagkatapos ay inihatid siya ng dragon sa rainbow na karagatan. "Maraming salamat sa paghahatid sa akin" ang sabi ni Prinsesa Cassiopeia. "Paalam mahal kong Prinsesa Cassiopeia. Mag-iingat ka sa iyong paglalakbay, hanggang sa muli." Paalam ng amang dragon. Nagtungo si Prinsesa Cassiopeia sa kinaroroonan ng isang higanteng isda. Pagkatapos ay inihatid siya nito sa isang mahiwagang gubat. Nagpasalamat si Prinsesa Cassiopeia sa Isda at nag mamadali itong umalis. Sa kanyang paglalakad madami siyang nakita na sadyang kakaiba sa gubat na iyon. "Ang mga daanan ay pare-pareho talagang nakakalito. Ang mga bulaklak ay napakaganda at lahat ay maaakit na pitasin ito, ngunit kapag ito ay nahawakan mo mangangati ang anu mang parte ng iyong katawan na maididikit sa kahit na anong klase ng bulaklak na matatagpuan rito." "Ang mga hayop ay talagang naiiba may kakayahan silang maglaho kapag pakiramdam nilang sila ay nasa panganib." Bulong ni Prinsesa Cassiopeia sa kanyang sarili. Habang naglalakad si Prinsesa Cassiopeia sa mahiwagang kagubatan napansin niyang parang pabalikbalik lamang siya, dahil ang mga daanan rito ay parepareho. Malapit nang lumubog ang araw ngunit hindi parin nakakarating si Prinsesa Cassiopeia sa kaharian ng Quertanya. Hindi niya alam kung saan siya pupunta at kung ano ang gagamitin niya para maka uwi sa kaniyang kaharian nang bigla niyang makita si Mequervax, kasama niya ang iba pang mga hayop. "Narito ka pala matagal na kitang hinahanap." Ang sabi ni Prinsesa Cassiopeia kay Mequervax. "Patawad mahal kong Prinsesa Cassiopeia, dahil hindi ako nagpaalam sa iyo." Ang sagot ni Mequervax. Ipinasyal ni Mequervax si Prinsesa Cassiopeia sa mahiwagang kagubatan upang hindi na ito mawala. Binigyan niya rin ito ng mga payo at babala na huwag basta humawak ng kahit na anong mga halaman sa paligid at huwag siyang basta kumain ng mga prutas na nasa paligid dahil ito ay maaring makalason. "Nagtataglay ang mga halamang ito ng sobrang lakas na mahika. Ang lahat rito ay maganda at talaga namang nakakaakit ngunit kailangan mong mag ingat sa mga ito dahil may masama itong maidudulot sa iyo." Paliwanag ni Mequervax. "Ngunit may isang puno na sadyang kakaiba sa lahat. Ito ay kumikinang na may asul na sanga, berdeng dahon, at namumunga ito ng gintong parang avocado. Nababalutan ito ng baging na may iba't-ibang kulay. Ang pinaka kakaiba sa lahat ay ang kakayahan niyang magsalita, maglakad, gumalaw at maglaho. Ito ay malaki at parang tao ang hugis nito ang kanyang mga baging na nakapalibot sa kanya na nag mistulang mga buhok nito." Paliwanag pa ni Mequervax. Masaya silang nag-uusap habang nag lilibot sa mahiwagang kagubatan nang biglang nahawakan ni Prinsesa Cassiopeia ang isang bulaklak ng hindi sinasadya. Mabuti nalang at wala itong epekto kay Prinsesa Cassiopeia. Matapos ang pamamasyal nila ay naisipan ni Mequervax na mag anyong dragon. Isinakay nito si Prinsesa Cassiopeia at nagtungo sila sa kalawakan upang pagningningin ni Prinsesa Cassiopeia ang mga bituin. Napagpasyahan nila na bukas ay tutungo ulit sila sa lugar na iyon, upang hanapin ang kaharian ng Quertanya at kausapin ang reyna ng mga Buetrez na si Reyna Aldresa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD