KABANATA 8 - SWEET SIDE OF HIM

4514 Words
NAPAHAWAK AKO SA dulo ng bestida ko habang nakaupo sa kama at hinihintay si Dante na nagbibihis. Hindi ko namalayan ang oras at sa tagal ng tulog ko ay gabi na ako nagising, maging si Dante.. Natutulala pa rin ako habang iniisip ang nangyari sa amin. Ngayon ako nakaramdam ng kaba sa ginawa namin. Masakit ang katawan ko pero mas nanaig ang takot dahil baka sobrang magalit sa akin si Papa oras na malaman niya ito. "Tara na.." Nagulat pa ako ng biglang magsalita si Dante. Binubutones niya ang polo niya at pinaragan sa pantalon bago isuot ang jacket niya. Tumayo ako habang hindi makatingin sa kanya. "Ayaw mo ba talaga kumain muna rito bago ka umuwi?" Umiling ako. Mas gugustuhin kong makauwi agad dahil lalo ako malalagot kay Papa kapag ginabi ako lalo. "Hindi na." Sabay kaming naglakad para lumabas ng penthouse niya. Ngayon ay sobra akong naiilang kapag naaalala ang bawat eksena na nangyari sa amin. Hindi ko alam ang sasabihin sa kanya. Kung anong plano niya sa nangyari sa amin. "Bukas ay susunduin kita at pupunta tayo sa office.." aniya at pinagbuksan ako ng pinto. Napahinga ako ng malalim at sumakay. Inayos ko ang saya ng palda ko at maging ang salamin ko sa mata. Sinara niya ang pinto kaya napabuga ako ng hangin at napapisil sa mga daliri ko habang nakayuko. Agaran siyang nakasakay at binuhay ang sasakyan. Sobrang tahimik, lalong nakakailang. "Still hurts?" aniya. "Huh?... Hmm.." tumango ako. "Haharapin ko ang ama mo." Nanlalaki ang mga mata ko na hinarap siya at agad akong umiling. "W-wag muna.. B-baka magalit sa akin si Papa.. P-please, ako na ang magsasabi." Sumulyap siya sa akin kaya umayos ako ng upo at tumingin sa labas ng bintana. Napapikit ako dahil hindi ko alam ang gagawin. "Kung ganoon ay mag-relax ka lang. Wala kang dapat na ipangamba." Napahinga ako ng malalim at napakapit ako sa kamay niya ng hawakan niya ang kamay ko na nasa kandungan ko. Pinakalma niya ako hanggang makarating kami sa amin. Tumingin ako sa bahay at lalong kinabahan na baka magtanong si Papa kung saan ako nagtungo. Wala din akong nabili sa book store. "Here.." napatingin ako kay Dante at may nilahad siyang paper bag, "Alibi mo." natawa siya kaya hinampas ko siya bago kinuha ang paper bag. "Salamat. Sige, papasok na ako." Tumango siya at hinawakan ako sa mukha bago hinaplos ang pisngi ko. Lumapit ang mukha niya kaya napayuko ako pero inabot niya pa rin ang labi ko at dumampi ang labi niya para halikan ako. Malalim na inangkin niya ang labi ko at halos ayaw bitawan kung hindi lang ako ang bumitaw. "Tatawag ako mamaya bago ka matulog." Tumango ako at tumingin sa kanya. Hinaplos niya pa ang pisngi ko bago bitawan ang mukha ko. Binuksan ko na ang pinto at bumaba habang bitbit ang paper bag. "Bye, bye." paalam ko. "Bye." aniya. Sinara ko na ang pinto at humarap na ako sa harap ng bahay namin. Humugot ako ng maraming hangin bago humakbang papasok. Tinulak ko ang maliit na pinto ng gate at pumasok ako. Narinig ko ang pag-andar ng kotse ni Dante paalis. Napansin ko na tila merong bisita si Papa. May hindi pamilyar na kotse na naka-park. Naglakad na ako at pumasok sa bahay. Nagtungo ako sa sala at napahinto ako ng makita na maraming kalalakihan sa sala habang kausap ni Papa. Napatingin sila sa akin. Para silang goons, pero para naman silang may kaya dahil maayos ang kasuotan nila. Lalo na ang malapit kay Papa na naka-tuxedo pa habang may gintong kwintas na nakasabit sa leeg nito at may relong ginto. Naninigarilyo ito at naka-shade. Agad na sinenyasan ako ni Papa na umakyat kaya yumuko ako at agad na tinungo ang hagdan para pumanik sa taas. Habang paakyat ako ay nahihiwagahan ako kung sino ang mga iyon. Parang hindi gagawa ng mabuti ang itsura nila. Hindi naman sa hinuhusgahan ko agad sila, pero kumakabog ang dibdib ko sa kaba para kay Papa habang kausap niya ang mga iyon. Pero ayos na rin pala iyon at hindi ako agad sinabon ni Papa ng tanong kung bakit ako ginabi at kung saan ako galing. Naupo ako sa kama ko at tinignan ang paper bag. Tinignan ko ang loob dahil may laman. Nagtataka na kinuha ko ang laman ng paper bag at nakita ko na isang libro nga. Napailing ako at tinignan ang libro. Gamit na ito at ginawang props lang talaga ni Dante. Hinubad ko ang sandals ko at umusog ako sa kama. Dumapa ako sa kama at binasa ang title. About lang sa law. Napahinga ako ng malalim dahil hindi agad ako dinapuan ng sipag na basahin iyon. Pero binuklat ko pa rin dahil baka may makapukaw ng atensyon ko. Napahinto ako at napatingin sa litratong nakaipit. Napangiti ako dahil ito yung litrato namin ni Dante nung unang araw ng penalty ko sa office niya. Si Dex siguro ang kumuha dahil stolen lang siya. Nasa sofa ako habang nakaupo at nakatingin lang sa kawalan. Habang si Dante ay busy sa pinipirmahan niyang papeles. Napatingin ako sa bag kong nilapag ko sa tabi ko. Tumunog ang cellphone ko kaya inabot ko ang sling bag ko at kinuha ang cellphone. Nakita ko na si Dante ang tumatawag. "Napagalitan ka ba?" bungad niya. "Hindi. Kasi may bisita si Papa kaya hindi pa niya ako nasasabon." "Bisita? Hmm.. Sino naman?" curious niyang tanong. Umikot ako at nahiga habang nakatapat pa rin ang cellphone sa tenga ko. "Hindi ko nga kilala. Baka kasosyo lang ni Papa sa business." Tumingin ako sa kisame habang siya ay natahimik. Nagtaka naman ako kung bakit. "Nagpapahinga ka na ba?" Napangiti naman ako sa pagtatanong niya tungkol sa ginagawa ko ngayon. "Hindi pa. Bababa pa ako para kumain. Ikaw, nakauwi ka na ba?" "Hmm. . . Hindi pa pero malapit na." "Gano'n ba. Sige, ibaba mo na at nagda-drive ka pa." "No, it's okay. Let's talk." pigil niya agad. Napakagat naman ako ng labi at hindi mapakali dahil baka pag-usapan na namin ang nangyari. "Nagda-drive ka, 'di ba?" "Nakahinto ako at nagpapahangin lang saglit." tugon niya. "Okay..." napapikit ako dahil wala akong masabi. "I miss you." Natawa ako na may halong hiya, "Kakahiwalay lang natin, miss mo na agad ako?" "Yeah. Kung ako lang ay gusto na kita makasama sa iisang bahay." Pakiramdam ko naman ay nag-init ang pisngi ko sa sinabi nya. Tumawa ako kunwari upang pagtakpan ang nararamdaman kong paghuhuramentado ng puso ko. "Ano ka ba.. Hindi naman p'wede 'yon." "Bakit hindi maaari?" "Kasi hindi ko iiwan si Papa." Natahimik siya sa sinabi ko. Totoo naman. Hindi ko iiwan si Papa kahit pa kung sakali man na magkatuluyan kami ni Dante. Kami na lang ni Papa ang natitira kaya ayokong iwanan pa siya. "Ayaw mo ba na makasama ako?" tanong niya. Napanguso ako, "Hindi naman sa gano'n. Ayoko lang na iwan pa si Papa mag-isa." Napahinga siya ng malalim, "What if, magkaroon ng mabigat na sitwasyon at hindi mo p'wedeng makasama sa lugar na iyon ang Papa mo. Anong gagawin mo?" Napaisip ako sa sinabi niya, "Edi," hindi pa ako nakakasagot ng may kumatok, "Ah, Dante, baba ko na 'to. Kinakatok na ako." "Okay. I love you, babe. Call me if you done to your dinner." "Okay. Bye, bye." "Bye." Naupo ako at binaba na ang tawag. Binitawan ko sa kama ang cellphone ko at tumayo ako bago lumapit sa pinto. Pagbukas ko ay si Manang Merly. "Kakain na at pinapatawag ka na ng Papa mo. Saan ka nga pala galing, hija, at ngayon ka lang halos nakauwi?" Napalunok pa ako bago ngumiti upang hindi niya mahalata na kinabahan ako ngayon sa biglang pagtatanong niya. "Sa book store po, Manang Merly. Kakabasa ko po sa mga books ay hindi ko po namalayan na gabi na." Napa-cross finger ako sa likod ko dahil kinakabahan ako sa pagsisinungaling ko. Tumango siya at inaya na ako bago tumalikod. Nakahinga naman ako ng maluwag at sinara ang pinto bago sumunod sa kanya. Pagbaba namin ay wala na doon ang mga bisita ni Papa. "Manang Merly, sino po 'yung mga bisita ni Papa?" tanong ko habang sabay kaming naglalakad patungo sa dinning area. "Kasosyo daw ng Papa mo sa negosyo. Pero hindi maganda ang kutob ko sa pakikipag-usap ng Papa mo sa mga taong iyon." Nagtaka naman ako. Bakas sa boses ni Manang ang pagkabahala. "Ano pong ibig nyong sabihin?" Napahinga siya at umiling, "Wala. Siguro ay bago lang sa akin na makita ang ganoong mga tao." Napatango naman ako. Napatingin ako sa table at nahiya naman ako ng makita na naririto pa pala ang bisita ni Papa at tila makakasabay pa namin sa hapunan. Tumayo si Papa sa pagkakaupo at sinenyasan akong lumapit sa kanya. Kaya agad akong lumapit at bumeso sa kanya. "Anak, heto ang mga bisita ko. Si Mr. Daniel Switz at ang anak niyang si Ivan Switz. And the rest ay mga tauhan nila." Tumingin naman ako sa tinuro ni Papa na Daniel Switz. 'Yung medyo bata lang kay Papa na hubad na ang shades na suot kanina at may mga gintong accessories sa katawan. "Magandang gabi po." bati ko. "Oh, she's cute, Mr. Garcia.. Nag-iisa lang ba 'yan na anak mo?" tanong ni Mr. Daniel. Nahiya naman ako sa papuri nito kaya tumingin ako kay Papa na nakangiti na inakbayan ako. "Oo, Mr. Switz. Pagkapanganak kasi sa kanya ay namatay agad ang asawa ko. Kaya iisa lamang ang naiwan sa akin. Pero kahit gano'n ay masaya ako at may mabait na, may maganda pa akong anak." Mahinang kinurot ko sa tiyan si Papa dahil nakakahiya ang papuri niya na hindi naman totoo. Mamaya ay pagtawanan lang siya ng mga bisita niya. "Gano'n pala... Nakakatuwa at may nag-iisa lang din akong unico hijo. Habulin ito ng babae kaya nga sobrang sakit din sa ulo kapag maraming babae ang nagpupunta sa bahay. Pero mabait naman ito at kayang humawak ng mga negosyo ko." sabi ni Mr. Daniel. Napatingin ako sa anak nito. Nakangiti ito na kakaiba at pansin ko na nakatingin siya sa akin. Kumindat siya kaya napaiwas ako ng tingin sa pagkailang. "Napakaganda naman ng anak niyo, Mr. Garcia. Kahit may salamin sa mata ay kita ko na kapag inalis ay lalo siyang nakakabighani." Ano ba naman 'to. Bakit ako naging atensyon ngayon? Nakakailang pa kasi ngayon lamang may ibang tao kaming makakasalo sa pagkain.. At hindi ako makatingin kay Ivan dahil para akong hinuhubaran nito ng tingin. "Mana ito sa aking namayapang asawa. Kaya nga ay nagtataka ako kung bakit wala pa daw siyang boyfriend." Tumingin ako kay Papa at tinignan siya na may pagmamakaawa na 'wag na akong purihin at gawing paksa ng usapan nila. Natawa lang si Papa at hinaplos ang balikat ko para hindi ako mahiya. "Really? Wala pa siyang nagiging boyfriend, Mr. Garcia?" bakas sa tono ni Ivan ang mapaglarong tono tila ba natutuwa siya. "Oo." tugon ni Papa. Napahinga ako ng malalim ng paupuin na ako ni Papa sa tabi niya. Nakayuko ako habang nilalagyan ni Manang Merly ang plato ko ng kanin at ulam. "Kung mamarapatin niyo, Mr. Garcia. Tutal ay pareho kaming walang kasintahan. Maaari ko bang ligawan ang inyong anak?" Natigilan ako at namutla. Napaangat ako ng tingin at napatingin kay Ivan.. Napatingin ito sa akin habang nakangiti pero tumingin siya uli kay Papa. Natawa si Papa at pinagsiklop ang mga kamay habang nakapatong sa lamesa ang mga siko niya. "Kung manliligaw ay hahayaan ko. Pero nasa anak ko na ang desisyon kung magugustuhan ka niya kung sakali.. Pero sang-ayon ako tutal ay alam ko naman na mapagkakatiwalaan kang bata." "Kung gano'n ay saan po ba siya nag-aaral? Baka pareho lang pala kami ng eskwelahang pinapasukan?" tanong ni Ivan. Kinuha ko ang kutsara't tinidor at sa pagkain lamang ako nakatingin kahit nais kong magprotesta sa sinabi ni Papa. Ngunit ayokong mapahiya siya at mabastos ang kanyang mga bisita. Ito ang kauna-unahang beses na may nagpuntang bisita na hindi ko kakilala. Kaya siguro ay importante kay Papa ang mga ito. "Sa Senior Abellano High." Ani Papa. "Sa FEU kasi ako, Mr. Garcia. Bakit hindi niyo ilipat doon si Anna, tutal ay may college naman doon." Napaangat ako ng tingin at tumingin kay Ivan na napatingin sa akin. "Sa U.P ako mag-aaral." sabi ko na kina-amuse nito. "U.P, huh? Kaya ka naman pag-aralin ng Papa mo private, bakit sa U.P pa na malayo rito?" Napakuyom ako ng kamay habang hawak ang kutsara't tinidor. Napahinga ako ng malalim at sa pagkain uli tumingin. "Gusto ko doon." pagkatapos kong sabihin iyon ay sumubo ako para agad na akong matapos at makaalis sa nakakailang na sitwasyong ito. "Maganda ba doon, Hijo? Kung doon ay hindi makakanti ng ibang tao ang anak ko ay baka doon ko siya pag-aralin. Tutal ay naaalarma ako sa kawalan ng kaibigan ni Anna sa school." Napatingin ako kay Papa at umiling sa kanya. Bakit agad na magbabago ang isip niya dahil lamang sa suhesyon ni Ivan? "Maganda doon, Mr. Garcia. At sinisiguro ko sa inyo na walang kakanti kay Anna dahil kasama niya ako." "Tama ang aking anak, Mr. Garcia. Maraming barkada doon si Ivan at tiyak na magiging kaibigan din ni Anna ang mga kaibigan ng anak ko. At maganda doon dahil maganda din ang turo't magiging benipisyo kapag nakatapos ka doon." Napailing ako kay Papa para sabihin na ayoko. Hinawakan niya ang kamay ko at napahinga ng malalim. "Pag-iisipan at pag-uusapan muna namin ng anak ko. Sige, kumain pa kayo at maraming niluto si Merlyn." sabi ni Papa kaya nakahinga ako ng maluwag. Ngayon lamang ako nakaramdam na pangamba na malagay ako sa sitwasyong ayoko. Ayoko kasi na may ibang magdedesisyon sa gusto ko. Gusto ko ay doon sa mismong hinahanap ko para madali akong maka-adjust kung mahirapan man ako sa una. At least, alam kong gusto ko ang isang bagay kaya worth it na paghirapan. Umalis na ako sa hapagkain ng matapos ako at sila Papa naman ay nagkekwentuhan pa. "Anna.." Napatigil ako sa ambang paghakbang sa hagdan upang pumanik sana sa taas. Napatingin ako kay Ivan na nakapamulsang lumapit sa akin. "Pasensya ka na at tila nabanas ka sa akin. Nagsa-suggest lang naman ako." aniya. Napahinga ako ng malalim at maayos siyang hinarap. "Ayos lang. Ayoko lang kasi na pakikialaman ako sa mga nakaplano ko nang gustong gawin." Ngumiti siya kaya kita ko ang braces niyang ngipin na bagay naman sa kanya. Maputi, may katangkaran din, at katamtaman ang laki ng katawan ni Ivan. Itim at 3/4 cut ang gupit ng hair kaya malinis siyang tignan. May pagkapilyo ang itsura niya. "Pasensya na.. Pero pag-isipan mo pa rin. Gaya ng sabi ng Papa mo ay wala kang kaibigan sa school mo ngayon. Doon ay iba. Mga friendly ang friend ko at sinisiguro ko na hindi ka mabu-bully." Napatango naman ako at napaisip. Sa totoo lang ay kinakabahan ako sa mapipili kong school. Hanap ko rin kasi ay 'yung makakapag-aral ako na walang makakaabala at magpaparinig sa paligid. 'Yung magiging payapa ako. "Matutulog ka na ba? Kwentuhan muna tayo. Tila mamaya pa matatapos ang pagkekwentuhan nila Dad." aniya. Napahinga ako ng malalim at tumango. Tinuro ko ang sala kaya ngumiti siya at lumakad patungong sala. Sumunod ako dahil ayoko namang maging bastos dahil ramdam ko naman na gumagawa siya ng paraan para maging maayos ang tingin ko sa kanya at pakikipag-usap. "So, Anna, wala ka pa talagang boyfriend." napahigpit ang hawak ko sa unan ng kunin ko ito sa sofa ng maupo ako. Nilapag ko ito sa kandungan ko at tumingin kay Ivan na nasa kabilang sofa na kaharap ko. "Bakit ba tinatanong mo pa? Kung ano ang sinabi ni Papa ay iyon na 'yon." Natawa siya at sumandal sa sofa, "Sinisiguro ko lang. Baka mamaya ay ligawan kita, pero meron palang nauna." Napababa ako ng tingin at kinabahan. Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba para hindi na siya manligaw. Kaso, baka malaman ni Papa. Hindi pa ako handa. "'Wag kang mag-alala.. Hindi naman ako babaero. Marami lang talagang chicks sa paligid na nagpapapansin sa akin." Mahangin din pala siya. Napailing ako at natawa na kinataka niya habang nakangiti. "Bakit ka natawa?" tanong niya. Napatakip ako ng bibig at napailing, "Wala. Masyado ka kasing confident sa sarili." Natawa naman siya at napailing, "Gano'n talaga ako. E, sa gano'n naman talaga ang napapansin ko.. Kahit sino pa ang nagpapansin sa akin ay wala naman akong matipuhan... Sa 'yo lang ako nagka-interest." Nawala naman ang ngiti ko at nailang ako sa sinabi niya. Ngumiti siya habang nakatingin sa akin. "'Wag kang mailang. Totoo ang sinabi ko. Nakita palang kita kanina na pumasok ng bahay niyo ay natulala ako." napahaplos siya sa batok niya habang nakangiti, "Ang ganda mo kasi kahit simple at natatago ng salamin ang mga mata mo. Ang cute mo pa sa ayos mo." Pakiramdam ko ay pinamulahan ako ng pisngi sa papuri niya. Pero ayoko naman na paasahin siya. May boyfriend na ako at dapat siguro ay sabihin ko na sa kanya. "Ah, Ivan.." Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng marinig ko ang papalapit na boses at yapak nila Papa. Napatingin kami doon ni Ivan at napatayo. Napahinga ako ng malalim dahil mauudlot pa ang sasabihin ko. "May sasabihin ka, Anna?" pukaw ni Ivan. Umiling ako at tipid na ngumiti, "Wala." "So paano, Mr. Garcia, good deal?" sabi ni Mr. Daniella. "Maraming salamat, Mr. Daniel. Good deal." nagkamayan si Papa at Mr. Daniel bago magtapikan ng balikat. Nagpaalam na sila Ivan maging sa akin at hinatid sila ni Papa. Napabuntonghininga ako at naisipan na umakyat na sa taas. Pagpasok ko sa room ay nagri-ring ang cellphone ko kaya agad akong napalapit sa kama at kinuha ang cellphone ko. Si Dante! "Hello." "Ngayon ka lang ba natapos kumain?" aniya. "Ah, oo, e. May kausap pa kasi kaming bisita kaya natagalan ako sa hapunan namin." Rinig ko ang pagbuntonghininga niya tila ba pinapakalma ang sarili. "Napatawag ka lang ba para tanungin ako?" "Yeah. s**t. I'm gonna crazy here. I miss you so much. Nakakabaliw pala ang mag-isa." Napangiti naman ako sa sinabi niya at naupo ako sa kama. "Grabe ka naman. Baliw agad? Nasanay ka naman na mag-isa noon, ano naman ang pinagkaiba ngayon?" "Syempre iba na ngayon. Gusto na kita kasama palagi. Pati sa pagtulog." Nag-init naman ang pisngi ko at halos malukot na ang bestida ko sa pagpapaikot ko ng daliri doon. "Magkikita naman tayo bukas. At 'di ba maaga ka pa sa work mo? Matulog ka na kaya. Matutulog na rin ako dahil may pasok na bukas." "Hindi naman ako makakatulog. Inaantok ka na ba, Babe?" Umiling ako kahit hindi naman niya iyon nakikita. "Hindi pa naman." "Good. Hmm, mag-video chat kaya tayo?" Nahiga ako sa kama at napahawak sa pisngi ko dahil nahihiya ako. "Ayoko. Nakakahiya ang itsura ko. Tsaka hindi pa ako nagpapalit." Napahalakhak siya, "C'mon, babe. Magpapaantok lang ako. At para naman hindi ako ganito." Naupo uli ako at napaisip. Ngayon lang kami mag-v-video chat kaya hindi ko alam ang gagawin kapag nakita niya ako sa camera na pangit. "S-sige." Umayos ako ng upo at pinindot ang setting ng cellphone ko para mag-video chat kami. Nang ayos na ay agad na lumabas ang mukha ni Dante na topless ang katawan habang nakaupo sa kama. Ngumiti siya ng makita ako, "Naamoy kita sa kama ko." Namula naman ako at nahiyang ngumiti, "Nakakainis ka naman! 'Wag ka ngang malandi." Natawa siya, "E, sa gusto kitang landiin," aniya at kinuha ang unan at pinakita pa niya sa akin iyon habang inaamoy, "Hindi ko kaya ipalaba ito? Para naman lagi kitang naamoy kahit sa pagtulog" Umirap ako, "Tse! Tumigil ka nga. Paano ka aantukin, e, puro ka kapilyuhan. Maskara mo lang ata ang kaseryosohan mo." Ngumiti siya at tinaas ang camera ng mahiga siya. Kaya kita ko rin lalo ang katawan niya. "Kapag nakita talaga kita bukas, tiyak na hindi ko na naman mapipigilan ang sarili ko. Lalo akong nababaliw sa 'yo, lalo na't naangkin na kita." Napalunok naman ako at nahiga rin habang nakataas ang cellphone ko. "D-Dante, natatakot ako sa nangyari. Hindi naman siguro makakaapekto iyon sa pag-aaral ko?" Tumingin ako sa kanya mula sa cellphone. Seryoso na ang mukha niya ngayon. "Dalawa lang ang ibabaon ko sa 'yo na salita, Anna. Pananagutan kita." Napailing ako sa sinabi niya, "Ano ka ba.. Hindi naman mangyayari iyon kaya hindi mo na kailangan na sabihin pa 'yan." "Anna, sinasabi ko sa 'yo ito para malaman mo ang posibilidad. Kaya 'wag kang matakot, dahil kaya kitang buhayin kung sakaling mabuntis ka." "Dante, matutulog na ako. Sige, good night." Pinatay ko na ang video chat namin at napapikit ako at naibaba ko ang kamay ko maging ang cellphone ko sa kama. Napahilamos ako ng mukha dahil hindi ko mapigilan na manginig sa kaba. Naiisip ko palang ay galit na agad ni Papa ang nakikita ko. Tiyak na sobrang madi-disappoint sa akin si Papa kapag nabuntis ako. Umiling ako at napaupo. Napatingin ako sa cellphone at nakonsensya ako na binabaan ko ng tawag si Dante. Baka nabastusan siya sa ginawa ko? Kinuha ko ang cellphone at pipindutin ko sana ang numero niya pero napatigil ako. Napahinga ako ng malalim at tumayo. Nilapag ko sa side table ang cellphone ko at dumeretso ako sa banyo para makapaglinis ng katawan bago matulog. Bukas na lang ako hihingi ng paumanhin sa kanya ng personal. KINABUKASAN RIN AY lutang ako sa klase. Bumabalik kasi sa akin ang lahat ng nangyari. Pakiramdam ko nga ay may nagbago sa pakiramdam ng katawan ko. Hindi rin tumawag si Dante kaya pakiramdam ko tuloy ay nagtampo siya ng babaan ko siya ng tawag kagabi. Sinukbit ko sa magkabilang balikat ang bag ko at lumabas ng room ng matapos ang klase. Mabuti nga at hindi na ako dumadaan sa dating seksyon ko. At mabuti hindi ko na rin nakakasalubong sila Amy baka sirain pa nila ang araw ko. Bumaba ako ng hagdan at naglakad na patungo sa gate habang hawak ko ang cellphone ko. Sabi kahapon ni Dante ay susunduin niya ako kaya tinext ko si Manong na 'wag na akong sunduin at sasabay ako sa classmate ko. Napahinga ako ng malalim dahil nakakapagsinungaling na ako. Pero wala akong magawa dahil tiyak na magtatanong si Papa kay Manong. "Anna!" Huminto ako sa paglalakad ng may tumawag sa akin. Napaangat ako ng tingin at nagulat ako ng makita si Ivan na umalis sa pagkakasandal sa dala niyang kotse habang kumakaway sa akin. Tumawid siya ng kalsada at lumapit sa akin. Gulat na gulat pa rin ako sa pagkakita sa kanya rito. "A-anong ginagawa mo rito?" tanong ko. "Sinusundo ka. 'Di ba first day ng panliligaw ko? Alam na rin ng Papa mo na ako ang susundo sa 'yo kaya wala kang dapat na ipag-alala.. Tara." ngingiti-ngiti siya na inaya ako. "P-pero may dapat kang malaman, Ivan.." "Mamaya mo na lang sabihin sa sasakyan. Tara na." hinawakan niya ako sa kamay kaya nagulat ako. Aakayin niya sana ako ng mapahinto ako at magulat ng makita si Dante. Lumingon sa akin si Ivan ng hindi ako naglakad pasunod sa kanya. Napatingin siya sa tinitignan ko. "Who the hell are you?" bungad ni Dante at nabigla ako ng hatakin niya ako palapit sa kanya kaya napabitaw si Ivan sa kamay ko. Napayuko ako dahil napapatingin na ang mga naglalabasang estudyante at nagbubulungan sila. Natawa si Ivan kaya napatingin ako sa kanya. "Ako si Ivan Switz, ang manliligaw ni Anna.. Ikaw, sino ka naman? Hindi naman siguro boyfriend ni Anna? Dahil sinabi niya na wala daw siyang boyfriend." Napabukas sara ang bibig ko para magsalita. Napatingin sa akin si Dante kaya napababa ako uli ng tingin.. "Boyfriend niya ako." mariing sabi ni Dante. "Really? It's that true, Anna?" tanong ni Ivan sa akin. Tumango ako at tumingin sa kanya, "Oo. I'm sorry. Sasabihin ko sana sa 'yo kagabi kaso hindi ko nasabi." "Okay. I get it. Don't worry, boyfriend palang naman. Hindi ka pa naman niya asawa kaya p'wede pa. At kumpara sa aming dalawa, ako ay may basbas ng Papa mo na manligaw E, siya ba?" Humigpit ang pagkakahawak ni Dante sa baywang ko kaya kinabahan ako. "Let's go, Anna." mariing aya ni Dante at hinapit ako para akayin. "Bye, Anna! See you!" Hindi na ako nakapagpaalam kay Ivan dahil agad akong pinasakay ni Dante sa kotse niya. Napahawak ako sa bag ko habang nakayuko. Sumakay na siya at agad na pinaharurot paalis ang sasakyan niya. Hindi nagsalita si Dante kaya hindi ko alam ang gagawin para magpaliwanag. Nakarating kami ng opisina niya ay wala ni isa sa amin ang nagsalita. Agad siyang bumaba at umikot pero hindi ako pinagbuksan ng pinto kaya napahinga ako ng malalim at bumaba. "Hi, Anna." bati ni Dex na nasa bungad ng office. Tumango lang ako na kinataka niya. Sumunod ako kay Dante at pumasok ako sa opisina niya. Nakita ko na nakahawak siya sa harapan table niya tila ba pinapakalma ang sarili. "D-Dante, pasensya na. . . Hindi ko naman intensyon na ikaila ang relasyon natin. . ." "Kaya ka natagalan kagabi sa dinner niyo dahil nandoon sa inyo ang lalakeng iyon?" tanong niya na pinutol ang sasabihin ko. "Oo. Kasi siya 'yung bisita ni Papa na sinabi ko na kasama ang Dad niya." Humarap siya at seryoso niya akong tinignan. Sumandal siya ng upo sa lamesa at sinenyasan niya ako ng tingin na lumapit. Kaya lumapit ako at agad niya akong hinapit kaya napagitna ako sa legs niya. Nakahawak siya sa baywang ko at tinignan ako sa mata. "Introduce me to your father." Napamaang ako sa sinabi niya at agad akong napailing. "H-hindi pa ako handa na.." "So, ayos lang sa 'yo na i-sekreto sa Papa mo ang relasyon natin, gano'n ba?" Umiling uli ako at napababa ng tingin, "Hindi sa gano'n. Baka kasi atakihin si Papa kapag nalaman niya." "Anna, malalaman din niya sa bandang huli. At akong bahala sa 'yo oras na masabi na natin sa kanya. Ayoko lang na may p'wede pang manligaw sa 'yo lalo't akin ka na." Kinurot ko ang tiyan niya at nakangusong tinignan ko siya dahil sa huling sinabi niya. Natawa siya at hinawakan ako sa baba bago halikan sa labi. "Magtrabaho ka na nga. Ano nga ba ang gagawin ko rito?" hinawakan ko siya sa dibdib upang itulak ng kaunti para tumigil siya sa paghalik. Tumingin siya sa paligid ng office niya at tumayo siya ng tuwid kaya napaatras ako pero nakahawak pa rin ang isang kamay niya sa baywang ko kaya magkalapit pa rin kami. "Wala. Gusto lang kitang nakikita habang tinatapos ko ang ginagawa ko." aniya at inakay ako palapit sa swivel chair niya. "Wala naman pala akong gagawin. Lalabas muna ako para kumustahin sila Dex." Naupo siya sa swivel chair at hinila ako paupo sa hita niya kaya nag-init ang pisngi ko at napahawak ako sa balikat niya. "'Wag na. Dito ka lang sa akin." aniya at ngumisi na tumingin sa akin. "E-ewan ko sa 'yo." Natawa siya at binuklat na ang mga papers na gagawin niya. Napatitig ako sa mukha niya at nakangiti na siya ngayon, hindi katulad kanina na nakakakaba ang kaseryosohan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD