Mula nang malaman ko ang namamagitan kay Dante at Kristine ay para bang gusto ko na talagang mamatay nalang. Pero tuwing naiisip ko ang anak ko ay mas nagkaroon ako ng lakas upang magpagaling at magpalakas. Para kapag kaya ko na ay makukuha ko na ang anak ko. At dumating na nga ang araw na iyon. Isang buwan palang ako mula ng mawala ay agad akong pinalitan ni Dante. Ano ba ang saysay ng pinagsasabi nya kung ganun din pala nya ako kadaling palitan. "Anna.." Napapunas ako ng luha. Isang buwan pa ako nag-stay sa hospital para sa theraphy ng mga buto ko para bumalik sa normal ang lakas ng mga buto ko. Sobra akong nagpapasalamat kay Adrian dahil kahit hindi nya ako kilala ay handa syang tulungan ako. Nakita ko na rin ang larawan ng kapatid nya at napakabata pa nito ng mawala. Ang ganda rin

