"Hmm, mukhang wala nang mauupuan ah?" Faith mumbled to herself. Kasalukuyan kasing lunchbreak at halos puno na ng mga estudyante ang maliit na kantina ng kanilang paaralan.
"Faith! Dito!" Napangiti siya nang makita si Dona na kumakaway sa kaniya. Nasa bandang sulok ito kaya naman hindi niya ito agad napansin. Bitbit ang kaniyang tray ay tinungo niya ang lamesa kung saan ito nakapuwesto.
Ngunit hindi pa nakalilipas ang ilang segundo nang umupo din sa tabi niya si Oliver. Malaki ang ngiti na ibinigay nito sa kaniya. Ngunit imbes na ngiti din ang isukli niya doon ay pasimple niya itong inungusan.
"Hay naku talaga itong si Sir Oli. Napakalakas ng radar. Alam na alam kung nasaan itong si Faith," sumimsim ng orange juice si Dona at inismiran ang binata. "May sa maligno ka ba ha? O talagang stalker lang ang peg mo?"
"Syempre, gusto ko kasi kayo makasabay kumain," nakangiti namang sagot ni Oliver
"Kayo?" Pag-uulit ni Dona, binuntutan iyon ng dalaga ng pagtawa. Pagkatapos ay agad ding sumimangot. "Sus, si Faith lang ang gusto mo makasabay! Pa-kayo-kayo ka pang nalalaman dyan. Sasaksakin na talaga kita ng tinidor e!" Iniumang pa nito ang hawak na tinidor sa kausap. "Ginagawa mo akong thirdwheel kahit wala naman akong dapat ika-thirdwheel." At padabog na itong bumalik sa pagkain kahit masama pa din ang tingin sa binata.
Oli just sighed, at binuntutan pa iyon ng awkward na pagngiti. "Hindi naman sa ganoon, Dona." Kumamot ito sa sentido.
Napabuntong-hininga na lamang si Faith dahil sa pagbabangayan ng mga kaibigan at tahimik na sinimulan ang kaniyang pagkain.
Co-teacher niya ang dalawang kasabay kumain. Matagal na din niyang kaibigan ang mga ito. Halos magkakasabay kasi silang nag-apply noon sa eskwelahang iyon. Grade three teacher si Dona, Grade six history teacher naman si Oliver, habang siya ay mga bata sa grade one at grade 2 ang tinuturuan.
Wala lang isang buwan ang nakakalipas nang magtapat sa kaniya si Oliver ng pag-ibig. Ilang taon na daw siya nitong gusto, ayon dito. At ginawa iyon ng kaibigan sa harap pa mismo ng iba nilang mga kasamahang guro nang minsang manlibre ang kanilang principal dahil kaarawan nito.
Hindi maipaliwanag na hiya ang naramdaman niya nang mga oras na iyon. She lost words. Kaya naman wala sa sariling umalis siya sa birthday party ng kanilang principal at iniwan ang mga ito.
Aaminin niyang guwapo si Oliver. Hindi rin maikakaila ang pagiging maalaga nito sa katawan dahil maganda ang built niyon. Galing din ang binata sa angkan ng mga Villegas na talaga namang may maganda at ipinagmamalaking reputasyon.
Ngunit kahit na ganoon, hindi pa din talaga hihigit sa isang pagiging mabuting kaibigan ang tingin niya sa binata.
Kaya naman kinabukasan matapos ang party ay agad niyang kinausap ang binata at sinabi ang tunay na saloobin niya dito. Na kaibigan lamang ang turing niya dito at hindi pa siya handang sumabak sa relasyon.
Sinabi naman nito na naiintindihan aiya nito at iginagalang ang desisyon nya. Kaya naman buong akala niya ay okay na ang lahat. Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa din siya tinitigilan ng binata. Blunt pa din ito sa pagpapakita ng interes at pagkagusto sa kaniya at nagsabing hihintayin siya nito kahit gaano pa katagal.
Mabuti na lamang at palaging nandiyan si Dona na handang maging "spokesperson" niya. Literal na ito ang dumadakdak at nagsasabi ng lahat para sa kaniya lalo na sa tuwing pakiramdam nitong masyado na siyang pine-pressure ni Enrico. Isa pa, ayaw din kasi niyang mabuwag ang pagkakaibigan nilang tatlo.
Hindi niya alam kung bakit, pero minsan, pakiramdam niya ay may mali sa kaniya.
Oo nga at malapit nang mawala ang edad niya sa kalendaryo. Sa edad na bente-nuwebe, masyado nang 'tama' ang edad niya upang mag-boyfriend at pumasok sa relasyon-- scratch that. Nasa tamang edad na siya upang mag-asawa at bumuo ng sarili niyang pamilya, pero hindi pa din niya mahanap ang tamang tao na kasama niyang bubuo niyon.
She doesn't know if she can't really mix her profession and pleasure, or her imaginary and unrealistic standards are just too high to the point that it became the mastermind of her still being single-- and close to becoming an oldmaid.
Tila nawalan siya ng gana dahil sa mga bagay na pumapasok sa isip niya. "Tapos na akong kumain. Mauna na ko."
"Ha? E halos puno pa ng pagkain 'yang plato mo ah?" Si Dona iyon. Hinampas nito sa balikat si Oli. "Ikaw naman kasi e!"
"Hala, bakit ako?"
She gave them a weak smile. "Nawalan lang ako ng gana," hindi ko na kasi alam ang dapat gawin sa buhay ko. Gusto sana niyang idagdag iyon, ngunit napabuntong-hininga na lamang siya. "Ililigpit ko lang ang mga gamit ko sa opisina pagkatapos ay uuwi na din ako," paalam niya sa mga ito at akmang tatalikod na nang pinigilan siya ni Oli.
"Teka lang, Faith. Uuwi ka na kaagad? Hindi ka ba sasama mamaya? Baka hanapin ka ni Mrs. Felomina," tukoy nito sa head teacher nila.
"Oo nga, Fey-fey. Tsaka, wala ka man lang bang katiting na curiosity sa mga bago nating assistant at co-teacher?" Segunda din ni Dona.
Umiling-umiling siya. "Wala." Half-day lamang kasi ang klase nila sa araw na iyon. Ang kalahati kasi ng araw ay nakalaan para sa meeting na ipinatawag ng kanilang Head Teacher para ipakilala sa kanila ang mga bagong guro sa kanilang paaralan.
Ngunit wala naman talaga siyang pakialam doon, at alam din naman iyon ni Mrs. Felomina. Nasanay na din kasi ito na hindi siya umaattend sa mga ganoong meeting. Isa pa, she has plans.
"Grabe ka naman, friend. Napaka-direct to the point mo naman," sumimangot si Dona. "Osige na. Mag-ingat ka pag-uwi ha."
"Hatid na kita, Faith--" akmang tatayo na si Oliver nang mahigpit na hinawakan ni Dona ang balikat nito.
"May kotse yang frienny naten. Hayaan mo na sya." Pagkatapos ay pasimple siyang sinenyasan ni Dona na umalis na. Lihim siyang napangiti. Alam na alam talaga ng kaibigan niya ang dapat gawin. "Drive safely ha?"
"Thank you, Donalene."
Nag-make face ito. "Yak naman sa Donalene ha." Natawa na lamang siya doon. Ayaw kasi nitong binabanggit ang buo nitong pangalan.
"Bye guys." At tuluyan na niyang tinalikuran ang mga ito.
***
Anak,
Sumama ako sa pamimigay ng relief goods. Nag-iwan ako ng ulam sa ref. Initin mo na lang kapag nagutom ka. Mamaya pa ako makakauwi.
Kapag bumisita ka kanila Annina, pakikamusta mo ako, pati sa asawa niya at sa mga bata. At pakisabi, sa susunod ako sasama pagdalaw.
-Nanay Meling
Muli niyang idinikit ang sticky note sa ref nang mabasa iyon. Umuwi kasi siya saglit upang mapalit ng damit bago pumunta sa bahay nina Annina.
Halos tatlong taon na din magmula nang umalis doon si Annina, at nang magsimulang maging volunteer si Nanay Meling sa pamimigay ng mga relief goods sa mga kapos-palad sa kanilang barangay at sa iba't iba pang lugar. Minsan ay hindi na ito umuuwi dahil sa malalayong byahe kasama ang mga kapwa nito volunteer. Kaya madalas ay wala na ding tao sa kanilang bahay dahil busy siya sa eskwelahan.
Annina is her sister-in heart- and her bestfriend. Halos sabay na silang lumaki at sabay din silang inampon ni Nanay Meling mula sa Bahay Pag-asa. Nasa highschool silang dalawa nang makilala nila ang matandang babae nang minsang tulungan nila ito. Inatake kasi sa puso ang asawa ng pobreng matanda at tinulungan nila ito ni Annina na maisugod sa ospital.
Kaya nga lang ay agad ding binawian ng buhay ang asawa ng Nanay Meling niya kaya hindi din nila ito nakasama. Mula noon ay inampon na sila ng matanda at sama-samang tumira sa kasalukuyan nilang bahay ngayon.
Kaya nga lang ay may sarili ng pamilya ang kaibigan niya, at nakilala na din nito ang tunay nitong mga magulang. May tatlo na itong anak at isang mapagmahal na asawa. At masayang-masaya siya para dito. Minsan, sila ni Nanay Meling ang dumadalaw sa mga ito sa subdivision kung saan ito nakatira, minsan naman ay ito ang dumadalaw sa kanila.
Pero pa-minsan minsan ay naiinggit siya habang nakikita ang saya nito at naitatanong sa sarili kung kailan kaya niya mararanasan ang saya na iyon.
At paminsan-minsan din, naiisip niya na sakaling maramdaman na niya ang saya na iyon, paano na si Nanay Meling? Hindi niya ito kayang iwan mag-isa. Ito na ang nagsilbi niyang magulang at ang nag-alaga sa kaniya hanggang sa makuha niya ang pangarap niya.
Ibinagsak niya ang katawan sa sofa at hindi mapigilang ilibot ang mga mata sa kabuuan ng bahay nila. Marami nang nagbago doon. Marami na siyang mga bagong gamit na naipundar, at naipa-second floor na din niya iyon. Maging ang bakuran ay napaayos na niya at nakabili ng sariling sasakyan. At sa tulong ni Annina ay nakuha na din nila sa wakas ang titulo ng lupa niyon. Lahat ng mga iyon ay bunga ng pagsusumikap nila nilang tatlo.
Ngunit habang dumadami nang dumadami ang mga kagamitan doon ay palungkot naman iyon nang palungkot. At ayaw niya ng pakiramdam na iyon. And she doesn't want to be alone. Iniangat niya ang mga paa sa sofa at niyakap ang kanyang mga tuhod. May mumunting butil ng luha ang nakaalpas mula sa kanyang mga mata.
She doesn't want to be left alone.
Hindi niya malaman kung ilang minuto siya sa ganoong posisyon. Basta't napabalikwas na lamang siya. Nakatulog pala siya at nang tingnan nya ang oras, alas-kwatro na.
"Oh no." Mabilis siyang nagtungo sa sariling kwarto at nagpalit ng damit.
Hey, Anni. I'll be late. I slept. She hit the send button, grabbed her keys and stormed out of the house.
Mabilis lamang ang naging biyahe niya patungo sa bahay ng kaibigan. Agad naman siyang sinalubong nito pagkababa na pagkababa niya ng sasakyan.
"Hey," nakipagbeso ito sa kaniya.
"Anni, kamusta. Pasensya nya. Nakatulog kasi ako."
Ngumiti ito sa kaniya. "Okay lang iyon. Ano ka ba. Halika na, hinihintay ka na ng mga bata sa loob." Nagpatiuna na ito sa paglalakad habang siya ay tahimik na sumunod dito bitbit ang mga laruan na binili niya noong isang araw para sa mga anak nito.
"Tita Feyy!" Sinalubong siya ng yakap ng mga bata.
"Tita, san toys ko?" Pabulol-bulol pang tanong ni Jedi, ang tatlong taong gulang na bunso ng mag-asawa. Inilabas niya ang stuffed toy na puppy mula sa paper bag at iniabot iyon sa pamangkin.
Lumaki ang mga mata nito sa tuwa. Gustong-gusto kasi nito magkaroon ng tuta, pero hindi ito pinayagan ni Gio, ang asawa ng kaniyang kaibigan. Tinotorture kasi nito ang mga nagiging alaga, kaya naman iniispoil na lamang niya ito sa mga manikang aso.
"Ito naman, para sa inyo." Iniabot niya ang isa pang paperbag kay Jewel, ang panganay naman sa tatlo. "Jewel, you're in charge. Tutulungan ko lang si Mamay nyo sa kusina."
"Yes, Tita!"
"They missed you. Wala nang bukambibig ang tatlong iyan kundi, 'tita fey- tita fey'. Umiyak pa nga si Jedi kanina kasi akala hindi ka makakadating." Tinulungan niya sa Anni sa pagluluto ng hapunan nila. Kasalukuyan silang magkatapatan na nakaupo at naghihiwa ng mga gulay sa may mesa.
"Nakatulog kasi ako." Kinuha niya ang sibuyas at sinimulang balatan iyon.
"Kamusta naman si Nanay Meling? Hindi siya nakasama ah."
"Ayun, busy sa pag-aasikaso ng mga relief goods na ipapamigay sa mga nasalanta ng bagyo sa isla. Nalimutan ko nga lang kung saan." Napapatingala siya dahil humahapdi ang mga mata niya sa binabalatan. "You know she already found her peace there." Nag-isang linya ang labi niya. Pagkatapos ay binigyan ng mumunting ngiti ang kausap.
Ngumiti lamang si Anni sa sinabi niya. "Ikaw, have you found your peace?"
Natigilan siya doon. "What do you mean?" Tanong niya dito.
"I mean, you're already twenty-nine, Faith. It's time for you to settle down. Build your own family." Saglit din nitong itinigil ang ginagawa at diretsong tumingin sa kaniya. "Ayaw mo bang tumanda ng may kasama kang mag-aalaga sayo?"
Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. "Are you saying that I am miserable?"
Umawang ang labi ni Anni dahil sa sinabi niya. "Hindi iyon ang ibig kong sabihin, Faith."
"Kung ganoon, anong ibig mong sabihin, Annina?" Walang emosyon niyang tanong dito. "May pamilya ka na kasi na mag-aalaga saiyo. I don't even know my real family. And I'm still in the midst of finding someone who will really give a damn about me."
"Faith, I am just concerned because you are my friend--"
"Well, just keep your concern. I'm okay and I'm happy with my life."
"Faith--"
Walang lingong-likod niyang iniwan ang mga ito at dire-diretsong tinungo ang sasakyan niya. Narinig pa niya ang pagtawag sa kaniya ng mga pamangkin niya, ngunit hindi siya lumingon. Ayaw niyang makita nito ang sunud-sunod na pagpatak ng luha mula sa kaniyang mga mata.
Pinaharurot niya palayo doon ang sasakyan. Kahit pa hindi niya alam kung saan dapat pumunta. Ayaw naman niyang umuwi at mas maging miserable. Kaya naman nagpunta siya sa pinakamalapit na resto-bar at doon nilulong ang sarili. Baka sakaling mapagaan ng alak ang kalooban niya.
Hindi naman siya palainom, pero nang mga oras na iyon, isa lang ang pumasok sa isip niya:
Sometimes, a drink is all we need.
And so she let herself get wasted. Hoping that it could ease her, and let her forget everything, even just for a second...
***
Ngunit hindi iyon nangyari. Hindi alam kung gaano na kadami ang nainom niya. Saglit niyang iniyukyok ang ulo upang pahupain ang hilo na nararamdaman. She still need to drive. At hindi nakakatulong ang malakas na tugtog sa loob ng restobar para maalis ang pagkahilo niya.
Kaya naman sapo-sapo ang ulo ay pasuray-suray niyang tinungo ang sariling sasakyan. Natagalan pa siya sa pagbubukas ng pintuan niyon.
"Pinahi-hi-rapan mo pa ako ah!" Wala sa sarili siyang tumawa at pinatakbo ang engine. Ngunit hindi pa man siya nakalalayo sa restobar nang malakas na bumangga ang sasakyan niya sa isa pang sasakyan. Napaigik siya nang malakas na tumama ang ulo niya sa manibela ng kaniyang sasakyan.
Isang matinis na tunog ang naririnig niya sa kaniya tenga at nanlalabo ang kaniyang paningin. Kasunod niyon ay ang pagtulo ng mainit na likido mula sa kaniyang noo...