Sinapo ni Faith ang nagdudugong noo. Naroroon pa din ang matinis na tunog sa kaniyang tenga. Tila nawala ang pagkalasing niya dahil sa pagkakabangga ng sasakyan.
Mahilo-hilo at paika-ika siyang lumabas mula doon. Pakiramdam niya ay nabali ang buto sa kaliwa niyang binti. Napakasakit niyon. Ngunit wala siyang magawa kundi indahin iyon.
Maraming tao sa paligid. Karamihan ay nakikiusisa sa nangyayari.
"Shit." She cursed under her breath. Sunud-sunod na mahihinang pagmumura ang pinakawalan niya nang makitang wasak ang unahan ng kaniyang sasakyan at umuusok pa. Basag din ang windshield niyon.
Samantala wasak din ang likurang bahagi ng sasakyang nabunggo niya, at umuusok din iyon.
"Oh no, ang gagawin ko nito ngayon?" She now came into realization that what she just hit is a freaking Lamborghini!
Gusto niyang tampalin ang sarili dahil sa sariling kagagahan. Ngunit na-realize niyang hindi na iyon kailangan. Ang sasakyan na niya ang gumawa niyon para sa kaniya. Ebidensiya doon ang dugong tumutulo mula sa noo niya na nagsisimula na ding humapdi.
Segundo lamang ang lumipas nang bumukas din ng pintuan sa driver's seat ng sasakyang nabangga. Isang lalaki ang lumabas mula doon at tinahak ang direksyon niya. Sapo din nito ang noo dahil siguro sa pagkahilo.
"Oh fuck." At gaya niya, sunud-sunod din ang mura nito nang makita ang wasak na likurang bahagi ng sasakyan nito.
Marahas nitong inalis ang kamay sa noo at tumingin sa kaniya. "You do know that you are responsible for this, don't you? You just killed my son!" Galit nitong itinuro ang umuusok na sasakyan.
Ngunit imbes na sagutin ang sinasabi nito ay napaawang lamang ang labi niya. The car is no match for this man's gorgeousness! She felt as if he took her breath away.
No. She's clearly sure that he did not take it. Instead, her pulse is beating rapidly to the point that it's getting hard to breathe.
At ngayon lamang niya iyon naramdaman sa buong buhay niya!
"Hey!" Ngunit agad din siyang nagbalik sa realidad nang ikinakaway-kaway na pala ng binata sa harapan niya ang kamay nito. "I said, you killed my child!" Muli nitong itinuro ang sasakyan.
"Oh, I uhmm... I'm sorry--"
Tila tumigil ang puso niya nang lumapit ang lalaki sa kaniya at inilapit ang mukha nito sa kaniyang leeg.
"Are you drunk?"
"Ha?" s**t. "Ahm, just a little tipsy." She nervously smiled.
Umangat ang isang kilay ng lalaki. "Just a little tipsy, and you almost killed me?"
She lost her words. Umawang ang labi nya ngunit agad ding sumara iyon. She just don't know what to say. It was her fault afterall.
Dumako naman ang mga mata ng binata sa nagdudugo niyang noo. Kinuha nito ang panyo sa bulsa ng pantalong suot at itinapal iyon sa noo niya. Pagkatapos ay kinuha nito ang isa niyang kamay at inilagay iyon sa noo nya.
"I can't bring you to the police if you are bleeding." Sabi nito.
"Ha?" She's said, confused.
"I'm pretty sure I don't need to repeat everything I say." He grabbed her arm and dragged her to his "dead child".
"Hey, ano ba!" Sapilitan siyang isinakay nito sa front seat. Pagkatapos ay umikot ito sa kabilang side ng sasakyan at sumakay sa driver's seat. He started the engine of his damaged child, at pinaharurot iyon palayo. Awang ang labi niya na nilingon ang umuusok din niyang "anak" na iniwan nila.
Kunot-noo niyang tiningnan ang lalaki. Parang naglaho lahat ng paghanga na naramdaman niya dito kanina at napalitan iyon ng pagkairita.
"At saan mo naman ako balak dalhin?" Inis na tanong niya ngunit hindi man lang siya tinapunan ng tingin ng binata.
"I told you. To the police station."
Mas lalo pang lumalim ang gatla sa noo niya dahil sa narinig. "Ano? At bakit?"
The man twitched his lips like he's controlling himself not to shout at her. "Because you are a drunkard who hit my Lambo." Mahinahon ngunit sarkastikong sabi nito.
Ikinuyom na lamang niya ang kamao sa pinaghalong panggigigil at pagkairita sa lalaki. Ngunit hindi na siya nagsalita at idinako na lamang ang tingin sa bintana. Tama naman kasi ito. She hit his Lambo.
Ngunit mali ito sa parteng "she's a drunkard." Hindi siya manginginom at sa katunayan, iyon ang kauna-unahang pagkakataon na uminom siya sa buong buhay niya. She was always a good girl. This is the first time she got a good drink, and messed up by hitting someone's car.
Napabuntong-hininga na lamang siya. I am not a drunkard. Bulong ng isip niya. I am just lonely. May mumunting butil ng luha na sunud-sunod na pumatak mula sa kaniyang mga mata. Agad niya iyong pinunasan sa takot na baka mapansin iyon ng estrangherong kasama.
I am just someone who is afraid to be left alone... I-- Natigilan siya.
...don't wanna die alone.
***
Hindi na niya namalayan kung gaano katagal siyang nakatitig sa bintana. Basta't nagbalik siya sa realidad nang tumigil na sa pagtakbo ang sinasakyan.
Nasundan na lamang niya ng tingin ang estranghero nang bumaba ito mula sa sasakyan at binuksan ang pintuan sa tabi niya. Tinalikuran siya nito at nagpatiuna na sa paglalakad. Palihim na lamang siyang umismid at bumaba na din ng sasakyan upang sundan ito.
Ngunit agad din siyang napako sa kinatatayuan nang mailibot niya ang kaniyang tingin kung nasaan sila. At sigurado siyang hindi police station iyon kahit pa ilang beses na niyang ikinurap ang mga mata.
Ospital ang tumambad sa kaniya. At hindi lamang iyon basta ospital. Gallego Hospital, Main Branch. Sunud-sunod siyang mahinang napamura. Iyon ang ospital kung saan nagtratrabaho si Idelaide.
Idelaide Famini is her friend. She met her through Anni. Asawa kasi ito ng kuya ng kaniyang kaibigan.
What should I do? She can't see me here. She clutched the handkerchief on her forehead. Parang nalimutan na niya ang hapdi niyon. Ang nasa isip na lamang niya ay kung paano iiwasan si Ide, na alam niyang malabong mangyari.
Dahil paniguradong kapag nakita siya ni Ide ay sasabihin nito kay Anni ang kagagahang sinapit niya dulot ng pag-iinarte. She mentally pulled her hair and whispered 27 different cursing words.
"Hey," natigil siya sa pagmumuni-muni nang marinig ang pagtawag sa kaniya ng estrangherong dahilan ngayon kung bakit gusto niyang sabunutan ang sariling buhok. Tumigil na din pala ito sa paglalakad at kunot-noong nakatingin sa kaniya. "You are free to use your feet now."
"Sabi mo sa police station tayo pupunta," reklamo niya dito na parang ito pa ang may kasalanan.
"Yeah. And I told you also that I cannot bring you there if you are bleeding."
"Hindi naman na nagdudugo ang noo ko," inalis niya ang panyo sa noo upang ipakita ang sugat dito, ngunit nang maramdaman niyang muli na namang tutulo ang dugo doon ay agad din niyang ibinalik ang panyo at alanganing ngumiti sa lalaki. "Tara na sa police station kasi."
Ngunit hindi siya pinakinggan nito. Umangat lamang ang isang kilay nito at umiling-iling na para bang sinasabing "baliw ka ba?". Muli siyang tinalikuran nito at nagpatiuna. "Hurry up. I'm busy, and I need to settle this immediately. I actually don't have time for this."
Palihim na lamang niya itong inismiran at paika-ikang sumunod dito papasok ng ospital. "I actually don't have time for this--" panggagaya niya dito. "Edi sana kase sa police station na lang tayo dumiretso." Bulong niya.
"I could hear you."
Agad niyang itinikom na lamang ang bibig at tahimik itong sinundan.
***
Nakatungo lamang si Faith habang pasimpleng lumilinga-linga upang makita kung nasa paligid si Ide. Para siyang bata na nakagawa ng kasalanan habang nakaupo sa waiting area at hinihintay ang estrangherong kasama na nakikipag-usap sa nurse na nasa information desk.
Patingin-tingin din sa kaniya ang lalaki habang kausap ang nurse kaya naman alam niyang siya ang pinag-uusapan ng mga ito.
Kailangan ko nang makaalis kaagad dito. Napabuntong-hininga na lamang siya.
"We need to wait for a few minutes," imporma sa kaniya ng binata. Naupo ito hindi kalayuan sa kaniya at inihalukipkip ang mga braso nito. "They already assigned a nurse that will accommodate you."
Tumango-tango na lamang siya sa sinabi nito. Mabuti naman kung ganoon, mabilis akong makakaalis sa lugar na ito. Ani ng isip niya.
At tama nga ang sinabi nito. Dahil ilang minuto pa lamang ang nakakalipas nang may lumapit na nurse sa kanila. Agad siyang napanganga nang ang hindi niya gustong makita ang nasa harap mismo niya ngayon.
Agad siyang tumungo at tinakpan ang mukha niya. It's official. I'm doomed.
"Fey?" Tawag ni Ide sa kaniya na para bang sinisigurado kung siya nga iyon. Unti-unti siyang humarap dito at alanganing ngumiti.
"Ahm. Hi, Ide."
Mabilis itong umupo sa tabi niya bitbit ang tray nitong may lamang panlinis ng sugat.
"Fey! Anong nangyari sayo? Bakit ang daming dugo ng damit mo?" Sinipat nito ang leeg na bahagi ng damit niya na natuluan ng dugo galing sa kaniyang noo.
"Well, I... ahm, there's a car collision and I had a minor accident--"
"Minor accident?!" Histerikal nitong sabi. "Do you think this is a minor accident?" Sinipat nito ang mga braso at siko niya na ngayon lamang niya napansin na may mga sugat din pala, marahil ay dahil sa bubog. Napaigik din siya nang marahang hinawakan nito ang kanang binti niya, at marahang inalis ang panyo sa kanyang noo.
"You have cuts on your arms, a broken bone and a cut on the forehead. Now tell me, do you still think this is minor?"
Marahan siyang umiling-iling na para bang isang estudyante na napagalitan ng kaniyang teacher. "Please don't tell Anni. Mag-aalala iyon."
"I know what happened. Anni told me." Napabuntong-hininga na lamang ito at sinimulan siyang gamutin. "You know she's just concern. And I am concern too. You are our friend afterall."
"Alam ko naman iyon. It's just that... I don't want her to be worried. I want her to be happy with the family she has now."
"You are her family too, why are you always excluding yourself?" Prangkang tanong nito. "Look Faith," saglit itong natigilan at diretso siyang tiningnan. "Ganyan din naman ang gustong mangyari ni Anni. She wants you to be happy the same way you want her to be. You should know that by now."
Pareho silang natahimik sa sinabi nito. Ipinagpatuloy na lamang ni Ide ang ginagawa.
"Sino nga pala iyang kasama mo?" Kapagkuwan ay mahinang tanong nito. Saglit siyang napatingin sa estrangherong kasama. Prente itong nakaupo hindi kalayuan sa kanila habang nakahalukipkip ang mga braso at nakapikit. Ibinalik niya ang tingin kay Ide.
"Siya iyong may-ari ng sasakyan na nabangga ko," sagot niya.
Kitang-kita niya kung paano kumunot ang noo ng kaibigan. "I think... I have seen him somewhere," sabi nito. Tinitigan nito ang kasama niya. "Parang pamilyar ang mukha niya," pagkatapos ay ibinalik ang tingin nito sa kaniya. "Parang nakita ko na siya dati."
She just shrugged her shoulders. "Baka naman kamukha lang."
"Hmm. Baka nga," tumayo na ito matapos linisin at lagyan ng gauze pad ang mga cuts niya. "Wait for me. I'll go call for a doctor to check your broken bone."
"Okay," tumango-tango siya. Ilang minuto lamang ang lumipas nang bumalik si Ide at may doktor nang kasama gaya ng sinabi nito. Sa huli, lumabas siya ng ospital na may cast na ang kanang binti at may walking crutches.
At gaya din kung paano siya pumasok sa ospital na iyon, iika-ika niyang sinundan ang lalaki pabalik sa kotse nito. Gusto sa niya itong iuntog sa cast niya dahil hindi man lamang siya nito tinulungan makasakay. And so, she endure the suffering all by herself.
At nang matagumpay siya makasakay sa kotse nito nang hindi nababali ang iba pa niyang buto ay pinatakbo uli ng lalaki ang makina ng sasakyan.
"Saan na tayo pupunta?" Tanong niya.
"I told you a million times. Police Station."
Napabuntong-hininga na lamang siya nang marinig ang sinabi nito nagpangalumbaba sa gilid ng bintana.
This is going to be a long night.