THREE

1422 Words
Marahas na ibinagsak ni Faith ang katawan sa sofa at pagkatapos  ay parang batang nagmamaktol na hinampas-hampas iyon. Kauuwi lamang niya galing sa police station at ang sofa kaagad nila ang napagdiskitahan niya. Inis na inis siya sa hinayupak na lalaking iyon at sisiguraduhin niyang ihahampas talaga niya ang pagmumukha nito sa cast ng binti niya sa oras na magkita uli sila. Mas nadagdagan pa ang inis niya sa hambog na lalaki nang maalala ang nangyari sa police station kanina. Ipinarada ng estrangherong kasama ang wasak na sasakyan nito sa tapat mismo ng police station. Lumabas ito mula sa driver's seat at binuksan ang pintuan sa tabi niya. He dragged her out of the car. "Ano ba!" Reklamo niya. "Kaya ko namang bumaba sa sarili ko." Gusto niyang ituktok sa ulo nito ang mga walking crutches niya sa sobrang pagkairita. Sagad sa buto ang kawalan nito ng pagiging gentleman. Mariin ang pagkakahawak nito sa kaniyang braso na agad niyang iwinasiwas dahil hindi siya makapagpokus sa paggamit ng walking crutches. "Bitawan mo na ako. Makakalakad ako sa sarili ko." "Mahirap na, baka takbuhan mo ako." Aba, at marunong pala ito mag-Tagalog. Kaso nga lang ay medyo bobo. Binigyan niya ito ng bored look. "Yung totoo?" Tanong niya. "Adik ka ba? Tingin mo ba makakatakbo ako sa kalagayan ko? E kung isaksak ko kaya sayo 'tong walking crutches ko para malaman mong bali ang buto ko?" And slowly, his lips form a devastating smile. Parang tumigil ang mundo niya dahil doon. Aba't marunong palang ngumiti ang mamaw na ito. "Fair enough," he coolly shrugged his shoulders before letting her arms go. "But you are still not getting away for killing my child." Muli itong nagpatiuna paglalakad. Ano bang meron at palaging nauuna sa paglalakad ang lalaking ito? Tanong ng isip niya. Pwede namang ako ang paunahin kahit once? Ako yung may saklay, remember? "Hoy! Hintayin mo ko!" sigaw niya at paika-ika itong sinundan. "Tsaka hindi ko naman pinatay ang 'anak' mo!" Tukoy niya sa kotse nito. "Gumagana pa nga e! Yung 'anak' ko nga iniwan natin sa gilid ng kalsada! Hooy! Hintay sabi e." Ngunit hindi siya pinakinggan nito kaya binilisan na lamang niya ang pagsunod dito. *** "Papatayin kita! Mang-aagaw ka ng asawa!" "Kahit pagbantaan mo ako, hindi na ako natatakot! Malapit na din naman ang oras ko!" "Magsitigil na kayo, pwede ba?!" "Ako na ang mahal niya ngayon! Wala ka nang magagawa!" "Papatayin kitang hinayupak ka!" "Mga tatay, pwede bang huminahon muna kayo?!" Nagpapalit-palit ang tingin ni Faith sa dalawang matandang lalaki na nagsisigawan sa katabi lamang nila na halos nasa edad na lagpas na sa sixty. Habang ang lola na pinag-aagawan ng mga ito ay hindi na alam kung paano pipigilan ang dalawang lolo. Maging ang officer na nag-aasikaso sa mga ito ay hindi na din magkandamayaw sa gagawin at hindi alam kung paano pipigilan ang dalawang lolo na nagsasakalan. Napailing-iling na lamang siya. May asim pa si lola. Mas lalo tuloy siyang naging miserable. Napabuntong-hininga siya. Sana all may asim pa. Dumako ang tingin niya sa lalaking dahilan kung bakit sila nandoon ngayon at pinakikinggan ang love triangle ng mga matatanda sa tabi lamang halos nila. Prente lamang itong nakaupo. Magka-krus pa ang mga hita nito at nakahalukipkip ang mga braso. Wala itong pakialam sa paligid. Tahimik lamang nitong hinihintay ang officer na mag-aasikaso naman sa kanila. Para itong isang supladong bida sa isang koreanovela. Lihim niya itong inismiran at inikutan ng mga mata. Kala mo kung sinong guwapo. Guwapo ka ha? Guwapo ka? Tirisin kita dyan e. Pang-aaway niya dito sa isip niya. Bakit? Guwapo naman talaga ah? At syempre, isip din niya ang nagsabi niyon. She mentally pulled her hair. Masisiraan na yata siya ng bait. Muli niyang inikutan ng mga mata ang lalaki. "I could see you." Tumingin ito sa kaniya. Agad naman niyang iniiwas ang mga mata at kunwari'y sa mga matatandang nag-aaway katingin. "It's your fault why we are here. So stop rolling your eyes, drunkard--" "I'm not a drunkard!" Kaagad niyang depensa sa sarili. Ngunit umangat lamang ang isang kilay ng lalaki na halatang hindi naniniwala sa sinasabi niya. "Tell that to my dead child." "FYI, Sir. It's not 'a child', and it's not dead!" Mataas ang tono na sabi niya. Dahil sa pagpapaulit-ulit nitong pagtawag ng 'child' sa sasakyan nito, pakiramdam niya ay nakapatay nga talaga siya ng bata. "Are you saying that I'm not capable of being a mother?" Kunot-noong tanong nito. Her mouth hung open. Mother? What mother? She lost her not-so argument. This man is really crazy. Parang gusto na talaga niyang sakalin ang lalaki. Halatang tuwang-tuwa ito sa pang-iinis sa kaniya. Kumuyom ang kamao niya at nanggigil na iniumang iyon sa lalaki. Kung hindi niya ito masasakal, sasapakin na lamang niya ito. Ngunit natigil ang kamay niya sa ere nang umupo sa mesa na nasa harap nila ang isang officer na mukhang goon sa isang pelikula. "Anong nangyayari dito?" Agad niyang ibinaba ang kamay. "As you can see officer, this woman is about to punch me after hitting my car." Tumingala pa ang lalaki at akmang pinupunasan ang 'imaginary' nitong luha. Naihilamos na lamang niya ang palad sa mukha. "She's drunk officer. At ako naman ang gusto niyang saktan pagkatapos niyang saktan ang anak ko." "Drunk driving, hmm." Mapanuring tumingin sa kaniya ang officer pagkatapos ay may isinulat sa logbook na nasa harap nito. At syempre, nag-positive siya nang i-check nito ang alcohol niya sa katawan. Inayos nito ang eye glasses na suot at mas lalo pang naging mapanuri ang tingin. "Magkakilala ba kayo?" Tanong nito. Sumagot siya. "Hindi po--" "Opo--" Nagkatinginan sila ng lalaki. Kumunot ang noo niya dahil sa sagot ng estranghero. "I swear, Officer. Hinding-hindi ko pa nakita ang pagmumukha ng mokong na ito sa buong buhay ko." "Officer. Itinatanggi niya pa. Asawa ko ho siya." "What the hell--" "Umalis ho siya sa bahay para maglasing." "Officer--" ngunit hindi siya pinakikinggan ng pulis. Nakatutok ang atensiyon nito sa lalaki. Nang saglit na magtama ang mga mata nila ng lalaki ay isinenyas niya dito na hahampasin niya ito ng saklay niya. Ngunit ngiting-aso lamang ang isinagot sa kaniya ng hinayupak. Napahilamos na lamang siya ng mga palad sa mukha at hinayaang mag-usap ang dalawa. Makalipas ang ilang minuto ay ibinaba ng officer ang eye glasses nito at seryosong tumingin sa kaniya. Napabuntong-hininga na lamang siya. "Away-mag-asawa pala ito." "Officer, hindi ko nga ho siya asawa. Bakit ba hindi kayo nakikinig sa akin?" Mahinahong paliwanag niya. "Alam mo, Misis. Pumayag na itong asawa mo. Papalagpasin na lamang daw niya ang nangyare sa kotse ninyo basta umuwi na lamang sa bahay ninyong dalawa." "Officer--" "Sa panahon ngayon, na mayroong krisis. Dapat kayong dalawa ang nagtutulungan. Maliwanag ba?" Nagpatango-tango na lamang siya sa sinasabi nito. Pakiramdam niya ay instant na nakatanggap siya ng marriage counseling kahit hindi pa naman aiya ikinakasal sa buong buhay niya. "Osiya, kung maliwanag naman pala ang lahat, kayo ay umuwi na. At ayoko nang mauulit pa ito." "Yes, officer." Proud pa na sagot ng lalaki. Sinamaan niya ito ng tingin. Bubugbugin talaga kita paglabas natin dito. "HOY!" Sigaw naman ng pulis sa mga matatanda na nag-aaway pa din sa katabi lamang nila na lamesa. Ang isang matanda ay sinasakal na ang officer na nag-aasikaso sa mga ito. "Mahiya nga kayong matatanda kayo. Nauna pang matapos ang away-mag-asawa ng dalawang ito kaysa sa inyo! Aba, ilang linggo na kayong pabalik-balik dito ah!" Napailing-iling na lamang siya at nagpatiuna paglalakad palabas ng police station na iyon. "Misis!" Nagbingi-bingihan siya at hindi pinansin ang nang-aasar na pagtawag ng lalaki. Dahil sa oras na pinansin niya ito ay paniguradong matatadyakan niya ito kahit pa bali ang buto niya. "Misis! Hintayin mo ako!" Ngunit mas binilisan pa niya ang paika-ikang lakad. "Misis! Dito po ang parking lot!" Pakiramdam niya at itinuro pa nito ang parking lot kung nasaan ang kotse nito. Tuluy-tuloy siyang naglakad sa gilid ng kalsada at pumara ng taxi. Dali-dali siyang sumakay sa unang taxi na tumigil kahit pa paulit-ulit ang pagtawag ng 'misis' sa kaniya ng hinayupak. Narinig pa niya ang huling sigaw nito. "Misis! Umuwi ka na sa bahay natin ha!" At binuntutan iyon ng lalaki ng paghalakhak. Inilabas niya ang kamay sa bintana ng taxi at iniangat ang gitnang daliri. "Misis pala ha." Hindi pa siya nakuntento dalawang kamay ang inilabas niya, at paniguradong nakita iyon ng estranghero. At dahil siraulo nga ito, alam niyang tinawanan lamang siya nito. Kaya lalong nagngitngit ang kalooban niya. Sumimangot siya. May araw ka rin sa'king mokong ka.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD