"Walang-hiya kang babae ka! Malandi ka talaga!" Isang malutong na sampal ng dumapo sa pisngi ng kaniyang ina. "Sinungaling ka! Sabi mo pupunta ka sa burol ng kaibigan mo. Mamukat-mukat ko, nakikipaglampungan ka lang pala at sa kumpare ko pa!" "Magpapaliwanag ako, Julio. Magpapaliwanag ako." Umiiyak ang nanay niya na lumuhod sa harapan ng galit na galit at seloso niyang tatay. Magkadikit ang mga palad nito na para bang isang makasalanan na humihingi ng kapatawaran sa lahat ng nagawa sa kauna-unahang pagkakataon. Nanginginig na sumiksik sa sulok ng barong-barong nila ang batang Faith nang makitang hinubad ng tatay niya ang sinturon nitong suot. Takot na baka pati siya ay mapagbuntungan nito. Hindi pa kasi gumagaling ang mga pasa niya nang minsang umuwi ito nang lasing at walang nadatnang p

