Chase Buenavista. I freakin' hate you. Napaismid si Faith habang nakatitig sa likurang bahagi ng log notebook niya na nagsisilbi niyang lesson plan. Kasalukuyan siyang nasa sala at ang nakapatong na log notebook sa center table ang napag-trip-an niya. Pagkapasa na pagkapasa niya ng leave form ay walang sabi-sabi siyang umuwi. Ni hindi na siya nakapagpaalam man lamang kay Dona o kay Creig dahil sa pagmamadali din na makaiwas sa lalaking walang sawa sa pagsigaw ng 'misis' kada makikita siya. Hindi niya malaman kung bakit niya naisulat ang pangalang iyon-- na unfortunately ay nalaman niya kay Dona. Basta ang alam niya ay hindi na maipaliwanag ang pagkairita niya sa lalaki. Kumukulo ang dugo niya. Isa pa usap-usapan din naman ang lalaki sa buong eskwelahan na pinagtratrabahuhan. Instant ce

