Hindi na naiparada ni Faith ng maayos ang sasakyan sa labas ng presinto. Mabilis siyang bumaba mula doon at patakbong tinungo ang information desk. Hindi na niya napansin na patakbo din palang sumunod sa kanya sina Dona at Oliver. "Ives!" hinihingal niyang tawag sa kaibigan. Agad naman siyang sinalubong ng binata. "We'll wait you here, Faith." Puno na din ng pag-aalala ang mata ng mga kaibigan niya. Tumango-tango lamang siya pagkatapos ay sumunod na kay Ives sa klinika ng presinto. There she saw her mother. Lying on the clinic bed, unconscious. May nakakabit na suwero sa isang braso nito. She look helpless. Napansin niya ang pangangayayat at ang pagod sa mukha nito. "Anong nangyari, Ives?" nag-aalalang tanong niya sa binata nang hindi tumitingin rito. Hindi niya maalis ang mga mata s

