EIGHT

1613 Words

Ilang beses na nagmura si Faith sa isip niya habang akay-akay si Chase papasok sa bahay nito. At nang matagumpay niya iyong nagawa ay pabalibag niya itong ibinagsak sa sahig. Hindi pa siya nakuntento. Marahan pa niya itong sinipa-sipa na para bang karakter sa pelikula na chinecheck ang isang bangkay gamit ang paa niya na gumagaling na. Ngunit kahit ano yatang gawin niya dito ay hindi ito magigising sa sobrang kalasingan. "Hays." Napailing-iling na lamang siya habang nakatitig sa lalaking nakahilata sa sahig. "Kahit bagsakan yata kita ng hollow blocks sa mukha hindi ka pa din magigising e." Hindi niya malaman kung bakit hindi niya maalis ang titig sa binata. Parang may kung anong boses sa likod ng isip niya na ngsasabing ipagpatuloy lamang ang pagtitig dito. Ngayon lamang niya napansin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD