NINE

2178 Words

Ilang araw ang matulin na lumipas. Ginawa ni Faith ang lahat ng makakaya niya upang hindi magtagpo ang landas nila ni Chase. Sa tuwing magkakasalubong sila ng landas ay agad siyang lumilihis ng daan upang hindi ito makita. Mabuti na lamang at tinanggal na ang cast niya sa paa kaya nakakatakbo na siya ng matulin kapag nakikita pa lang niya sa malayo ang binata. Siya na ang umiiwas. Maging ang sugat niya sa noo ay magaling na din. Ilang araw na din siyang nagbabaon ng sarili niyang pagkain at sa room na lamang ng mga batang tinuturuan niya kumakain ng tanghalian. O kung hindi naman ay, maaga siyang lumalabas mula sa kantina at nagkukulong sa opisina niya. Maaga din siyang umuuwi at minsan pa ay hindi na siya nakakapagpaalam kina Dona at Oliver. Nang minsang magtanong ang mga ito sa group c

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD