Chapter 2

1712 Words
Luck. Luck ay isang salita na ginagamit ng mga tao para i-describe ang hindi inaasahang positibo na pangyayari. Dumidepende rin sila sa salitang 'to para makamit ang mga positibong nais nila. Maswerte raw ako dahil mayaman ako. Hindi ba nila naiisip na sa kabila ng yamang ito, may mga bagay din akong inaasam na hindi ko makamit? Maraming bagay ang hindi kayang bilhin ng pera kahit gaano pa karami ang mayroon ka. Isinantabi ko ang isipan na 'yon at muling bumaling sa aming guro ng tawagin ang pangalan ko. May recitation at hindi ako nag review. My classmates laughed at my silly answer. Walang nagawa ang guro kung hindi paupuin ako at mag tawag ng ibang may alam. "Ayan ang napapala ng puro inom." Masama kong tinignan si Salina. She's my seat mate and a friend as well. Hindi ko nga lang siya nakakasama sa mga gala dahil hindi naman nagiinom ang isang 'to. Bahay, eskwela, at simbahan lang ang ginagawa. "Pwede ba. Ngayon lang ako hindi naka sagot dyan." sagot ko na may kasamang irap. Bukas ang huling exam namin para sa 4th quarter. Mag rereview ako at hindi na muna magiinom. Baka itakwil na ako ni Papa kapag hindi ako naka graduate ng high school. "Nakapag decide na ako. Architecture ang kukuhanin ko, Yra." Lumingon ako sa kaniya at ngumisi. Ilang taon kaming nag talo tungkol sa bagay na riyan. Ayaw niya ang Architecture dahil iyon ang degree ng kaniyang mga magulang. She wanted to try something different. After a year, she decided to take Architecture. Siyempre, pinaglaban ko sa kaniya na dapat kunin niya ang totoong gusto niya at hindi 'yung gusto lang ng magulang niya. Our debate lasted for years. "Bahala kana sa gusto mo." "Gusto ko na talaga, Yra. I tried drafting yesterday. Pinuri ako ni Papa dahil maayos daw ang gawa ko. May chance daw ako kung gugustuhin ko." Hindi ko na naman maiwasan ang umirap. Kahit ako mag drawing ng puro linya e maayos naman tignan. Ibig ba sabihin may future rin ako riyan? Ewan ko lang. "Dito ka ba o sa Maynila ka?" She sighed frustratedly. "Dito lang ako. Magtatayo kasi si papa ng negosyo rito. Ayaw din nila akong payagan mag dorm." "Dito lang din naman ako. Bakit hindi ka masaya? Nagsasawa kana bang makita ako?" Her eyes went wide by my sudden accusation. Binibiro ko lang naman siya pero parang natakot pa yata. Naalala ko nung grade 6 kami. Binu-bully ko lang ito e kasi hindi pantay ang tali ng buhok. Nung naging seat mate ko siya ng mag high school kami, para naman tuod buong araw. Patapos na ang lunch time. Magka lingkis kaming naglalakad ni Salina pabalik sa room ng bigla niya akong kurutin sa tagiliran. My eyes grew bigger and was about to raise hell ng nginuso niya ang partikular na direksyon. "Ang crush mo Yra, nandito!" "H-huh. Nasaan?" Tuluyan kong nakita ang tinutukoy niya. I gasped immediately after seeing Rory Lagdameo in front of the school's registrar office. Oh my gosh! Bakit niya ngayon naisip dumalaw kung kaylan walang powder ang mukha ko? Mas lalo akong nagulat ng parang lumingon siya sa banda rito kaya mabilis akong nagtago sa likod ni Salina. Para namang nanigas din bigla ang babaeng ito sa ginawa ko. I could imagine how we looked stupid after. Sigurado naman akong hindi siya sa amin tumingin pero natakot pa rin ako. "A-anong ginagawa niya rito? College na siya hindi ba?!" gulong gulo ako. "Malamang, kinukuha ang records niya. Nakita ko sa bulletin board na available na ang diploma nila." Lumipat ang mata ko sa dalawang parating. Isang babae at isang lalaki. They are Dianne and Paul. His high school friends. Nagsimula kaming mag lakad ulit dahil busy na ang atensyon ni Rory sa mga kaibigan. Una kong ginawa pagbalik sa room ay mag lagay ng powder sa mukha at lip gloss naman sa labi. Nilaro-laro ko pa ang labi ko habang naka tingin sa salamin. Ngayon ko napansin ang mga lalaki kong kaklase na naka ngangang naka titig sakin. I rolled my eyes in 360 degree. "Talagang nagpaganda kapa! Hindi ka naman dadalawin ng crush mo rito." Hindi ko pinansin ang pang bubwisit ni Salina. I even combed my hair using my finger to make sure I look okay. She's right though. Malabong malabo pa sa putik na pumunta 'yon dito pero at least kung magkaroon ng milagro, handa ako. Rory Lagdameo is four years older than me. Sila 'yung bagong lipat na dumating habang nagiinom kami kayla Hanna and that was 4 years ago. College na siya ngayon at kung tama ako, graduating na rin gaya ko. First year higschool pa lang ako nung magka crush sa kaniya. Patapos na ako at ganon pa rin. Nagkaroon na ng pagbabago sa mga kaibigan ko pero ganon pa rin. A lot of boys tried to court me. Wala ni isa sa kanila ang binigyan ko ng pagasa. They concluded that I only liked someone who is rich like me. Until Emilio courted me when we were in third year. I declined him immediately. When they asked me why I wasn't entertaining any suitor, I admitted my interest to someone. Kaya naman, alam halos ng lahat na may gusto ako kay Rory. Pero alam din ng lahat na malabo kaming dalawa. He's an achiever. He was a student president and even graduated with honors. Ngayon nasa college naman, palaging mataas ang grades bawat taon, not to mention his participation in some academic competition that always results to their school being the champion. They were rich. That's what I heard back then. His father is an Engineer and a businessman. I don't know exactly what happened pero bumagsak ang negosyo nila at nagkaroon ng maraming utang. His father flew out of the country to evade prison and his mother was the one who faced all the problems. Naubos ang pera sa pagbabayad ng utang kaya napadpad dito upang manirahan ng tahimik. Hindi ko alam kung totoo pero 'yan kasi ang kwento ng mga tao rito. Of course, people mocked them. Napalitan lang iyon matapos makita ng mga tao na hindi siya dapat kinukutya. He earned the people's respect and trust because of that. Mas lalong tumaas ang tingin ko sa kaniya dahil sa kaniyang nakaraan. It must be hard to be judged by people who only thinks money is important. He proved that na hindi niya kaylangan ang pera para umangat. "Why do I keep seeing you here, Yra?" Hilaw akong ngumisi kay Dustin. He was one of those boys I rejected years ago. He's college now and still looking the same. He's one of the bad boys back in high school and seeing him now with two girls beside him, naging womanizer pa ata. "I want to see the university building where I'll study, Dustin." "Bro, ikaw na lang ata ang hindi nakakaalam. Nandito ang batang 'yan para silayan ang crush niyang si Rory." my cousin who just got here embarrassed me like always. Two girls who were with Dustin laughed at me. I rolled my eyes in annoyance. Bakit sa dami ng pwedeng makita e ang mga ito pa? Hindi ko sila pinansin at pilit hinanap si Rory. Ganitong oras ay nandito na dapat siya sa gym para mag practice. He's a basketball athlete. "Kawawa naman talaga itong pinsan ko." muling hirit ni Nathan, ang pinsan ko. "Wala iyon dito. Ngayon ang schedule niya sa judo practice." "Judo?" He even entered martial arts? Ang dami naman niyang hilig. Hindi ba siya mauubusan ng activities? Napaka busy naman niyang tao kung ganon. Dati naman, may mga oras na bakante siya at naaabutan kong walang ginagawa. Bumalik ang tingin ko sa pinsan ng marinig ang hagikgik nito. Nag tiim bagang ako sa inis. "Umuwi kana Yra at naiinis na ako sa kakatingin sayo ng mga lalaki rito!" I refused to hear my cousin. Wala na siyang klase sa oras na 'to. Dapat ay practice na lang ang basketball ngayon. Teka, wala rin naman martial arts project ang unibersidad na to ah! Does that mean he's in an outside gym? O baka niloloko lang ako ng bakulaw na 'to. Iniwan ko silang lahat doon at agad lumabas ng university. Pumara ako ng tricycle at nagpahatid sa bayan. I took out my phone to message my instructor. After a minute, I received a reply. Instructor Gomez: Yes, he's here Yra. I gritted my teeth in excitement. Hindi pa lumilipas ang isang oras, nandito na ako sa loob ng gym kung saan nag enrol si Rory. I smirked to my MMA instructor when our eyes met. "Hindi ako naniniwala sa chismis pero totoo palang baliw ka sa batang 'yon?" Jeric is a twenty five year old martial arts instructor and he also owned this gym. Siya lang ang natatangi rito sa bayan na ito na nagtuturo ng martial arts, bukod sa tatay niya. "Ang tagal mo ng hindi pumupunta rito. Huwag mo sabihin na magaaral ka ulit?" Humalakhak ako sa tinanong niya. God! Ganito ba talaga ako kabilis basahin? Luminga ako para hanapin siya. Oh, I forgot. He's enrolled in Judo kaya baka nasa second floor siya. "Where's Tito Gener?" "Nasa third floor at may tinuturan." Tito Gener is his father. Siya ang tae kwon do master ko noong bata. When I got interested in mixed martial arts, ang anak nito ang nakasama ko. I trained mixed martial arts for 4 years. Last year lang naman ako tinamad. Even so, I got my rank and belt on each martial arts such as judo, jiu jutsu, muay thai, boxing and many more. Pero nanaig ang pagiging lasingera ko kaya heto at nag loose ng konti ang mga muscles ko. Hinaltak ko ang ballpen sa lamesa niya at nagsimulang sagutan ang form na nakita ko sa gilid. Habang nagsusulat, naririnig ko ang tawa nitong Jeric na 'to kaya hindi ko maiwasan ang tignan siya. "May sarili kang gym sa bahay ninyo pero mag me-member ka ulit dito?" he said stating the obvious. Napansin ko ang ilang pag sulyap sa amin ng mga nag g-gym. Iritado kong binigay sa kaniya ang form. Kumuha ako ng pera sa wallet para bayaran ang lintik na membership nila. Mababaliw ang mga kaibigan ko kapag nalaman nila ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD