"Sa susunod na linggo ang balik ko, Yelena. Anong gusto mong pasalubong? Hinahanap ka rin ng mga pinsan mo rito."
I chuckled to my father. Sinabi ko sa kaniya ang mga pinabili ko at karamihan don ay para sa school project. After the morning call, bumaba na ako para mag breakfast. Naabutan ko si Selya na nag hahain na sa malaking lamesa.
Kumuha ako ng tasa at nag salin ng mainit na kape galing sa coffee maker. I put two teaspoon of cream and one for sugar.
Sabado ngayon at walang pasok. Nag pasya kami magkakaibigan na bumaba sa ilog para maligo. Mga tanghali ang alis namin para hindi mainit.
"Saan na naman ang lakwatsa mo?"
Umismid ako. "Diyan lang po sa ilog, 'nay. Uuwi rin kami bago mag dilim."
"Hindi na ako naniniwala riyan, hija. Kasama ba riyan iyong anak ng mga Marasigan?"
Emilio? Siya lang naman ang Marasigan na kaibigan ko, ang iba'y pinsan niyang nanligaw pero basted din naman.
"Opo, bakit?"
"Gusto mo ba ang batang 'yon, Yra?"
Halos mabuga ko ang kapeng iniinom sa biglang tanong. Iritado akong bumaling sa matanda na naka taas na rin pala ang kilay habang naka tingin sa akin.
Ano ba naman ito. Ang aga pero ganito ang itatanong. Bakit naman ito ang pumasok sa isip niya?
"Wala, nay. Kaibigan ko lamang si Emilio."
"Pero nanligaw 'yon sayo hindi ba?"
I sighed and put my coffee down. "Sumubok lang po manligaw, nay. Hindi ko po hinayaan."
"Bakit niyo po pala tinatanong?" because it was very sudden. Bata pa lang kami ay magkakaibigan na kung noon naman ay hindi niya minsan tinanong si Emilio.
Gusto niya ba ang lalaking yun para sakin? Oh my Gosh! She's been working and serving our family since she was younger. Malaki ang utang na loob ng pamilya namin sa kanila. Her parents served my grandfather as well.
"Hindi ko lang gusto ang nalaman ko, hija. Sana ay hindi totoo...." pasaring niya.
Nanatili ang titig ko sa kaniya, naghihintay sa sasabihin pero wala. Ano?
"Ano po ba ang nalaman niyo?"
"Si Belinda na katulong nila, sinabi na may balak daw ang pamilya nila na ipagkasundo ka sa pagpapakasal. Hindi ako naniwala at alam kong hindi rin mahilig ang pamilya niyo sa ganoon."
I couldn't hide my laughter. Fixed marriage with Emilio? Malabong malabo mangyari 'yan. We are just friends ever since. Hindi rin naman siya nag damdam ng tinanggihan ko ang panliligaw niya. We just don't click in that way.
Although they have been a supporter of arrange marriage, I don't think na may lakas sila ng loob na alukin ang pamilya ko ng ganon. Every old people here knows that Ansaldos don't do this kind of old tradition.
"Hindi po yan totoo, nay. Baka mali lang siya ng pagkaintindi o gumagawa siya ng chismis."
Ilang minuto pa akong nakipag kwentuhan kay Selya bago ako natapos kumain. Lumabas ako mula sa likod ng bahay para tanawin ang malawak na pineapple farm. Maraming trabahador ngayon dahil harvest season. Sunod sunod din ang malalaking truck na dumarating para dalhin ang mga prutas sa planta ni papa.
I look around to check if there's anybody. Nang masiguro kong walang tao, nilabas ko ang stick ng sigarilyo at sinindihan ito gamit ang lighter. Hinipak ko ang usok mula sa sigarilyo. Humagod ang lamig papasok sa lalamunan ko bago ito binuga sa hangin. Tinignan ko ang sigarilyong umuusok at biglang natawa ng maalala kung paano ba ako natuto nito.
My father left his cigar still burning on his ash tray. Umalis siya saglit. I got curious alright? Kinuha ko ito at sinipsip. Malakas na ubo ang nagawa ko pag tapos. Siyempre, galit na galit ang papa. Pero mula non, nagustuhan ko ang pakiramdam nito. Ilang linggo rin bago ko natutunan kung paano. Palagi kasi akong nauubo kaya hithit buga ang ginawa ko, hanggang sa natutunan ko na lang ng kusa.
Kapag nalaman ito, siguradong lagot talaga ako. Kaya dito ako sa likod kung saan walang nakakakita, o kaya naman pag nag iinuman kami.
Maganda ang panahon ngayon dahil makulimlim. Nadinig ko ang bagsak ng tubig mula sa talon at ang tubig na rumaragasa papunta sa mas ilalim na bahagi ng bundok. I smell the usual breeze of trees, rocks and water. I couldn't help but giggle to my excitement. We hiked for about thirty minutes to get here. Pababa ito ng bundok at maraming delikadong daan. Minsan ay matarik, pero madalas ay madulas. Kapag nagkamali ka ng hakbang, tiyak na mahuhulog ka.
"Ayos! Walang tao! Bilisan niyo!" sigaw ni Alfred na siyang nauuma sa amin.
Mas nagmadali kami ni Wendy sa pag hakbang. Muntik pa siyang madulas pero buti ay napakapit siya sa bato na matalim.
Tuluyan ko nang nasilayan ang ganda ng ilog. I was always mesmerized by its beauty. Tunay ngang kay ganda ng likha Niya. Mula rito sa madulas pero malapad na bato, tanaw ko ang malinaw at asul na tubig. Sa gitnang bahagi nito ay ang malalim na parte na hindi ko pa naaabot. I immediately jumped without thinking. I screamed after that exciting jump.
Nilangoy ko ang kabilang dulo kung saan bumabagsak ang malakas na tubig. Malawak ang sakop ng talon na ito. Si Alfred at Emilio ay pumunta sa malalaking bato na nasa ibabaw ng tubig at doon sinalo ang tubig na galing sa taas.
"Ayusin niyo na ang lamesa!" sigaw ko para marinig nila.
Tinawanan namin si Alfred ng sumimangot ito pero sinunod din ang sinabi ko. Inayos niya ang lamesa sa madulas na batuhan. Si Wendy naman ang tumulong sa paglabas ng alak at pagkain.
Malamig ang hangin. Dahil nga nasa baba ito, walang araw masiyado ang tumatagos dahil natatakpan itong ilog ng bundok at naglalakihang bato. Every time we scream, nag e-echo sa buong paligid ang boses namin.
Ito ang isang rason kung bakit ayoko umalis dito kaysa magaral sa Maynila. I have been there a couple of times, visited a lot of beautiful places and cities. But they don't have this kind of place. Maraming magandang hotel, pools at kung ano pa pero tulad ng ganito? Na hindi gawa ng tao pero napaka ganda?
"Tulala kana naman. Oh tumagay kana!" nagulat ako roon.
Sumimangot ako kay Emilio pero kinuha ko pa rin ang shot glass na inabot niya. Nilagok ko ito at agad inabot sa kaniya ang baso. I noticed they are all sitting there. Umahon ako sa tubig para samahan sila.
"Nasaan pala ang girlfriend mo, Alfred?" Wendy asked, suddenly.
Nag tawanan kami dahil don. Kumuha ako ng chichirya na tig piso para kainin. Malamang nag away na naman sila? Naging seloso kasi si Hanna kaya naiirita na si Alfred. Teka, ilang taon na rin pala ah? In fairness, ang tagal na nila at hindi pa rin nahuhuli ang unggoy na to?
Kinuha ko ang sling bag ko at nag labas ng isang box ng sigarilyo. I get one and lit it using my own lighter. Saktong pag buga ko ng usok, tumambad sa akin ang mukha ni Rory mula sa malayo.
Naubo ako sa gulat. Jeez! I heard Wendy's slight teasing me. I didn't expect to see them here. May mga kasama siya na siguradong kaklase niya. They are 3 pairs. Don't tell me, girlfriend niya ang isang babae riyan?
"Hubarin mo ang t-shirt mo, Yra." I gasped from Wendy's suggestion. What a bold thinking!
"Ano ka ba! Ginawa mo naman malandi si Yra." sinagayunan ko si Emilio sa sinabi niya.
Humithit ako ng usok tapos binuga iyon. I caught Rory looking at us, while I'm standing and smoking. I noticed how he shook his head as if he saw something unpleasant. Tumaas ang isang kilay ko.
They only bring foods. No alcohol? What a boring team. Kung sabagay, mga nerds yata itong kasama niya. Kumunot ang noo ko ng mag hubag ang tatlong babae. Really? Swim suit? Tss.
Sumipol ng mahina si Alfred. Sa inis, tinadyakan ko siya. Muntik pang masubsob ang mukha niya sa simento. Sayang!
"Tangina mo Ansaldos!"
"Kung gusto mo, dun ka na!"
Humagikgik si Wendy, "Wag ka kasing pumanig don, Fred. Alam mo naman bad vibes ni Yra ang mga babae sa paligid ng mahal niyang si Rory."
Imbes magalit si Alfred, mas nag tawanan pa silang dalawa. I look at Emilio, hoping to find any sign that he's on my side pero ang gago, tahimik lang at naka yuko. Parang madilim ang tingin. I sighed and rolled my eyes. Nakakainis naman ang mga kasama ko.
Lumagok ulit ako ng alak. Nag pantig ang tenga ko sa tilian ng mga babae. Ang aarte naman? Akala mo nasa malalim e hindi naman. I rolled my eyes. Nakakairita naman ito.
Nasa tubig na silang lahat. I watch Rory swim under. Ilang segundo siyang nasa ilalim kaya natakot ako. Ang tagal ah? But, his friends don't seem to notice him. Napatayo ako at sinubukan hanapin siya. Wala pa rin! How long has it been? A minute or two?
"Kung natatakot ka, sisirin mo na."
"Pwede ba tumahimik ka!" bulyaw ko kay Wendy.
Hinubad ko ang puting damit ko, revealing my black sports bra. I was wearing a dri-fit short na hanggang kalahati lang ng hita ko. I felt my friend's eyes on me as I dived into the water.
Saktong pag sisid ko, tumambad sa akin si Rory na lumalangoy din pala papunta sa direksyon ko. My eyes went wide and immediately went up the water. I gasped for air, not because I got drown. Nagulat ako! Umahon siya mula sa ilalim kaya nagka tinginan kami. He's been under for minutes! Ang tagal nun. Akala ko, akala ko....
"What are you doing?" his voice, cold and wholesome voice spread through me. His sharp eyes cuts me like a knife.
"Lumalangoy. Bulag ka ba?"
Mabilis ang t***k ng puso ko. I bit my lip to stop it from shaking. Hindi ako nilalamig sa tubig pero sa tingin niya, oo! Damn it.
He scan me from my face to my chest since hanggang doon lang ang kita dahil naka lubog ang katawan ko sa tubig. Kumunot ang noo niya bago bumalik sa akin ang tingin. His clean cut hair was nice and properly maintained. I remember getting heart broken when he cut his hair short, seconds after, I realized I liked him better with this hairstyle too.
"Y-you.. can hold your breath for minutes?"
"Never mind..." I said, not letting him answer. I was amazed alright? Bihira naman kasi iyong kaya lumangoy ng matagal sa ilalim. Even my friends who'd been swimming here for ages still couldn't do that.
"Stop watching me."
Laglag ang panga ko. Tumalikod siya at muling pumailalim. A-anong— ang yabang naman! What does he mean watching him? I wasn't! Napansin ko lang kasi ang tagal niyang lumutang! Ang kapal naman ng mukha niya! I rolled my eyes. I noticed his friends looking at me. Sa inis, lumangoy ako palayo. I sat on a small rock to hide my embarrassment. Bumabagsak sa akin ang malakas na tubig galing sa taas.
I sighed frustratingly. I watched my friends laughing. Siguradong pinagtatawanan ako ng mga unggoy. Dumako ang tingin ko sa kabilang banda kung nasaan sila. They are laughing as well pero mukhang iba na ang pinaguusapan.
Hmp.
But wait... that's our first conversation!
After liking him for years! We finally had it! Oh my gosh! Ngayon ko lang napagtanto kaya ngayon ko lang na feel yung kilig. Kanina kasi, kinabahan ako. Kasama ba 'yun? Hindi. Iba yung ngayon.
Omg!
I talked to him! He talked back! Wala na akong pakialam kahit hindi decent conversation 'yon. Ahhhh.... Gusto kong sumigaw. Pero wag na lang. Palagi naman nila akong inaasar sa lintek na pangarap kong ito. De bale, nakausap ko naman siya.
"Yra! Uminom ka na!"
Umismid ako ng tawagin. Lumangoy ako pabalik sa kanila at umahon. Irap ang sinagot ko sakanila bago tanggapin ang shot glass. Hindi nakaligtas sa akin ang nakakairita nilang ngisi. Lalong lalo na ang lintek na si Wendy. I swear if she speak one word...
"Hi! Hmm, pasensya na. Ito kasing si Dino... ikaw na nga!"
Nagulat ako ng lumapit ang dalawang lalaki mula sa grupo nila. Parehas matangkad at kayumanggi. Parehas din payatot at puro kanto ang mukha.
"Hindi kasi kami nagdala ng maiinom—"
"Walang problema! Oh, shot kayo! Kahit tigiisa pa. Kung gusto niya, may isang bote pa kami dito." pag alok ni Alfred.
Pinaningkitan ko siya pero ang unggoy walang pake. Talagang gusto niya ipamigay ang dala namin. Tatlong litro nga lang yun!
"Salamat, pre. Okay na kami sa shot lang." Natatawang sagot ng Dino.
"Pasensya na at makapal ang mukha namin." sinundan naman ng isa.
Binigyan sila ng tig isang shot ni Alfred. Si Wendy naman, halos naka nganga na. Seriously? E mukha ngang simento ang mukha ng mga 'to.
Lumapit ang isang babae na kasama nila. She's small, white and sexy. Mahaba ang buhok at maganda. Makinis din ang balat at malaki ang s**o. Bumaling ako kay Alfred at Emilio. Mga tuod at naka titig pa sa dibdib nung babae.
"Uy! Ano yan?"
I rolled my eyes. Alak malamang. Ang bobo naman. I snorted and instead of watching my friends please them, kumuha na lang ulit ako ng sigarilyo.
"Gusto mo rin, miss?" ngising aso ni Alfred. Mamaya ka. Lintik lang ang walang ganti.
Tinanggap ng babae ang shot glass at dahan dahan ininom ito. Si Alfred at Emilio naman, titig na titig sa katawan niya. Hay naku!
"Tama na 'yan. Umuwi na tayo!" nilingon ko ang nagsalita. Sa lamig ng boses, alam ko na agad kung sino.
Hindi lumapit si Rory. His friends look at him at parang gusto mag protesta. Dumapo sa akin ang malalamig na mata ni Rory at muli, bumaba ito sa aking katawan. Nanlamig ako at parang nahihiwa sa mga tingin niya. Pinasadahan niya ako ng mabilis na tingin at saka tinalikuran.
What was that for!
Tinignan ko rin tuloy ang sarili. I look okay? Maganda naman ang sports bra at dri-fit short na suot ko. My belly button is showing yes but it isn't revealing as those girls! Literal na naka bikini. Tsk! Kaya ko rin naman yan e. Ayoko lang kasi itong mga unggoy lang naman na to ang kasama ko.
Nilalait niya ba ang katawan ko? I look at my chest. It's okay naman ah? Hindi maliit pero hindi rin ganon kalaki. What's his problem? Kung hindi busangot ang mukha niya ay iisipin kong naaakit siya. Hmp.
"Sayang! Akala ko magtatagal yung mga chicks!"
When they left, binato ko ng maliit na bato sina Emilio at Alfred. Mga traydor! Walang kwentang kaibigan!
"Grabe ka, Yra! Masama ba—"
"Ewan ko sa inyo!"
"Ba't ka ba nagagalit? Hindi naman yun ang girlfriend ng pinakamahal mo."
Muntik ko ng sakmalin si Emilio sa sinabi niya. Iritado tuloy ako hanggang paguwi sa bahay. Sa sobrang inis ko, tinext ko si Hanna at sinabi kong may nilandi si Alfred sa ilog. Magaway kayo habang buhay!
Bakit ba ako naiinis?
Fine. Naiinggit ako kasi kasama nila si Rory. Edi sila na ang friends. Tapos, iyong mga tingin niya! Nakakainis ah? Wala siyang sinasabi pero parang iniinsulto niya ako sa tingin pa lang.
How cruel. Hindi niya ba alam na madaming nagkakagusto sakin? Kahit yung anak ng Mayor, ilang beses sumubok manligaw. Ibig sabihin maganda ako! So bakit??
Damn you, Rory Lagdameo. Pag ikaw talaga na in love sakin sinasabi ko sayo, maghahabol ka.