Habang nagtutu-pi ng damit ng gabing iyon si Nanay Lida at nag-aral naman ng kanyang leksyon si Kerai ay biglang tumunog ang cellphone ni Nanay Lida. Isang tawag iyon. Nang tingnan niya'y di niya naman kilala ang number, pero kinabahan siya baka yun na ang hinihintay niyang tawag mula sa tunay na pamilya ni Kerai. "Hello?" Sagot ni Nanay Lida. Si Kerai naman ay focus lang ito sa ginagawa nito na tila hindi napapansin ang pakikipag-usap ng Nanay sa tumawag sa cellphone nito. Hindi naman nagkamali si Nanay Lida. Ang tumawag nga sa kanya ay ang isa sa mga tauhan ng totoong pamilya ni Kerai na nagpunta noong isang araw dito sa bahay ng mga Garcia. "Hello, good evening po! tumawag ako upang ipaalam kung kailan makipagkita ang tunay na mga magulang ni Kristine Ryza sa kanya. Kailangang b

