Habang tinulongan ni Nanay Lida ang isang katulong ng mga Garcia sa pagluluto ng hapong iyon ay dumating naman si Mrs. Elizabeth Salcedo, ang panganay na kapatid ng kanyang asawang si Bong. Nakipag-usap naman agad si Nanay Lida sa kapatid ni Bong tungkol sa mga naghahanap sa kanyang anak. Sila lang kasi kanina dito sa bahay ng dalawang katulong maliban sa tulalang matandang Ina nina Bong . "Nakakalungkot naman kung sasama si Kristine sa kanyang tunay na pamilya lalo na kung totoong mayaman din pala ang kanyang tunay na mga magulang." Sabi pa ni Mrs. Elizabeth Salcedo. " Sa tingin ko'y mayaman nga ang tunay niyang mga magulang. Mukhang mayayaman na nga ang mga taong inutusan ng tunay na pamilya ng aking anak, Lalo na siguro ang kanyang tunay na mga magulang." Malungkot na wika ni Nanay

