CHAPTER 8

1584 Words
Dahan-dahan naman niyang itinulak ang pinto ng office room na iyon at pumasok sa loob. Naabutan naman niyang nakaharap ito sa Computer nito na nakasuot ng Anti-radiation na eye glass habang kinalikot nito ang computer. Ngunit nang naramdaman nitong nasa malapit na siya rito ay itinigil nito pansamantala ang ginagawa at humarap sa kanya sabay kuha nito sa suot na eye glass. "G-Good morning po, Sir. Alam ko na po kung bakit pinatawag niyo po ako, sorry po, hindi ko sinasadyang mabasag ko ang mamahaling flower vase sa lobby." Aniyang nagsasalitang hindi tumingin sa mga mata nito at nakayuko lamang siya. "Alam mo ba kung magkano ang nabasag mong Vase? hindi iyon basta ordinaryong Vase, Kerai. May presyo yun, at pasalamat ka, na ang nabasag mo ay ang pinaka mura sa mga vase sa Lobby. Paano nalang kung ang nabasag mo ay iyong Antique na porselana Vase sa panahon pa ng Qing Dynasty sa China ? Sobrang mamahalin ang Vase na iyon na may halaga na milyon-milyong piso." Nag arko na naman ang kilay na wika ni Sir Jake habang nakatitig sa kanya. Di pa siya makapaniwala sa narinig mula kay Sir Jake. Millions pala ang halaga ng Maganda at porselanang Vase kanina na kanyang tinitigan na nagagandahan niya sa lahat ng vase roon. "Eh, iyong nabasag ko po ay magkano po yun, Sir? ikakaltas mo ba yun sa sahod ko na pamasahe ko sana pauwi ng Isla namin?" Lakas-loob niyang tanong rito. "Why? Do you want me to deduct it from your salary? You won't be able to go home right away, Kerai. Two of your salaries won't be enough to pay for what you broke." Matigas na sagot nito sa kanya na may halong inis na naman. " Jusko po, paano nalang po ako.." Aniyang napaangat sa kisame dahil sa narinig niya mula kay Sir Jake. "Bibili nalang ako ng bago, at ipapalit sa binasag mo. Dahil hahanapin iyon ni Mama, kung makakauwi sila. Siguradong magagalit siya sa'yo. Sobrang tanga mo naman." Galit na wika nito sa kanya. Ang sakit palang magsalita ni Sir Jake kapag galit ito. Napilitan siyang tumingin at salubungin ang mga matiim na tingin sa kanya ni Sir Jake dahil sa sinabi nito sa kanya na siya'y tanga. " Ikakaltas niyo nalang po, Sir sa sahod ko ang nabasag na Vase. Bahala na ang panginoon sa akin. Siya nalang ang bahalang hihipo sa'yong puso na kaawaan niyo po ako." Sabi pa niya rito. Parang bahagyang natawa si Sir Jake sa narinig nito mula sa kanya kahit na halatang nainis ito sa kanya base sa ekpresyon ng mukha nitong nakatingin sa kanya. " Really?? sigurado kaba sa desisyon mong ikakaltas ko nalang sa sahod mo? ano?" Subok pang tanong nito sa kanya na nanatiling nakatingin sa kanyang mukha. "K-kayo po ang bahala, Sir. Kung ano ang desisyon niyo po, wala po akong magagawa." Pakumbabang wika naman ni Kerai. "Ikaw ang magdesisyon, ikakaltas ko ba o hindi?" Muling tanong nito sa kanya. " Huwag nalang po, parang awa niyo na po, Sir." Sabi naman niya agad rito. Napapailing naman si Sir Jake na nakatingin parin sa kanya. Sa isip nito'y para siyang maloloka sa babaeng ito. "Yun naman pala. Magdahan-dahan ka sa mga kinikilos mo para hindi na ito mauulit, dahil kapag mauulit pa ito, babayaran mo na talaga ang damage mo, Kerai. Naiintindihan mo ba?" Wika ni Sir Jake sa kanya. " O-opo, Sir, salamat po Sir." Sabi naman niya rito kahit masikip ang dibdib niya ng mga sandaling iyon. Hindi naman siya tanga, nagkataon lang talaga na di niya sinadyang nabitawan at nabasag niya ang vase na iyon. Napasandal ito sa inuupuang Swivel chair at hindi na nagsalitang nakatingin parin sa kanya. Iniiwasan ni Kerai na muling tumingin sa mga mata ni Sir Jake dahil alam niyang nakatitig ito sa kanya na parang pinag-aralan nito ang bawat kilos niya sa harap nito. Hindi niya alam kung anong susunod na gagawin, kung magpaalam nalang ba siyang lumabas na dahil hindi na ito nagsalita pa. "S-salamat po ulit, Sir, makakalabas na po ba ako?" Tanong niya rito na di man lang tumitingin rito at nanatiling nakayuko lamang. " Okay, you may go now." Anang baritonong tinig nito sa kanya. Patay-malisyang tumalikod na siya rito na hindi man lang ito muling tiningnan. Sa totoo lang ay sobrang nahihiya na siya kay Sir Jake dahil niligtas pa siya nito mula sa karagatan, pumasok pa siya sa Master Cabin nito dahil sa kanyang katangahan at nakita pa niya ang @r! nito. Tapos ngayon ay binasag na naman niya ang isa sa mga vase ng Ina nito sa Lobby. Nang makalabas na siya ng tuloyan sa Home office room ni Sir Jake ay nakahinga ulit siya nang maluwag. Mabait si Sir Jake, alam niya. Dahil hindi nito ikakaltas sa kanya ang kanyang nabasag. Bibili nalang daw ito ng ganoong klaseng vase upang ipalit sa vase na kanyang binasag. Nakakahiya talaga kay Sir Jake, parang napurwisyo lang niya ito. Senermonan naman siya ni Manang Tisay dahil sa kanyang kasalanan. " Naku, ikaw talaga, mabuti nga't di ka pinabayad ni Sir Jake at pinagsasabihan ka lang." Ani Manang Tisay sa kanya. " Hindi ko po sinasadya Manang Tisay." Seryosong wikang sagot niya rito. "Diba sinabi ko na sa'yo na mag-iingat ka." Sabi naman nito sa kanya. "Nag-iingat naman po ako, Manang Tisay, hindi ko lang talaga sinasadya, talagang disgrasya iyon." Depensa naman niyang muli sa sarili. " Hay naku, oh sige na, huwag na natin yang pag-uusapan, ang mahalaga ay okay na si Sir Jake at nagkakausap na kayo." Sabi pa ni Manang Tisay. Nang makaalis na si Sir Jake papuntang office nito ay tinapos na muna nila ang kanilang mga gawain ng umagang iyon bago sila nag-almusal. Matapos nilang mag-almusal ay dinala agad siya ni Bebe sa kuwarto nito upang pahiramin ng cellphone nito. Inopen niya ang kanyang f*******: account at tiningnan ang kanyang mga friends na taga Isla. Mabilis siyang nag message nang makitang online ang kanyang kaibigang kapit- bahay nila. Excited pa siya nang makitang na seen agad nito ang kanyang message. " Oh, ano naka contact kana ba?" Tanong pa ni Bebe sa kanya. "Oo, Bebe. Na seen na agad ang message ko ng kaibigan kong kapit-bahay lang namin sa Isla." Sagot naman niya rito. " Mabuti naman kung ganoon." Natuwang sabi nito. Nagreply agad sa kanya ang kanyang kaibigan at mag video call daw sila sabi nito upang makakausap daw niya ang kanyang nanay Lida. " Bebe, pwede po bang mag video call kami ng Nanay ko? okay lang po ba sa'yo?" Tanong naman niya rito. "Ay oo naman! sige, video call na agad kayo." Sabi nito sa kanya. " Salamat po, Bebe." Natuwang wika niya. Maya-maya'y tumawag na ang kaibigan niya. Hindi maintindihan ni Kerai ang sarili kung bakit kinabahan siya nang sagutin agad ang tawag. Agad niyang nakita ang kanyang kaibigan at naroon din sa tabi nito ang kanyang nanay Lida. " Nay! kumusta po? ligtas po ako nay, may nakaligtas po sa akin sa karagatan." Umiiyak na wika ni Kerai sa kanyang Ina. Nakita niyang umiyak muna ito bago nagsalita. Naalala agad niya ang kanyang tatay Bong kung nakita at nakaligtas ba din ito tulad niya. "Anak, wala na si Tatay Bong mo, nakita at na rescue ang katawan niya na isa ng malamig na bangkay." Wika sa kanya ng kanyang nanay sa video call. Nanlaki ang kanyang mga mata at biglang sumikip ang kanyang dibdib sa narinig mula rito. Hindi agad siya nakaimik sa nalaman mula sa kanyang nanay Lida. " Oh, bakit, Kerai? anong nangyari sa'yo?" Nagtakang tanong naman ni Bebe nang makitang para siyang na shocked. "H-hindi, w-wala na si Tatay Bong?" Umiiyak na ulit niyang tanong sa kausap na nanay Lida niya sa cellphone at hindi na niya napansin ang mga tanong ni Bebe sa kanya. " Oo, anak. Wala na si Tatay Bong mo. Nag-iisa nalang ako ngayon sa bahay, sobrang ikinatuwa ko ngayon na buhay ka pa, Kerai. Akala ko ay nag-iisa na lang ako at pareho na kayong wala na sa buhay ko." Hagulhol na iyak ng kanyang nanay Lida. Parang nawalan ng ganang kumilos si Kerai pagkatapos niyang nakausap ang kanyang Nanay Lida at nalaman ang nangyayari sa kanyang tatay Bong. Wala na pala ito at siya lang ang naligtas sa kanilang dalawa. Tapos mag isang buwan pa siya bago makauwi sa kanilang Isla dahil hihintayin pa niya ang sahod niya sa loob ng isang buwan. " Huwag kanang malungkot. Fight ka nalang sa hamon ng buhay Kerai." Sabi pa ni Bebe sa kanya. Pati na si Manang Tisay ay parang ramdam ang kanyang kalungkutan dahil sa nangyari sa kanyang tatay Bong. Ngunit salamat nalang at kino comfort lang din siya sa mga ito kahit na bago palang siyang nakilala ng mga ito. Lumipas ang dalawang linggo ni Kerai sa mga Mondragon ay unti-unti namang pumuti ang kanyang balat. Nagtaka naman ang mga katulong na kasama niya na ang dali lang niyang pumuti. Ginunting naman ni Bebe ang kanyang mga buhok na split ends na parang nasunog sa sikat ng araw upang maging maganda tingnan ang buhok niya. Hanggang balikat nalang ang haba ng kanyang buhok ngunit nang tingnan niya sa salamin ay sobrang ikinatuwa naman niya ang kanyang repleksiyon dahil gumanda siya nang makuha ang mga split ends niya at totoo ngang sinabi ng mga ito na mabilis lang siyang pumuti sa loob ng dalawang linggo niya sa mga Mondragon. Simpleng papaya na sabon lang naman ang gamit niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD