Nang dumating sila sa pamamahay ni Sir Jake ay hindi makapaniwala si Kerai sa kanyang nakita. Isang malaking bahay ang kanilang hinintuan, na matatawag na itong mansion. Sabagay, bakit pa ba siya magtataka na ganito pala kalaki ang bahay ni Sir Jake? alam na niya mula
kay Manang Tisay na isang mayaman at maimpluwensyadong pamilya ang meron ito. Isa daw'ng Billionaires Ang pamilya nito. Pinababa na sila ni Sir Jake dahil ihahatid pa daw nito si Miss Grace, ang secretary nito. Pagpanaog ni Manang Tisay at ng driver ng mga Mondragon ay sumunod naman agad siya kay Manang Tisay.
Agad namang napapansin ni Kerai ang malawak na hardin na may mga magagandang halaman, bulaklak, at puno. At nakikita din niya ang napakagandang mga fountain at pond. Sa kabilang dako naman ay matatanaw din ang isang malaking swimming pool na may mga magagandang disenyo. Napansin naman siya sa unahan ang isang magandang gazebo na lugar upang magpahinga at mag-enjoy sa tanawin.
" Ang ganda naman po dito, Manang Tisay." Di napigilang wika niya kay Manang Tisay.
"Tama ka, maganda talaga ang tanawin dito sa labas ng mansion ng mga Mondragon, Kerai. Lalo na't tuwing umaga ay masarap mag exercise dito sa labas. Yun ang madalas gagawin ni Ma'am Shantal, Ang girl friend ni Sir Jake, noong hindi pa ito nahuli ni Sir Jake na may ibang kasama. Araw-araw kasi dito ang babaeng yun, na akala mo rin kung makautos sa amin ay amo namin at siya ang nagpapasahod sa amin. Masama kasi ang ugali." Wika pa ni Manang Tisay habang sila'y papapasok sa loob ng malaking Pamamahay ni Sir Jake.
" Ganoon po ba, Manang." Tanging naitugon lang niya dahil naaliw din siya sa kakatingin sa mga mamahaling kagamitan sa loob.
" Susunod ka sa akin sa kuwarto ko, iisa nalang tayo ng kuwarto, total, One month ka lang naman dito, kaya sa aking kuwarto ka nalang tutuloy. Halika, ibibigay ko agad sa'yo ang sinabi kong mga damit kong nabili na bagay mong isuot na di ko nagamit. Pati na yung Isang set ng panty." Sabi ni Manang Tisay sa kanya.
" Salamat po, Manang Tisay." Aniya rito.
____
Sa Mansion ng mga Ricaforte.
" Palagi ka nalang bang ganyan, Laura? sa tuwing kaarawan ng bunsong anak natin ay iyan nalang ang gagawin mo? ang magluksa at hindi kumain buong araw? kinabukasan naman ay magkasakit ka agad dahil sa ginawa mo, tulad noong nakaraang taon. Kailan mo ba matatanggap na wala na ang isang anak natin? ilang taon na siyang nawala! at kahit ilang beses kong binalikan ang lugar kung saan siya nawala at hinalughog ko na iyon ay talagang wala na ang anak natin doon! For god's sake, ilang taon na siyang nawala, Laura! kaya kahit masakit sa kalooban natin bilang magulang ay tatanggapin nalang natin ang katotohanang wala na talaga si baby Ryza. At magmo-move-on nalang tayo, lalo kana!" Mahabang wika ni Mr. Felix Ricaforte.
" Masakit parin, Felix. Isa akong ina, at hindi mo alam kung anong damdamin ng Isang inang nawalan ng anak! kahit tumanda pa ako ng tumanda ay mananatili parin ang sakit sa dibdib ko dahil sa pagkawala ng isang anak natin. Sobrang sakit parin sa akin ang lahat, at di na iyon mawawala sa dibdib ko, Felix." Umiiyak na namang wika ni Mrs. Laura Ricaforte.
Dinig na dinig naman ni Shantal ang pagtaas ng boses ng kanyang ama. Alam na niya kung bakit nag-aaway na naman ito at ang mommy niya, iyon ay dahil sa bunsong kapatid na naman niyang nawawala ilang taon na ang nakalipas. Birthday kasi ngayon ni Baby Ryza sa ika twenty-one na edad nito. Thirteen years na itong nawala at hindi na talaga ito nakita ng kanyang ama sa ilang ulit na pagbabalik nito sa lugar kung saan ito nawala. Nakakalungkot lang dahil kapwa nila mahal na mahal ang kapatid at hindi parin makakamove-on ang kanyang Ina sa pagkawala nito. Sa tuwing birthday ni baby Ryza ay hindi kumakain ang kanyang Ina, kaya natakot naman ang Daddy niya dahil masakitin pa naman ang kanyang Mommy at madali lang itong mabinat. Nang tumaas pa ang boses ng kanyang ama at narinig naman niya ang pagtaas din ng boses ng Ina ay hindi na napigilan ni Shantal ang sarili at pinuntahan niya ang mga ito.
"Daddy, Mommy. Itigil na ninyo ang pagtataasan ng mga boses niyo. May problema na nga ako eh, at dumagdag pa kayo. Ikaw naman kasi Mommy, kung noon pa sana, unti-unti mo nang tinanggap ang pagkawala ng kapatid ko ay nakakamove-on kana sana ngayon. Sawa na ako sa lagi nalang ganito sa tuwing darating ang birthday ng kapatid ko." Galit at mataas ang boses na wika ni Shantal sa mga magulang.
" Huwag kang makisawsaw sa problema namin ng Daddy mo! ang problema mo ngayon ang aatupagin mo, kung paano babalik sa'yo si Jake dahil sa panloloko mo sa kanya." Wika pa ng kanyang ina.
" Masakit nga sa ulo na marinig kayong nagtatalo, Mommy, Daddy." Matigas din ang salitang wika ni Shantal sa Ina.
Tumayo naman si Mr. Felix Ricaforte. Akala ni Shantal na aalis na ito ngunit binalingan siya ng ama.
"Mas sumakit itong ulo ko hindi lang dahil sa Mommy mo, kundi pati na rin sa problema niyo ni iho Jake! alam mo bang nahihiya ako sa mga Mondragon ngayon dahil sa ginawa mo?" Naningkit ang mga matang wika ni Mr. Ricaforte sa panganay nilang anak.
"Ako na naman ba ang aawayin mo, Dad? Oo, I admit it, nagkamali ako, but I love him so much Dad, kaya alam kong babalik si Jake sa akin, hindi ako matitiis non." Ang sabi pa ni Shantal sa ama.
" Pero nakakahiya na sa mga kumare at kumpare ko dahil sa ginawa mo, hindi ka pa naman sana talagang dalaga, pero tinanggap ni Jake na ikaw ang nais ng kanyang mga magulang na maging asawa, dahil yun ang napagkasunduan namin. Pasasalamat ka sana na okay lang kay Jake na ikaw ang babaeng maging asawa niya, pero anong ginawa mo? pinahiya mo ako, Shantal!" Matigas at mariing wika ni Mr. Ricaforte.
"Dad, huwag mo namang sabihin na dahil sa biyuda na ako ay ibababa mo na ang pagkatao ko para maging asawa ni Jake. Kung noon sana, nakapagdesisyon na kayo na ipapaasawa niyo pala ako sa anak ng mga Mondragon ay hindi sana ako nagpapakasal sa isang haft chinese." Mahabang sagot ni Shantal sa ama.
Dati kasi ay hindi sila nagkagusto sa isa't isa ni Jake. At iba ang gusto niya, nagpakasal siya sa isang haft chinese ngunit after three years na pagsasama nila ay namatay ito. Hindi naman sila nagkaroon ng anak ng asawa. Hangga't nakapagdesisyon nalang ang kanyang mga magulang sa huli at ang mga magulang ni Jake na siya nalang ang ipapakasal sa mga ito. Matalik kasing magkaibigan ang mga magulang ni Jake at ang kanyang mga magulang. Ang nawawala niyang kapatid sana ang nakatakdang ipakasal kay Jake kung ito'y magiging ganap ng dalaga subalit nawala ang kanyang Kapatid na babae. Naniniwala kasi ang mga ito na mas swerte ang panganay at pangalawang anak na magkatuloyan kaya ang kanyang nawawalang kapatid ang itinakdang ipakasal sana kay Jake Mondragon. Ngunit nitong huli ay nagdesisyon ang mga magulang nila na sila nalang ang ipapakasal. Noong una'y tumutol si Jake sa gusto ng mga magulang nila at pati na siya ngunit nang makita niyang muli ang binata ay sobrang na attract Siya sa binata. Sobrang guwapo nito.
"Hindi ko naman sinabing mababa ka dahil biyuda kana, ang point ko ay kahit biyuda kana sana at hindi dalaga ay huwag ka namang gumawa ng mga bagay na ikakahiya ko sa mga magulang ni Jake! ipinakita mo sanang deserve ka para sa anak nila! pero anong ginawa mo? pinahiya mo ako." Mariing wikang muli ni Mr. Ricaforte sa panganay na anak.
____
Kinaumagahan ay napasabay naman sa paggising ng maaga si Kerai kay Manang Tisay.
" Magandang umaga po, Manang." Aniya rito.
"Magandang umaga din, tulongan mo nalang si Bebe sa paglalampaso, Kerai. Dahil ako'y magluluto ng maaga." Ang sabi sa kanya ni Manang Tisay. Ito kasi ang kusinera kaya kung pupunta at maglalakbay si Sir Jake sa karagatan ay pinapasama talaga nito si Manang Tisay para may tagapagluto.
" Oh Sige po, Manang." Sagot niya rito.
Tinungo niya agad ang Lobby kung saan maagang naglampaso ang katulong na si Bebe. Tumulong siya rito, binigay naman nito sa kanya ang isang mop.
"Kawawa ka naman, tiyak na sobrang nag-alala na sa'yo ang mga magulang mo." Ang sabi pa sa kanya ng nagngangalang Bebe.
" Tama ka, hindi ko nga alam kung paano ko sila ma contact eh, dahil wala akong cellphone. Gusto ko sanang ipaalam sa kanila na buhay ako at gusto ko ring malaman kung nakaligtas rin ba ang tatay ko, tulad ko." Malungkot niyang sagot rito.
" Ay sus, yun lang pala ang problema mo, pagkatapos natin sa mga gawain natin ay pahihiramin kita ng cellphone, para ma contact mo ang pamilya mo." Ang sabi nitong ikinatuwa naman niya.
" Maraming salamat sa'yo. ako nga pala si Kerai. Ikaw?"
" Si Bebe." Tanging tugon nito sa kanya habang nakangiti. Siguro'y matanda lang ito sa kanya ng apat na taon at parang dalaga pa ito.
" Pagkatapos natin sa mga gawain ngayon ay maari na tayong magpahinga, wala tayong amo ngayon, dahil nasa Canada ang mga magulang ni Sir Jake at si Sir Jake naman ay maagang pupunta ng Office, at hindi na rin dito nagpupunta ang maldita niyang girl friend or Fiancee, dahil nakipaghiwalay si Sir Jake sa babaeng yun. Nagloko kasi. Yun ang dahilan kung bakit nilibang ni Sir Jake ang sariling maglakbay sa karagatan sa yate ng ilang araw dahil sa ginawa ng fiancee niya." Madaldal na wika ni Bebe habang hininaan nito ang boses.
" Ahh ganoon ba. Mabuti naman at hindi ko inabutan." Sabi naman niya.
" Matapos tayo sa paglampaso ay itatapon muna natin ang mga bulaklak na nakalagay sa mga Vase dito sa Lobby. Kukuha nalang tayo ng mga fresh na bulaklak sa Hardin ngayon. At saka na tayo magpapatuloy sa paglinis sa grandhall at Living room, pagandahin muna natin ang Lobby bago iiwan. Sa lobby, living room at grandhall, terrace lang tayo naka assign, at iba namang katulong ang naka assign sa paglilinis sa mga kuwarto at banyo." Ani Bebe.
" Ahh, ganoon ba? Oh sige gusto ko yan, ang maglagay ng mga bulaklak sa mga Vase." Aniya sa kasamang katulong.
Madali naman silang natapos sa paglilinis sa Lobby. Kaya ang mga vase naman ang kanilang inatupag. Tinitigan ni Kerai ang mga Vase, parang hindi simpleng vase lamang ang mga ito at mukhang mga Antique ang mga vase na ito. Kumuha ng mga bulaklak si Bebe at siya
naman ang naglilinis sa mga Vase, kinuha niya at itinapon sa malaking dustpan niyang dala ang mga nalantang bulaklak para iisang itatapon nalang niya lahat sa labas. Ngunit ganoon nalang ang gulat niya nang bigla nalang niyang nabitawan ang isang vase! at nabasag iyon at naglikha ng malakas na ingay! ang siya namang pagdating ni Bebe na may mga dalang bulaklak. Nanlaki kapwa ang kanilang mga mata at nagkatinginan silang dalawa ng kasamang katulong.
"Naku! lagot Kerai, Mamahalin ang vase na yan!" Kinabahan sambit nito.
Para naman siya biglang nanginig sa sinabi nito na mamahalin ang vase na kanyang nabasag. Hindi alam ng mga ito na sa umagang iyon ay nasa Home office room si Sir Jake at saglit may tiningnan sa Internet. At pagkatapos ay saglit nitong sinilip ang CCTV upang tingnan ang mga katulong ng umagang iyon na nagtatrabaho lalo na ang babaeng niligtas niya at nasagip sa karagatan. Kaya nagsalubong ang kanyang mga kilay nang makitang nabasag ni Kerai ang isang mamahaling flower vase sa lobby! kalmado siyang lumabas ng home office room niya at nang makita niya ang isa sa mga katulong ay inutusan niya itong papuntahin si Kerai sa Home office room niya upang doon kakausapin. Maaga pa naman at di pa siya male-late sa office niya sa kanilang sariling kompanya.
Kinabahan naman si Kerai nang ipatawag siya ni Sir Jake sa isa sa mga katulong.
" Kerai, baka nakita ni Sir Jake sa Cctv niya ang pagkabasag ng mamahaling Vase! madalas kasi kapag umaga ay nagpupunta si Sir Jake sa kanyang room office dito sa mansion at may gagawin ito, pagkatapos ay sumisilip na rin ito sa kanyang CCTV.!" Ani Bebe sa kanya.
Napakagat-labing napa sign of cross nalang si Kerai sa kanyang sarili na kinabahan ng sobra.
"Patay ako nito, paano nalang ako makakauwi? paano ako magkasahod eh, unang araw palang ay palpak na agad ako! baka ikakaltas sa sahod ko ang mamahaling Vase na 'yan." Aniyang lumakas pa ang kanyang kaba sa dibdib.
" Sige na, puntahan mo na si Sir Jake, halika, ituturo ko nalang sa'yo kung saan ang office room niya dito. Nandito lang sa First floor." Sabi ni Bebe sa kanya.
Muli siyang napakamot sa kanyang ulo dahil sa kanyang katangahan. Palpak na naman siya!
Sinamahan nga siya ni Bebe papuntang room office ni Sir Jake at nang maituro nito sa kanya na iyon ang room office ay bumalik na agad ito sa trabaho na naiwan nila. Senenyasan pa siya ni Bebe na kakatukin na niya ang room upang papasukin agad siya ni Sir Jake bago ito tuloyang tumalikod.
Nang maiwan na siya ay nangangatal pa ang kanyang mga kamay na kinatok ang pintong iyon.
" Come in! hurry up!" Anang tinig ni Sir Jake na mula sa loob ng room na iyon.