Madali naman niyang ibinaling muli ang kanyang mga mata sa pagmamasid sa karagatan habang tumatakbo ang yate. Ngayon lang yata siya nakadama ng lakas na kaba sa tuwing makikita niya si Sir Jake. Bukod sa nahihiya Siya nito dahil sa nakita niyang harapan nito ay parang nakakadala at nakakamagneto din ang mga tingin nito. Moreno ito at makisig na masasabi mong perfect ang pagiging lalaki dahil sa karisma at pagkaguwapo nito. Kaya siguro pumayag lang ang nagngangalang Grace na secretary nito na gagawing parausan lang nito dahil para lang siguro makatikim ito ng ganoon kaguwapong lalaki. Naramdaman niyang nasa kabilang side niya si Sir Jake at nagmamasid nga ito sa magandang tanawin ng karagatan habang ito'y naghihitit ng sigarilyo. Smoker din pala ito. Pinili din niyang hindi rin magsalita na nagkukunyaring naka focus at nanonood din sa karagatang iyon. Para namang muling nakadama siya ng kahungkagan nang makitang mas lalong papalayo ng papalayo na talaga siya kanilang Isla.
"What are you thinking about now? Are you sad because this yacht is going away?" Biglang nagsasalitang tanong nito sa kanya.
Kahit lumaki siya sa Isla pero nakapag-aral naman siya at graduate high school naman siya kaya nakakaintindi siya ng English. Napakamot pa siya sa ulo bago lumingon dito at sumagot. Ang totoo'y ayaw niyang makipag-usap kay Sir Jake dahil kinakabahan siya lalo na nang makita niya rito ang di dapat niyang makita.
"O-opo, Sir. Pero wala po akong m-magagawa." Maiksing sagot niya rito.
Hindi naman ito tumitingin sa kanya at patuloy lang itong nagmamasid sa karagatan habang humitit ng sigarilyo nito.
"Kung ganoon, ayusin mo lang ang trabaho mo sa loob ng isang buwan, and I'll make sure you get home. I'll pay for your transportation." Sabi pa nito sa kanya.
"O-opo, Sir. Gagawin ko po yan." Sagot din niya rito.
At dahil naiilang siya rito na kausap ito ay nagpasya na siyang aalis roon.
"M-mauna na po ako sa'yo, Sir." Paalam niya rito na patay-malisyang tumalikod na agad rito.
Ewan ba niya kung bakit sobrang lakas ng t***k ng kanyang puso na di niya maiintindihan habang kausap niya ito. Tatalikod na sana siya sabay napasabunot sa kanyang buhok para kumalma ang kanyang naramdaman. Ngunit napatda ang paghakbang niya nang muli itong magsalita.
"Bakit, saan ka pupunta?" Anang tinig nitong tanong sa kanya na nakatingin na sa kanya.
Napakagat ang labi niya na muling lumingon rito, habang hindi parin niya nakuha ang kanyang kamay na sumabunot sa kanyang buhok sa ibabaw ng noo niya. Mas lalong lumakas ang kanyang kaba nang makitang bahagya itong nakangiti nang tumingin sa kanya. Ngunit kahit nakangiti ito ay naroon parin ang kapormalan sa mukha nito habang nakatingin sa kanya.
" Ahh ehh, ano po kasi Sir eh, takot po ako sa'yo." Biglang sambit niya.
Napatakip pa siya sa kanyang bibig nang hindi niya masadyang maisambit niya iyon. Muling nagsalubong ang kilay nito sa kanyang sinabi.
" What?? takot ka sa akin, bakit?" Mas lalong nangunot ang noo nito.
" Ayy ano po, I mean, takot akong makipag-usap sa inyo ng matagal Sir, dahil sa.. sa.. sa English niyo po! yun nga, sa English niyo. Baka di ko na po kayo maiintindihan sa next na English niyo." Aniyang nakagat ang labi habang muling napakamot sa ulo.
"Okay, you can leave now." Parang nainis na namang wika nito sa kanya.
" Okay po, Sir.. bye po." Wika pa niya na tumalikod na agad at di na talaga siya lumingon pa rito.
Nakahinga pa siya nang maluwag nang makapasok siya sa day cabin nila ni Manang Tisay.
"Mabuti't nandito ka, Kerai. Wala kang mga damit diba?" Tanong nito sa kanya.
" Opo, isa nga iyan sa problema ko eh. Isa lang din itong panty ko." Nalungkot na tugon niya kay Manang Tisay.
"Huwag kang mag-alala may mga damit ako doon na hindi naman pang matanda. Pipiliin ko lang iyon at ibigay sa'yo. At may bago din akong set na panty na kabibili ko lang, di ko pa iyon nagagamit, sa'yo nalang din iyon." Sabi ni Manang Tisay.
" Maraming salamat po, Manang Tisay. Nagpasalamat ako na mga mabubuting tao lang kayo pati na si Sir Jake na nakatulong sa akin." Wika niya rito.
"Mabait lang talaga si Sir Jake, Kerai. Kaya huwag kang magbibigay sakit sa ulo niya." Sabi pa nito na pinaalalahanan pa siya.
" Si Manang naman po, parang tingin niyo sa akin ay sobrang pasaway. Hindi naman ako pasaway, Manang." Nakangusong tugon niya rito.
Napangiti naman ito.
"Oo nga naman, hindi ka naman pasaway, nakarating ka nga sa Master cabin at doon nag Cr." Sabi pa nito na ipinaalala ang pagkakamali niya.
" Promise po, hindi ko po iyon sinasadya." Aniya rito.
" Alam ko, pero hindi ka nag-iingat kaya pasaway na rin yun, Kerai. Akalain mo, nakita mo tuloy ang t*ti ni Sir Jake. Buti nga nakakatulog ka pa nang makita mo yun, hay naku sa'yo." Natatawang sabi nito na sabay napapailing.
"Kaya nga po eh, nakakahiya na kung makaharap ko siya." Sabi na rin niya kay Manang Tisay.
"Magpahinga muna tayo habang naglalakbay pa itong yate, mga 8 hours cguro tayo bago makarating, hindi na daw ako magluluto sabi ni Sir, marami pa namang adobo at may mga de latas din at dinami ko na rin pag saing ang kanin." Wika ni Manang Tisay.
" Manang, marami po ba kayobg katulong sa Bahay ni Sir Jake? malaki ba ang bahay ni Sir?" Naisipang tanong niya rito.
"Oo, apat kaming katulong at pang Lima ka, tama ka, malaki ang bahay ni Sir Jake, isang maimpluwensiyadong pamilya ang mga Mondaragon, Kerai, at mga billionaires. Kaya lang, wala ngayon ang mga magulang ni Sir Jake , nasa Canada ang mga ito ngayon, nagbabakasyon. Nasa Canada kasi ang babaeng Kapatid ni Sir Jake nanirahan." Sabi ni Manang Tisay.
" Hala, isa pang billionaire si Sir Jake?" Mangha pa niyang tanong.
" Oo, isa siyang Bilyonaryo at nagmamay-ari sa malaking kompanya sa Metro Maynila." Sagot naman ni Manang Tisay.
Kaya mas lalo siyang nasorpresa sa sinabi ni Manang Tisay. Mas lalo tuloy siyang nahihiya kay Sir Jake. Nailigtas pa siya ng tulad nito, napaka swerte niya, dahil sa dami ng taong pweding magligtas sa kanya ay ito talaga ang nagkataong nakaligtas sa kanya na bukod sa binata, sobrang guwapo ay bilyonaryo pa pala!
____
Mga alas kuwatro dumaong ang yate sa baybayin ng Marina at ginising pa ni Aling Tisay si Kerai dahil siya'y nakatulog sa gitna ng paglalakbay ng Yate pauwi.
" kerai, nandito na tayo." Paggising sa kanya ni Manang Tisay.
Mabilis naman siyang nagising at bumangon agad.
" Nandito na pala tayo, Manang." Aniyang napakurap-kurap ang mga mata at inayos agad ang nagulong buhok sa kanyang daliri.
" Oo, nandito na tayo. Halika, lalabas na tayo upang tulongan mo ako sa mga gamit magdala pababa ng yateng ito." Sabi ni Manang Tisay.
" O-okay po, Manang." Tugon naman niya rito.
Paglabas nila ay nakita din nila na kalalabas lang rin nina Sir Jake at ng Secretary nitong si Grace mula sa loob ng Master cabin. Bitbit na rin ng babae ang bag nito.
"Sinulit mo talaga ang pagsasama natin sa karagatan, Sir. At hindi ko pinagsisihan ang lahat dahil alam kong napasaya talaga kita. Dahil diyan na napapasaya kita ay kinilig na rin ako." Malapad ang ngiting wika pa ni Grace kay Sir Jake na parang wala itong pakialam na marinig nila ang sinabi nito.
Napatingin si Kerai kay Manang Tisay. Simpleng ngumiti lang sa kanya ang may edad na katulong. Napakabastos naman ng Secretary'ng ito. Parang proud pa itong marinig nila na ilang ulit itong pinarausan ni Sir Jake sa loob ng Master cabin. Pero alam naman ni Kerai na iba talaga ang mga babaeng nasa siyudad kaysa probinsya lalo na sa Isla nila. Wala nalang halaga sa mga ito ang tinatawag na Virginity.
"Sige na, Aling Tisay, bumaba na kayo ni Kerai sa yate." Utos pa ni Sir Jake sa kanila.
Nasulyapan pa niyang nakataas pa ang kilay ni Miss Grace na nakatingin sa kanya, ngunit hindi na niya iyon pinansin. Nang humakbang na at kumilos si Manang Tisay papunta sa malaking pintuan ng Yate kung saan sila lalabas ay mabilis naman siyang sumunod agad rito, bitbit niya ang mga gamit na dala ng mga ito na sinsidlan ng mga baon. Naramdaman niyang nakasunod na rin sa kanila si Sir Jake at ang Secretary nito. Paglabas nila sa yate ay tanaw agad ni Kerai ang magandang tanawin ng baybayin ng Marina at maraming mga malalaking sasakyang pandagat ang nakaimbak roon, Merong mga maliliit at medyo may kalakihan.
"Ang ganda dito, Manang Tisay." Sabi niya kay Manang Tisay.
Tumigil muna sila upang hihintayin ang kanilang among si Sir Jake dahil wala silang sasakyan. Kararating nga palang ng mga ito sa kanilang kinaroroonan ay agad dumating ang isang magarang kotse na sumundo sa kanila. Ang driver iyon ng mga Mondragon gamit ang magarang kotse ni Sir Jake. Kinontact na pala ni Sir Jake kanina pa ang driver ng mga ito upang magsundo sa kanila. Napahanga pa si Kerai sa ganda ng kotse na halatang mamahalin at brand new iyon. Binuksan agad ng driver ang kotse sa front seat at lumabas ito, sumakay naman agad si Sir Jake at ang Secretary nito sa front seat at ito na mismo ang magmaneho sa sasakyan nito. Nasa back seat naman siya at si Aling Tisay at ang driver ng mga Mondragon. Nagtaka pa ang mga tingin sa kanya ng may edad na ring driver nang makita siya nito, alam niyang nagtataka ito kung sino siya.
Biglang muli siyang nakaramdam ng lungkot nang maisipang malayo na talaga siya sa kanyang islang pinanggalingan at sa mga Nanay at tatay niya na nagmahal at umampon sa kanya. Pero sisikapin niyang maka contact agad sa kanilang Isla upang malaman ng mga ito na buhay siya.