CHAPTER 5

1636 Words
Ang ginawa niya'y tuloyang natulog nalang upang makalimutan din niya saglit ang pagkapahiya niya. Itulog nalang niya ang lahat para kinabukasan ay maging okay na siyang muli at malakas na talaga siya, mabuti nalang at galit lang si Sir Jake at hindi ito nakapagdesisyon na hindi siya patutuloyin sa bahay nito ngunit sabi nito ay pag ito daw mainis pa sa kanya ay hahayaan na Siya nito at di na patutuloyin pa. Siguro pag isang pagkakamali nalang niya'y mairita na talaga ito sa kanya at hahayaan na lang siya nito. Paano nalang siya, at saan nalang siya tutuloy. Nang maisip niya kung saan ba kaya silang lugar uuwi bukas ay biglang nagmulat ang kanyang mga mata, tiningnan niya si Manang Tisay na kahihiga lang din s kanyang tabi. " Manang, saan palang Lugar uuwi itong yate na ito? taga saan pala si Sir Jake, ang amo niyo?" Tanong ni Kerai sa may edad na katulong. Napabaling naman ito sa kanya. "Nakalimutan ko palang sasabihin sa'yo, malayo ang uuwian ng yateng ito, ineng. Sa Binondo Maynila tayo uuwi bukas, dahil taga roon si Sir Jake. Malayo ang nalakbay ng yateng ito, at baka sinadya din ng pagkakataon na gusto ni Sir Jake dito upang matulongan ka rin, kung hindi kami nakarating dito ay tiyak na wala kana sana ngayon, ma swerte ka nga dahil di ka kinain ng pating at hindi ka nalunod." Mahabang sabi nito sa kanya. " Tama po kayo Manang, ang bait ng nasa itaas gumawa siya ng way kung paano ako mabuhay pa, buti nalang din ay marunong akong lumangoy. At upang di ako mapapagod at tuloyang mawalan ng lakas ay nagpalutang-lutang nalang ako sa tubig, hinayaan ko nalang kung saan ako dadalhin ng mga alon.." Tugon naman niya rito. " Oo nga, sadyang mapalad ka pa at pinoprotektahan ka ng itaas, ginamit niya si Sir Jake para mailigtas ka. At kagabi naman ay inakwat ka rin ni Sir Jake at dinala dito sa day cabin, gumawa kami ng paraan upang muli kang magkamalay, marami kanang utang na loob kay Sir Jake, kaya iiwasan mong huwag siyang magalit, huwag kang magbigay sakit sa ulo niya dahil niligtas kana nga niya eh. Oh Sige na, matulog na tayo." Muling wika nito sa kanya. Ang dami namang sinasabi sa kanya ni Manang Tisay. Hindi nalang siya nagsalita at sumagot pa rito at ipinikit nalang din niyang muli ang kanyang mga mata. ___ Kinabukasan ay maaga na silang sabay bumangon at nagising ni Aling Tisay kaya tumulong na rin siya sa pagluluto para sa kanilang almusal bago uuwi sa Binondo. " Madali lang itong iluluto ko, dahil mag adobo lang ako, Kerai." Sabi pa nito sa kanya ng umagang iyon. "Wow, sarap ng adobo." Tugon pa niya rito. " Isa sa mga Favorite ni Sir Jake ang adobo." Wika nito. " Manang, ang lagkit ko na, nasaan yung damit ko noong binihisan niyo ako? gusto ko pong maligo at magbihis. Lalabhan ko agad itong damit ni Sir Jake para ibalik sa kanya." Wika niya rito. "Naku, nasa banyo ng mga tauhan, tingnan mo doon, nilabhan ko yun nang gabing nailigtas ka ni Sir Jake, baka tuyo na yun, maligo ka nalang, marami pang stock na tubig ang banyo. At huwag mo na ibalik yang damit ni Sir Jake, baka mapagalitan ka pa. Siguradong hindi na isusuot yan ni Sir Jake dahil na isuot mo na." Wika ni aling Tisay sa kanya. "Ang arti naman po, kahit mahirap lang ang pamilyang pinanggalingan ko at taga Isla lang po ako ay hindi naman po ako mabaho, dami nga nagkagusto sa akin sa Isla eh, pero hindi pa ako mahilig at hindi pa po ako pumapag-ibig." Aniya kay Aling Tisay. "Alam ko na Phsyco kita, mabait at matinong kang bata at talagang hindi ka naman mabaho, at may hitsura ka rin naman, kung hindi lang siguro nasunog ang kulay mo sa araw ay maganda ka. Pero alam mo naman ang mga mayayaman, unahan nalang natin ang mga iniisip nila upang di tayo masaktan, baka magalit pa si Sir naisauli mo yan. ." Sabi naman nito sa kanya. "Hingin ko nalang ito sa kanya, Manang." Nakangiting tugon niya. "Kung hindi ka nahihiya, idi hingin mo." Nakangiting sagot nito. "Mamaya na po ako maligo, tutulongan muna kita dito, Manang." Aniyang iniba na ang usapan. Sa totoo lang ay amoy asin na siya dahil hindi pa siya nakapagpaligo mula nang mailigtas siya kahapon sa tubig-dagat ni Sir Jake. Kaya dapat maligo na talaga siya. Matapos magluto nila ay iniwan na niya si Manang Tisay sa dining area upang maligo na siya sa isa sa banyo ng yateng iyon na para lang sa mga hindi amo. Si Manang Tisay nalang ang nagseserve sa mesa sa dining area. Itinuro ni Manang Tisay sa kanya kung saan ang banyo para sa kanila kaninang umaga kaya alam na niya ang kanyang pupuntahan. Kung maiisip niyang muli ang nangyari kagabi ay muli siyang nakadama ng hiya, at talagang nahihiya siyang muli sa pakikipagharap kay Sir Jake, dahil sa kanyang nakitang anacondas na ahas nito. Nahiya tuloy siya sa kanyang sarili na makakita ng ganoon ka laking @r! ng lalaki. "Kung ano ka tangkad si Sir Jake at kakisig na lalaki ay ganoon din ang kanyang ibaba." Mahinang wika pa niya. Muli siyang napatakip sa kanyang bibig sa kanyang naiusal sa sarili. Eyy, hindi na tuloy Virgin ang kanyang mga mata dahil sa kanyang nakita. Sa dami ng lalaki ay ang @r! pa talaga ng mayamang lalaking nagligtas sa kanya ngayon ang kanyang nakita, kay Sir Jake. Ganoon pala ang mukha ng- "Hay naku, Kerai, huwag kanang mag-iisip tungkol diyan." Saway na usal pa niyang muli sa kanyang sarili at tuloyan na siyang pumasok sa banyo upang maligo na. Sadyain niyang matapos maligo at magbihis ay tapos na rin mag almusal sina Sir Jake at ang impaktang secretary nito. Nakita naman niya ang kanyang damit na nakasampay roon sa loob at Tuyo na iyon nang kanyang dinama. Naligo na agad siya dahil kating -kati na talaga siya at sinadyang tinagalan talaga niya ang kanyang paliligo roon sa loob. Matapos siyang maligo ay nakita niyang may towel doon, mabango naman iyon nang inamoy niya kaya ginamit niya iyon pampunas sa kanyang buhok at katawan bago nagbihis sa kanyang damit. Paglabas niya ng banyo ay tinungo niya muna ang Day cabin na tinutulogan nila ni Aling Tisay at nagsuklay sa kanyang buhok. Ang daming split ends ng kanyang buhok at nagkukulay brown iyon at halatang galing talaga siya sa Isla. Kung may pagkakataon siya ay pagupitan nalang niya ang kanyang buhok hanggang balikat upang mawala ang kanyang brown at namumungang buhok. Matapos siyang magsuklay ay muli na siyang lumabas ng day cabin at nasubong niya si Manang Tisay na papunta na sana sa kanya. " Bakit ba ang tagal mo, Kerai? tapos na kaming kumain, at mamaya ay lalarga na itong yate pauwi ng Maynila." Wika sa kanya ni Manang Tisay. "Papunta na po ako doon, ako nalang po ang maghuhugas, Manang." Sagot naman niya rito. "Oh Sige, Kumain kana doon, tapos na sina Sir Jake at ang kanyang secretary mag-almusal at pati na rin ang tatlong tauhan, kumain kana, tinakpan ko lang ang pagkain doon sa mesa natin." Wika ni Manang Tisay. Nakahinga naman siya ng maluwag nang malaman na tapos ng kumain sina Sir Jake at ang Secretary nito, pati na ang tatlong tauhan sa yate, kaya siya nalang ang kakain doon. Pagdating niya doon ay umupo na agad siya at kumain. Masarap ang nakahain dahil adobong karne ng baboy iyon at pinarisan lang ng afritadang de latas ay okay na. Bigla niya tuloy naalala sa Isla nila na tuwing byernes ay may nagkakatay ng baboy roon dahil may sabong sa kanilang Isla tuwing byernes at maraming dumadayo roon na taga ibang Isla upang manabong. Pati nga tatay Bong niya ay manabong rin ito tuwing byernes. Bigla tuloy siyang nawalan ng gana nang maalala ang tatay Bong niya, sana ay buhay pa ito, sana ay nakaligtas din ito tulad niya ngayon sa nangyari sa kanila sa laot. Minsan kasi ay sumama siya sa pangingisda sa kanyang tatay sa laot. Niligpit nalang niya ang pinagkainan dahil nawala na siya ng gana, parang nakakasad din ang mag-isa nalang kumain kaya mas mabuti pang maghugas nalang siya ng mga pinggan. Nagmamadali siyang naghugas at naabutan naman siya ni Aling Tisay. Ito nalang ang naglagay sa tray ng mga hinugasan niyang pinggan. "Akala ko ba ay kumain ka pa, bakit ang dali mo namang nakahugas ng mga pinggan? teka, kumain kaba talaga?" Tanong pa ni Manang Tisay sa kanya. " Oo naman po, Manang." Sagot naman niya rito. " Bakit parang hindi ka kumain halos walang bawas ang itinira sa'yo." Sabi at Pangungusisa pa nito sa kanya. " Busog na po ako, Manang." Tanging tugon lang niya rito. " Naku." Sambit pa nito. Tumungo siya sa main deck at muling nagmamasid doon. Tinapunan lang siya ng tingin ni Manang Tisay nang siya'y nagmamasid sa karagatan. Pagkatapos naiayos ni Aling Tisay ang mga hinugasan niyang pinggan ay muli itong nagbalik sa day cabin. Naiwang muli sa main deck si Kerai. Di naman nagtagal ay parang umusad na ang yate, nagsimulang tumakbo na pala ito pauwi. Mas lalong nakadama ng kalungkutan si Kerai, mas lalong maging malayo na siya sa kanilang Isla at sa kanyang kinilalang mga magulang na umampon sa kanya. Bigla namang natigil ang kanyang pag-iisip nang may marinig siyang mga yabag sa kanyang likuran. Napalingon naman siya agad upang tingnan kung sino iyon. Si Sir Jake iyon! naninigarilyo ito habang papalapit sa kanyang kinaroroonan, siguro ay magmamasid din ito sa tanawin ng karagatan habang tumatakbo ang yate! nasaan ang secretary nitong kasama? Parang nahiya siyang muli nang magtama ang kanilang mga mata ni Sir Jake dahil naalala niya ang anacondas nito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD