Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib, paano na at anong sasabihin niya na nandito siya sa loob ng Cr sa Master cabin ng room ng mga ito? napatampal siya sa kanyang noo, napakatanga naman niya. Para tuloy siyang pinanginigan bigla, ano nalang ang gagawin niya? matatambay siya sa loob ng Cr na iyon! di na pala muli lalabas ang mga ito dahil tapos ng mag dinner silang lahat.
Natigilan siyang muli nang marinig ang mga mahinang tawa ng mga ito, at pagkuwa'y mahinang ungol ng babae, kusang namilog ang kanyang mga mata at muling napasilip sa mga ito. Namangha siya nang makitang naka bra at panty nalang ang babaeng masungit na secretary! at nakita niyang hinubad din ni Sir Jake ang suot nito hangga't sa naka brief nalang ito!
"Mga langit, tulongan niyo po ako, hindi ko sinasadya ito, hindi ko sinasadyang dito mapunta at mag Cr." Aniyang mas lalong nanginginig at iniwan sa pagsilip ang maliit na butas ng Cr. Ganito pala ang mga lalaking mayayaman?
Si Jake naman ay nagsimula na sanang haplusin niya ang katawan ng kanyang secretary ngunit tumigil muna siya saglit.
"Bakit ka tumigil, Sir?" Nakangiting tanong ni Grace sa kanya.
" Wait lang, gusto ko munang mag Cr. hintayin mo ako, Miss Grace." Ani Jake rito.
" Okay, Sir! hihintayin talaga kita!" Malandi ang boses na tugon ng kanyang Secretary sa kanya.
Habang si Kerai naman ay muling nanlaki ang mga mata nang marinig ang tinig ni Sir Jake na mag Cr. daw ito. At nasilip niyang humakbang na nga ito papunta sa Comfort na kanyang kinaroroonan! biglang nangangatal ang kanyang mga paa at hindi niya alam kung saan nanggaling ang kanyang pawis dahil bigla nalang iyong lumabas mula sa kanyang noo!
"Jusko, tulongan niyo po ako, tiyak na magagalit sa akin si Sir Jake. At baka di na ako patutuloyin sa bahay nito." Usal niyang pati mga kamay ay biglang nanlamig.
Napasiksik siya sa tabi ng Cr habang nangangatal ang kanyang mga tuhod. Napapikit pa siya nang bumukas na ang pinto ng Cr na kanyang kinalalagyan at muling umusal ng kunting panalangin. Di naman agad siya nakita nito dahil hindi ito napalingon sa sulok malapit sa tabi ng pintuan. At nang muling iminulat niya ang kanyang mga mata ay nasalubong ng kanyang paningin ang malaking kargada nito na inilabas mula sa loob ng brief nito at agad itong umihi!
" Tulong mga birhen!" Sigaw ng kanyang isipan na tinakpan agad ng kanyang dalawang palad ang kanyang mga mata dahil sa malaking ahas ni Sir Jake na kanyang nakita!
Dahil sa tindi ng tensyon na naramdaman ni Kerai at halos di siya makahinga sa sobrang kaba sa kanyang sitwasyon ay bigla nalang siyang nanghina at parang nawalan ng lakas kasunod ay bigla siyang nawalan ng malay at bumagsak sa sahig!
Sobrang nagulat si Jake nang may biglang bumagsak sa kanang sulok ng Comfort room na iyon at ganoon nalang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang makita ang babaeng taga isla na kanyang nailigtas! nasa loob ng Cr ito at bigla nalang nawalan ito ng malay! nagsalubong ang kanyang kilay at naningkit ang kanyang mga mata kung bakit nasa loob ng Comfort room ng master cabin niya ang babaeng taga Isla na kanyang iniligtas kagabi! Nagmamadali niyang tinapos ang kanyang pag-ihi at muling isinilid ang kargada sa kanyang brief at nakaramdam ng galit at inis habang madali niya itong tinulongan. Inakwat niya ito at nagmamadaling inilabas sa Cr.
" Sir!? anong nangyari!? bakit nasa loob ng Cr ang babaeng iyan!? at bakit nawalan siya ng malay?" Namangha at nanlaki rin ang mga matang tanong agad ni Grace.
"F*ck!! I don't know, Miss Grace!" Galit na tugon ni Jake at nagmamadaling dinala nito si Kerai sa Day cabin. Dahil malaking lalaki si Sir Jake ay walang kahirap-hirap naman nitong inakwat papuntang day cabin ang walang malay na dalagang taga Isla.
Nagmamadali namang nagbihis si Grace para susunod agad sa among si Jake.
Pagdating ni Sir Jake sa day cabin ay pinasandal agad niya si Kerai sa headboard ng kamang tinutulogan ng mga ito sa room na iyon. Naarlama naman si Aling Tisay sa nakitang nawalan ng malay si Kerai. Kaya pinaypayan naman agad ito ni Aling Tisay habang pinisil ni Sir Jake ang mga kamay at paa ni Kerai upang muli lang itong magkamalay!
" Help Manang, pisilin mo din sa isang kamay niya! para magkamalay siya!" Ani Sir Jake.
" Opo, Sir!" Tugon din ni Aling Tisay.
Sa isip ni Sir Jake, mula noon ay wala pa siyang karanasan na nakatulong sa isang babae, ito pa talaga ang unang pagkakataong nakasubok siyang tumulong at sa babaeng taga Isla pa ang kanyang natulongan ng ganito. At ngayon lang din siya nakasubok na maalarma din ng ganito!
Nagmamadali namang pinisil din ni aling Tisay ang isang kamay ni Kerai. At ganoon din si Sir Jake, dala nalang din sa pagkainis nito ay pinisil nito ng malakas ang kamay ng dalagang taga isla.
" Array!!" Biglang hiyaw ni Kerai sa sakit at nagmulat siya ng mga mata.
Parang nawala agad ang kaba ni Jake nang muling nagkamalay ang babaeng taga Isla. Ngunit namutla ito nang makita ang kanyang mukha na para bang takot ito sa kanya.
"Hindi ko po sinasadya, Sir Jake! sorry po!" Ani Kerai na muling tinakpan ang kanyang mga mata sa kanyang dalawang mga palad dahil magkahalo ang kanyang nararamdaman ng mga sandaling iyon.
Natakot siya baka mapagalitan siya nito kung bakit nakatayong siya sa may comfort room nito sa loob ng master cabin nito at di na siya patutuloyin sa bahay ng mga ito. Pangalawa, hiyang-hiya din siya sa nakita niyang malaking ahas sa loob ng brief ni Sir Jake. Sobrang nakakahiya iyon, sa buong buhay niya ay ngayon lang siya nakakita ng t**i ng lalaki maliban sa t**i ng mga bata . At t**i pa iyon ni Sir Jake! Conservative pa naman siya sa mga ganyang bagay dahil iba kasi sa kanilang Isla. Hindi basta-basta nakakakita ng mga t**i o kipay ang mga babae at lalaki doon kung hindi muna maikasal, at mas lalong hindi din hinahalikan ang mga dalaga doon kung wala munang kasal, hindi naman sa ala Maria Clara ang mga kadalagahan doon tulad niya kundi takot lang talaga ang bawat mga binata doon na gagawa ng hindi maganda sa mga babae sapagkat uso ang barang sa kanilang Isla, may bantog na mambabarang na kilala sa buong Isla nila ngunit hindi naman taga Isla nila. Kaya ingat talaga at respeto ang ginagawa ng mga lalaki doon sa mga babae.
Kunot-noong tinitigan siya ng mariin ni Sir Jake. Halatang galit talaga ito sa kanya.
"Bakit ka nakarating sa loob ng comfort room sa Master cabin ko? anong ginagawa mo doon? bakit pumasok ka sa Master cabin at doon ka nag Cr? now explain it to me.." Matigas ang katagang bigkas na tanong ni Sir Jake sa kanya.
" Ano!? sa comfort room ka ng master cabin ni Sir Jake nag Cr, Kerai?" Tanong naman ni Aling Tisay na nanlaki ang mga mata.
" Hindi ko po alam, Manang Tisay, at Sir, na yun pala ang master cabin niyo, hindi ko kasi natandaan ang Comfort na dinalhan sa akin ni Manang Tisay kagabi eh, di ko naman kasi alam na yun pala ang room niyo." Aniya sa mga ito na muling nanginig dahil takot siya kay Sir Jake nang makita niyang galit ang mukha nitong nakatingin sa kanya.
"Then, bakit ka biglang nahimatay doon sa loob? ano bang nangyayari sa'yo? alam mo bang pwede lang kitang pabayaan sa nangyari sa'yo kanina? dahil sa inis at galit ko sa'yo? at bakit ka nahimatay? anong dinaramdam mo, ha?" Muling wikang tanong ni Sir Jake sa kanya.
"Nahimatay po ako sa takot at kaba ko Sir at pag-alala kung paano ako makalabas doon. Sorry po talaga Sir, mas lalo rin akong kinabahan nang makita ko ang ano niyo nang umihi po kayo, huhu, jusko sorry po.." Aniyang nanginginig na sabihin iyon.
Nanlaki kapwa ang mga mata nina Sir Jake at aling Tisay sa kanyang sinabi. Ngunit huli na nang maisip niyang hindi na niya pala dapat sabihin iyon pero nasabi na niya! napapailing nalang si aling Tisay sa narinig nito mula sa kanya.
At samantalang si Sir Jake ay parang sumakit na naman ang ulo nito na napahawak sa noo dahil sa narinig nito mula sa kanya.
"Hindi ako natutuwa sa nangyari ngayon, naiintindihan mo? next time ay huwag kang tatanga-tanga upang di ka magkakamali, baka pag ako'y maiinis sa'yo ay hahayaan na kita at di kita patutuloyin pag-uwi namin." Mariing bigkas ulit ni Sir Jake bago ito tumalikod.
Naka brief lang ito dahil hindi na ito nakapagbihis nang minadali siya nitong tulongan kanina. Sobrang nahihiya si Kerai sa nangyari at pati kay aling Tisay ay nahihiya din siya at di makatingin.
"Hay naku Kerai, bakit hindi ka nag-iingat?" Ani Aling Tisay sa kanya.
" Sorry po talaga, hindi ko kasi natatandaan ang comfort room kung saan mo ako pinaihi kagabi, Manang. At ihing-ihi na talaga ako kanina." Aniyang humiga dahil medyo nahihilo parin siya at nanghina.
"Masama parin ba pakiramdam mo?" Tanong nito sa kanya.
" O-opo, pero itulog ko lang ito ay okay na po ito, Manang." Sagot niya rito.
" Oh, sige matulog kana, bukas ng umaga ay uuwi na kami or tayo, sabi ni Sir Jake sa akin kanina ay ituturo ko sa'yo bukas kung ano ang mga dapat mong gagawin pagdating natin." Wika nito.
"Nahihiya po talaga ako, Manang. Parang wala na akong mukhang maiharap kay Sir Jake dahil nakita ko kasi ang ahas niya." Napakagat-labing sabi niya kay Aling Tisay.
"Jusmio. Ewan ko sa'yo, dapat sa susunod mag-iingat ka, hay naku." Wika pa nito na muling napailing.