CHAPTER 3

1706 Words
Nanlumo muli si Kerai, nagbabaka-sakali lang naman siya na makauwi agad sa kanilang Isla. Saglit nalang niyang muling tiningnan ang guwapong lalaking nagligtas sa kanya na nagngangalang 'Jake'. Nakita niya sa mga mata nitong nagalit ito sa kanya habang tinitigan siya nito. " Sorry po, Sir. Sige po, dito lang po muna ako, magmamasid, hindi na po ako mag-iingay." Aniya rito na parang muling nahiya. Nakadama tuloy siya ng takot at baka pag-uwi bukas ay di siya patutuloyin nito pansamantala sa bahay nito. Lagot na kung saan nalang siya pupunta. "Okay, ayoko nang nag-iingay dito sa yate ko, hindi ako sanay sa mga maiingay. Naiintindihan mo ba?" Wika nito sa kanya. Mas pinili nalang niyang huwag nang sumagot rito at pinigilan nalang niya ang sarili, dahil baka kung sasagot pa siya ay mas mainis na talaga ito sa kanya at di siya patutuloyin nito. Patalikod na sana ito nang maalala niyang tanungin ito kung pwedi ba siyang makituloy muna sa bahay nito kung uuwi na ang mga ito. " Teka lang po, Sir." Wika niya rito. Napatigil naman ito sa paghakbang at muling seryosong tumingin sa kanya. " Bakit?" Walang emosyong tanong nito sa kanya. "Ahh eh, k-kung uuwi na po kayo sa lugar niyo, isasama niyo po ba ako at patutuloyin sa bahay niyo?" Di nahiyang tanong niya rito. Muli itong bumalik sa paghakbang papunta sa kanya. " Kumpleto na kami sa katulong, pero dahil nangangailangan ka ay wala akong choice, kundi ang iuwi ka nalang sa pamamahay ko. At isang buwan ka lang doon, bibigyan kita ng pamasahe para makauwi pero magtrabaho ka ng isang buwan sa akin para makasahod ka ng isang buwan at pwedi mo na iyon gamitin na pamasahe mo pauwi sa lugar niyo." Mahabang wika ni Sir Jake sa kanya. " S-salamat po, Sir! siguro isa po kayong angel na hinulog ni Lord mula sa langit para matulongan po ako, kayo po siguro si Angelito Sir, yung angel na may mahiwagang panyo." Wikang sagot pa niya rito ngunit seryoso naman siya sa kanyang sinasabi. Napansin niyang medyo nag arko muli ang kilay nito dahil sa mga sinabi niya. " Pwedi ba, kung kausap mo ako, ayusin mo ang mga isasagot mo sa akin? don't you know me?" Wika nito sa kanya na parang naiinis na naman. " Opo, hindi naman po talaga kita kilala, Sir. Pasensya na po, normal lang po sa akin ang sinasabi ko eh." Tugon naman niya rito na muling kinabahan at lihim na kinurot ang kanyang sarili. Hindi naman kasi niya alam na masama na pala yung sinabi niya para dito. "Wait, totoo bang sinabi ni Aling Tisay na taga iloilo City ka? at ilang taon kana nga pala? you are childish." Mariing wika nito sa kanya. " Opo, taga iloilo City po ako, Sir. Isla Conception po ang tinitirhan ko. Twenty-one po yung edad ko, Sir. Sorry po kung childish ang tingin niyo sa akin." Sagot niya rito. Napapailing ito. "Puro ka nalang Sorry. Bumaba ka na agad dito at ipahinga mo muna ulit ang sarili mo para handa ka na sa mga gawain bukas pag-uwi natin." Wika pa nito sa kanya, at di na siya nakatugon rito nang muli na itong tumalikod na di man lang nagpapaalam sa kanya. Naiwan nalang siyang muling nakadama ng kalungkutan. Saan ba siya makahiram ng cellphone para ma contact niya sa social media ang kanyang mga magulang at kakilala sa islang pinanggalingan niya? matatagalan pa siya sa pag-uwi dahil magtatrabaho pa siya ng isang buwan bago siya makauwi sa kanilang Isla. Pero mas okay nalang na ganito kaysa hindi siya nailigtas ni Sir Jake. Ilang taon na kaya si Sir Jake? sa tantiya niya'y parang nasa Twenty nine or Thirty na ito. Matamlay siyang pumanaog mula sa Sun deck at muling tinungo nalang ang Main deck na una niyang pinuntahan kanina. Nasulyapan na naman niya ang dining area na may tatlong lalaking tauhan na kumakain. Wala na si aling Tisay roon. Muli niyang pinagmasdan ang malawak na karagatan. Hindi siya mapalagay hangga't hindi niya nalalaman ang tungkol sa kanyang tatay Bong, kung nakaligtas ba ito at nakauwi sa kanilang tirahan ngayon. Kahit hindi niya totoong mga magulang ang mga ito ay mahal na mahal niya ang nanay at tatay niyang umampon sa kanya. Mga ilang minuto din siyang nagmamasid sa karagatan. Nasaan na kaya ang babaeng masama ang ugali at si Sir Jake? saan kaya ngayon ang mga ito nagtambay? muli na siyang kumilos at humakbang papuntang day cabin na kanyang tinutulogan kagabi. Parang nakadama siya muli ng panghihina at gusto niyang muling magpahinga. Tama si Sir Jake na dapat relax muna siya dahil kagabi lang siya nailigtas nito. Habang siya'y nagtungo sa day cabin ay nasulyapan niyang nasa Lounge area na sina Sir Jake at ang babaeng secretary nito. Kanina nang dumaan siya ay wala pa ang mga ito roon. Narinig niya ang matinis na halakhak ng nagngangalang Grace habang kausap nito ang amo nitong si Sir Jake. Kapwa pa natigil at nakatingin ang mga ito sa kanya nang makitang dumaan siya. Napansin niyang biglang tumalim na naman ang tingin ng babaeng medyo may pagka pusa o koring kung tawagin sa kanilang lenggwahe ang hitsura nito. Kahit di siya tumingin sa mga ito ay nakita niya naman sa sulok ng kanyang mga mata na matalim ang mga tingin nito. Tuloyan na siyang pumasok uli sa day cabin at naabutan niyang naroon si Aling Tisay nagpapahinga muna dahil mamayang mga 10:00 am ay magsimula na muli itong magluto para sa kanilang tanghalian. "Oh, Kerai, magpahinga ka muna, dapat mong ipahinga ang katawan mo dahil hindi basta-basta yung pinagdaanan mo kahapon. Bakit ba ang iingay mo kanina? nainis tuloy si Sir Jake sa'yo at di napigilang puntahan ka." Salubong na wika nito sa kanya. " Pasensya na po, di na yun mauulit." Tugon naman agad niya rito. "Hay naku, alam mong bata ka, tandaan mo ito, kapag nasa pamamahay ka na ng mga Mondragon ay huwag mong dadalhin ang ugali mong mula sa Isla para di magagalit si Sir Jake sa'yo. Tulad kanina, nagsisigaw ka na parang feel mong nasa Isla ka parin, nandito ka sa yate ni Sir Jake, tandaan mo yan, Kerai." Mahabang sabi ni Aling Tisay sa kanya. "Ay ganoon po ba yun, Manang? mahilig pa naman akong magsisigaw. Mas okay pala doon sa Isla namin, libre kang magsigaw doon. Alam mo ba, Manang, maaga pa lang doon ay nagsisigawan na ang mga tao, Lalo na't dumating na ang mga mangingisda, nagsisigaw na at tumawag na ang mga mangingisda sa mga anak nila doon at asawa na dumating na sila para tulongan agad ang mga ito sa mga huling isda ng mga ito. At sasagot ding pasigaw ang mga Nanay o anak bilang pagtugon. Ako din minsan, tinatawag din ako ni tatay mula sa baybayin kaya maingay kami roon. Maiingay rin Nanay ko at Ang kapit-bahay namin, parang laging galit pero hindi naman galit, natural lang sa amin ang ganoon." Mahaba ding tugon niya. " Naku, ganoon ba?" Ani aling Tisay. " Opo." Aniya. "At 'yang bibig mo, huwag kang sumagot ng hindi maganda kahit masamà ang naririnig mo tulad kanina kay Miss Grace. Sumagot ka daw sa kanya kanina ng hindi maganda kaya galit na galit sa'yo ang secretary ni Sir Jake." Sabi pa ni Aling Tisay. "Edukada po siya diba? pero bakit hindi siya nagpapa respeto? hindi ko po nirerespeto kapag hindi nagpapa respeto, Manang. Kahit mababang uri lang ang pamumuhay na meron kami pero malilinti po siya sa akin." Aniya. Nanlaki naman ang mga mata nito sa kanyang sinabi. "Ano? Ineng, nangangailangan ka ng tulong hindi ba? kaya sa ngayon, magpakumbaba ka muna baka magalit si Sir Jake sa'yo. Kahit secretary lang yan ni Sir Jake, pero matatawag na ring babae 'yan ni Sir Jake." Ani aling Tisay. " Opo, naiintindihan ko po." Sabi nalang ni Kerai. " Oh Siya sige, pahinga ka muna diyan saka na tayo muling mag-usap." Wika nito sa kanya. Tumango nalang siya bilang pagtugon. ____ Mabilis lang lumipas ang mga Oras at hindi namalayan ni Kerai na gabi na. Mga alas sais palang ay nagdiner na sila at pagsapit ng alas siyete ay nakahiga na siya sa cabin na kanilang tinutulogan ni Manang Tisay. Nasa labas pa si Manang Tisay at naghugas pa ito ng pinggan, tutulongan sana niya ito ngunit hindi ito pumayag, pinalinisan nalang nito sa kanya ang kanilang tulogan kaya sinunod din niya ito. Hangga't bigla nalang siyang nakaramdam na maiihi na talaga siya. Lumabas siya ng cabin nila ni Aling Tisay upang mag Cr. Kagabi ay sinamahan pa siya ni Manang Tisay kung saan ang Cr, ngunit di naman niya natatandaan kung saan iyon banda dahil lango pa ang ulo niya kagabi sa nangyari sa kanya. Nagmamadali na siyang kumilos at hinanap ang Cr ng Yateng iyon. Wala na siyang pakialam na pumasok sa isang kuwarto, bumungad sa kanya ang malawak na kuwartong iyon at may malaki at malapad na kama. Maganda ang loob nito! nakita niyang may Cr sa kaliwang side nito kaya nagmamadali na siyang pumasok sa loob at isinara muli ang pinto. Parang nagkamali yata siya ng napapasukan ? mukhang hindi naman ito ang pinasukang Cr nila kagabi ni Aling Tisay. Ngunit wala na siyang pakialam at umihi na siya roon dahil ihing-ihi na talaga siya. Mula kaninang umaga ay ngayon lang siya nakaramdam na naiihi siya, may UTI pa naman siya. Pagkatapos niyang mangihi doon ay flush niya agad at muling na niyang hinatak paibabaw ang kanyang suot na short, namangha pa siya nang mapansing wala pala siyang suot na Panty! kaya pala parang walang sagabal sa kanyang pakiramdam sa kanyang ibaba, nalinti na, wala pala siyang suot na Panty! Palabas na sana siyang nang bigla nalang siyang matigilan nang may mga nagkakatuwaang pumasok bago lang sa loob ng malawak na kuwartong iyon! Sinilip niya kung sino ang mga ito at namilog ang kanyang mga mata nang makitang si Sir Jake iyon at ang Secretary nito! "Bilatibay! napaka boba ko talaga, ni hindi ako nag-iisip baka ito yung master cabin na room na tinutukoy ni Manang Tisay? na siyang kuwarto nina Sir Jake?" Napangiwing usal ni Kerai sa kanyang sarili. Naks, paano siya ngayon mula makakalabas sa Cr na ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD