ALA una na ng madaling-araw pero hindi pa rin makatulog si Marissa. Hinagod na lang niya ang balat sa braso upang mabawasan ang lamig na nararamdaman. Nasa labas pa rin kasi siya ng bahay at naghihintay sa pagdating ni Lance. Sinubukan niyang tawagan ito pero hindi naman sumasagot. She’s starting to get worried. Baka kung napano na ito. Sana naman ay walang nangyaring masama. Sisisihin niya ang sarili kapag napahamak si Lance. Ilang sandali pa siyang naghintay nang biglang may humintong kotse sa labas ng gate. It wasn’t their car. Kung hindi siya nagkakamali ay iyon ang parehong kotse na nagbaba kay Lance noon. Kung saan hinatid ito ng isang babae. Nang bumukas ang pinto ng kotse ay doon niya napagtantong tama siya. It was the same car dahil nakita niya muli

