TAHIMIK na nag-aagahan si Marissa kasama si Mama Betty pero wala sa pagkain ang kanyang atensyon. Muli kasing naglaro sa isipniyaangnangyari kagabi. Hindi pa sila nag-uusap ni Lance. Mukhang nasa kwarto pa ito at tulog. Bahagyang lumakas ang kabog sa kanyang dibdib. Hindi naman sa ‘di niya kayang maharap si Lance. Pero hindi mawala sa isip niya ang pag-aalinlangan. Lance is still Lance. And he does everything he wants. “Malalim yata ang iniisip mo, hija?” Napaangat siya ng tingin at sinalubong ang mga mata ni Mama Betty. Mukhang nag-aalala ito kaya naman ipinakita niya ang isang matamis na ngiti. “Wala po ito, Ma. Medyo napuyat lang nang konti.” “Hindi ka ba nakatulog?” “Ah, medyo lang po.” Dahil sa anak niyo. “Pero ayos lang po ako

