CHAPTER FOURTEEN

3032 Words

 SAMPUNG beses na mas malaki ang hardin na iyon ng daisies kaysa sa hardin sa mansyon ni Mama Betty. At ang buong hardin na iyon ay puno ng magaganda at sariwang daisies na sinu-supply sa iba’t ibang flower shops sa buong bansa.             “Matagal  na po ba ang farm na ito ng mga Santiago?” tanong niya kay Manang Petra.             “Ah, opo, Ma’am. Matagal na po. Bata pa lang po ako ay nandito na ang mga magulang ko at nagsisilbi na sa mga Santiago. Mabuti na lang at naalagaan nang mabuti ni Sir Alejandro ang negosyo at pinagpapatuloy naman ito ngayon ni Sir Lance. Naku, Ma’am, ang daming sinakripisyo ni Sir Lance para lang mapanatili at lumago pa ang negosyong ito ng pamilya nila.”             Kunot noo niyang sinulyapan ang ginang. “Ano hong sakripisyo?”             “Alam niyo nama

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD