CHAPTER FIFTEEN

1468 Words

“KUMUSTA ang pagbisita mo sa farm, Katrina?”             Hindi mapigilang mapalingon ni Marissa sa direksyon ni Lance. Nakataas ang labi nito habang hinihintay ang sagot niya sa tanong ni Mama Betty. Nasa hapag sila at kumakain ng hapunan. Pero pakiramdam ni Marissa ay mabubulunan siya sa hirap ng tanong ng ginang. Ang dalawang highlight kasi ng pagbisita niya sa farm ay parehong hindi kaaya-aya.             Ang kiss hindi kaaya-aya, Marissa?             “Katrina?”             Napaangat siya ng tingin kay Mama Betty. “H-ho?”             “May dinaramdam ka ba? Parang wala ka sa sarili mo?” Bakas ang pag-aalala sa mukha ng ginang.             “Kanina kasi Ma, may humalik sa kanya…” Nahigit niya ang hininga at pinandilatan si Lance. Ito kasi ang sumagot sa tanong na dapat ay sa kanya!

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD