MABIBIGAT ang paa ni Marissa habang bumababa ng hagdan. Hindi niya kasi alam kung paano haharapin si Lance. Naalala pa niya ang lahat ng nangyari kagabi sa kusina at kung paano siya b-in-lackmail para sundin niya ang mga sasabihin nito. Dapat ay makahanap siya ng paraan para mapigilan ang mga binabalak ng lalaki. Sigurado ka ba, Marissa? Kagabi lang ay ini-enjoy mo ang bawat halik ni Lance. She mentally slapped herself for thinking such. Hindi kailanman naging tama ang pangba-blackmail. Kahit pa gaano kagwapo ang gumawa niyon. But what else can she do? Nangyari na ang halik. Nasa kamay na nito ang larawan nilang dalawa. Dapat ay makahanap siya ng paraan para mabura iyon o hindi kaya ay mapigilan si Lance na gamitin iyon laban sa kanya.

