"New day, new me," wika niya sa kaniyang sarili at isinuot ang kanilang uniform. Susubukan niyang maging mabait. Susubukan niyang maging approachable at kunwari hindi na nasasaktan.
"Eighteen ka pa lang, CT. As if naman mauubusan ka ng lalaki. May mas guwapo pa kay, Dos. May Chris Evans, Brant Daugherty, Paulo Avelino," kausap niya sa kaniyang sarili. Napaupo siya sa upuan at tinitigan ang sarili sa salamin.
"Huwag kang paapekto self. May bago ka na namang crush eh. Si, Jair na lang sa 'yo. Huwag na ang paasang Dos na 'yon," dagdag pa niya at itinaas ang kilay.
Ngumisi siya at kinuha na niya ang bag niya t'saka lumabas na ng kuwarto. Bumaba siya sa mataas at mahabang staircase nila na ilang taon pa ay tutubuan na siya ng arthritis kaaakyat-panaog niya.
"Mom, pasok na ako. I love you," sigaw niya at lumabas na. Nginitian niya ang driver niya at pumasok na sa loob. Kinuha niya ang cellphone at napangiti nang mabasa ang good morning ni Jair. Pakiramdam niya ay para siyang kiti-kiti na bagong pisa.
Hindi niya iyon ni-reply-an para kunwari. Pero nang hindi niya matiis ni-reply-an niya ito ng emoji. Ibinalik na niya ang phone niya sa bag at nakatingin lamang sa labas. Ilang minuto pa at nakarating na sila sa university. First year college pa siya pero ang drama na niya.
"Enjoy yourself pretty, CT," she stated and smiled. Lumabas na siya at nakangiting pumasok na sa loob. Hindi na rin siya magtataka kung pinagtitinginan siya ng mga estudyante. Siguro dahil first time niyang pumasok na hindi late sa first period niya.
Naglalakad siya sa hallway nang makita niya si Thomas and friends. Kaagad na gumilid ang mga ito. Huminto siya sa harap ng apat at ngumisi showing her perfect white set of teeth.
"Good morning," bati niya sa apat at tinalikuran na. Naiwan naman ang apat na hindi makapaniwala. Pagdating niya sa upuan niya ay kinuha niya ulit ang kaniyang cellphone para i-off. Kahit may nagle-lecture sa harap niya kasi noon nagc-cellphone siya. See how disrespectful she was? Wala ni isang professor ang nagreklamo kasi prinsesa siya ng mga Slynch. Major shareholder ang ama niya sa private university na ito kaya walang nagkakamaling banggain siya. But of course sinisigurado niyang hindi iyon makakarating sa ama at ina niya dahil paniguradong makukurot siya nang pinong-pino ng Cindy love niya.
Alam niya kung paano magalit ang Mommy niya. Napasandig siya sa upuan niya at frustrated na napabuga ng hangin. Hindi niya lubos maisip ang mga pinangagawa niya sa buhay niya. Masiyadong maarte at suplada.
Napatingin siya sa gilid niya nang makita sa peripheral vision niyang may nakatitig.
"Bakit?" tanong niya rito.
"May dahon ang buhok mo," wika nito. Kaagad na nanlaki ang mata niya at napatayo. Ilang saglit pa ay natigilan siya at kinagat ang labi. Umupo siya ulit at ngumiti nang pagkatamis-tamis.
"K-kunin ko," wika ng babae. Kaagad na tumango naman siya. Parang hindi ito makapaniwalang tiningnan siya at kinuha iyon. Nagkibit balikat na lamang ang dalaga.
Hapon na naman at excited na naman siya sa training ng basketball team ng university nila. Nasa labas na rin si Jennifer. Paglabas niya ay bagot na bagot na ito.
"Bakit ang tagal mo?" yamot na tanong nito. Kaagad na napairap siya.
"Bawal masaktan ang paa ko kalalakad no. Huwag kang puro reklamo," sagot niya kay Jen .
"Ayan na magsisimula na ulit," saad nito. Napatingin naman siya sa court at kaagad na nanlaki ang mata nang makitang kinindatan siya ni Jair. Nagtinginan naman ang mga babae sa school nila sa gawi niya. She bit her inside cheek at tiningnan si Jennifer na kilig na kilig.
"Crush ka talaga ng kuya ko, CT!" ani nito. Ngumisi naman si CT at tinatago ang kilig. Napatingin siya sa gilid at nawala ang ngiti niya. Napayuko siya at huminga nang malalim. Natahimik naman sa gilid niya si Jen.
"Alam ko nasasaktan ka pa rin pero ganoon talaga. May mga tao talagang meant to be look at lang. Meant to be hangaan lang, alam mo 'yon? Iyong hindi magiging sa 'yo kasi may nagmamay-ari na," sambit ni Jen.
Ngumiti siya nang malungkot at napatango.
"Oo, alam ko naman 'yan," sagot niya.
"Okay ka lang?" tanong ni Jen. Tiningnan niya ito at kinunutan ng noo.
"Oo naman, ano ka ba?" ani niya.
"Ayan na, hawak nang kapatid mo ang bola. Nakaka-PT talaga ang galing," puri niya. Napailing lamang si Jen sa kaniya at napatingin na sa court. Galing mag senstapik.
"Nga pala may gagawin ka sa weekend?" tanong nito. Napailing si CT
"Hindi naman bakit?" Sagot niya.
"Birthday kasi ni Kuya, baka gusto mong pumunta?" wika ni Jen. Napaisip si CT at kaagad na tumango.
"Hindi ko alam kung saan ang sa inyo," saad niya.
"Susunduin kita sa terminal," nakangiting wika ni Jen.
"Okay, basta ilapit mo ako sa Kuya mo ha," kinikilig na ani ni CT. Napaikot naman ni Jen ang mata niya.
"Hindi kita ma-gets, CT. Ewan ko sa 'yo," sagot nito at napatingin na rin sa court.
Napalingon si CT sa kinaroroonan ni Dos at kaagad din namang inalis ang tingin.
Nang matapos ang laro ay nakangiting lumapit si Jair sa kanila.
"Magbihis ka nga muna, Kuya. Ang baho-baho mo," reklamo ni Jen.
"Hindi ah, ang bango nga niya eh," sabat ni CT. Kumunot ang noo ni Jen at pasimpleng napangiti sa kilig. Napakamot naman si Jair sa ulo niya.
"Nga pala, una na ako," wika ni CT.
"P-puwede ba kitang ihatid?" tanong ng binata. Nagulat naman si CT at napatingin kay Jen.
"Ihahatid din ako ni, Gio eh. Sige na una na ako bye," nagmamadaling ani ni Jennifer at tumakbo na papunta sa manliligaw nitong team mate lang din ng Kuya niya.
Naiwan naman silang dalawa ng binata at halatang nagkakahiyaan pa. Maging ang ibang estudyante ay naririnig niya ang bulong-bulungan.
"Punta lang ako sandali sa locker magbibihis lang ako kung okay lang?" ani ng binata. Nahihiyang tumango naman ang dalaga. Ang bango naman kasi ng binata kahit pawisan. Iyon yata ang klase ng bango na gustong-gusto niya.
"Okay lang," nakangiting wika niya. Naglakad na sila papunta sa locker room ng mga basketball player. Pagpasok nila ay halos nandoon din ang mga girlfriend ng ibang basketball player. Nginitian naman siya ng mga ito. Pansin niya ring wala si Rachel. Nagkibit balikat lamang siya at umupo. Napangiti siya nang makita ang gamit ni Jair sa tabi niya. Hindi niya alam kung bakit kinikilig siya.
Napatingin siya sa ibaba nang may pares ng sapatos na nakatayo sa harap niya. Tumingala siya at natigilan. Si Dos iyon at seryosong nakatingin sa kaniya at sa tabi niya. Nandoon ang bag nito. Kumalabog nang malakas ang dibdib niya at kinurot ang sariling kamay. Kailangan niyang kontrolin ang nararamdaman niya. Iniwas niya ang kaniyang tingin at umusog nang kaunti. Kinuha iyon ng binata at walang salitang umalis.
Napapikit siya at huminga nang malalim. Masaya siya't nakayanan niya.
"Let's go?" nakangiting tanong ni Jair na ngayon ay nakasuot na ng bagong jershey shorts at gray na t-shirt. Nakagat ng dalaga ang labi niya kasi naman. Sobrang ma-appeal ng binata. Ang tangkad pa. Hanggang dibdib lang yata siya nito.
"S-sige," sagot niya. Magkasabay na naglalakad sila palabas ng eskwelahan.
"Sumasakay ka ba ng motor?" tanong ng binata. Alanganing napailing ang dalaga. Buong buhay niya hanggang kotse lang talaga siya. Never niya pang nasubukan na sumakay ng motor.
"Magmo-motorcycle tayo?" kinakabahang tanong niya. Ngumiti ang binata at tumango. Nagpatuloy na sila sa paglalakad papunta sa parking area. Namangha ang dalaga nang makita ang itim nitong motor na mataas at halatang mamahalin.
"Regalo 'yan ng papa ko sa 'kin," wika ng binata. Napalunok ang dalaga at napatango. Inayos ng binata ang bag niya at kinuha ang helmet at ibinigay sa kaniya. Nanginginigang kamay ng dalaga at halatang kinakabahan.
"Don't be scared, you are safe with me. T'saka isang beses pa akong natumba rito," mahinahong wika ng binata. Napatingin ang dalaga rito at bigla ay parang may kung ano'ng kumudlit sa puso niya. Nagkatitigan silang dalawa. Kaagad na awkward na napangiti ang dalaga.
"Ha ha s-sige na, alam ko namang hindi mo ako pababayaan eh. S-sige, tara na," ani niya. Napangiti naman si Jair at sumakay na. Sunod naman ay ang dalaga. Nagdadalawang-isip pa siya kung hahawak siya sa beywang nito.
"Kumapit ka," wika ng binata sa kaniya. Tumango naman siya at nagsimula na itong magpatakbo. Nagulat ang dalaga at muntikan pa yata siyang madala. Mabilis na napayapos siya sa likod nito at napangiti. Ang bango-bango talaga ng binata.
"Snacks muna tayo," sambit ni Jair at huminto sila sa isang turo-turo. Bumaba na siya at hindi na tinanggal ang helmet. Umupo siya sa bakanteng bench at ang binata ay bumibili na ng pagkain. Pagbalik nito ay may dala ng pagkain. Maging siya ay natakam na rin sa pizza at siomai.
"Palagi ka ba rito?" tanong niya sa binata. Jair nodded his head.
"Nagugutom ako kapag may practice. Dito ako humihinto para kumain," sagot ng binata at kumagat ng pizza niya. Nakatitig lamang si CT sa kaniya at tumango.
"Masarap dito ah," komento ng dalaga at sumubo ng siomai. Uminom siya ng softdrink niya at napalingon kay Jair na nakatitig sa kaniya.
"Bakit?" kunot ang noong tanong ng dalaga at ngumiti. Umiling ang binata at napangiti na rin.
"Ang ganda mo," sagot nito. Natawa namn ang dalaga at hinampas ang balikat nito.
"Huwag ka nga baka maniwala ako niyan ha," natatawang saad niya at sumubo naman ng pizza.
"Totoo ang sinabi ko," giit ng binata.
"Sus, oo na. Guwapo ka rin naman," ani niya sa binata at nagtawanan silang dalawa.
Matapos nilang kumain ay napagkasunduan nilang umuwi na at alas sais na rin ng gabi. Makalipas ang ilang minuto at dumating na rin sila.
"Pasok ka sa loob," wika ng dalaga.
"Next time na lang at magagabi na rin eh," sambit ni Jair. Tumango naman ang dalaga at ibinigay ang helmet nito.
"Salamat sa paghatid ha," ani niya rito. Ilang oras lang ang pagsasama nila but she felt so happy. Iyong happiness na hindi pilit.
"Bukas ulit?" tanong ng binata. Napataas ang kilay ng dalaga. Mukhang sinsero ang binata sa sinasabi nito at itinodo pa.
"Talaga?" nakangiting tanong niya.
"Kung okay lang sa 'yo," nahihiyang wika ng binata. Mahinang tumango ang dalaga.
"Sige na uwi ka na at gabi na. Ingat ka, huwag magpatakbo nang mabilis," saad ni CT. Sumaludo ang binata na ikinangiti niya.
"Bye," ani nito at pinatakbo na ang motor nito. Naiwan naman ang dalaga na nakatingin sa motor nitong nakaalis na. She pursed her lips and smiled unknowingly. Pumasok na siya sa loob ng bahay nila at nakita ang ina niya na ibabang tingin.
"Nakita ko 'yon," wika nito. Kumunot naman ang noo niya.
" Si, Jair?" ani niya.
"So the name is, Jair?" nakangiting wika nito.
"In fairness guwapo ha at matangkad," komento ni Cindy.
"Is he your boyfriend?" dagdag nito. Kaagad na umiling ang dalaga at tinalikuran ang ina nito.
"Mommy, he's not my boyfriend," nakangiting sagot niya at umakyat na papunta sa kuwarto niya.
"I know that smile very well, CT," tukso ng ina niya sa kaniya. She rolled her eyes and entered her room. Nagbihis siya at pumunta sa terrace ng kuwarto niya at excited na tiningnan ang cellphone. May text ang binata. Nagpaalam lang na nakarating na ito. Umupo siya sa upuan at napatingin sa tahimik na gabi. Lumanghap siya at napapikit. Pagkabuka ng mata niya ay napatingin siya sa paligid at natigilan.
Si Dos ay nasa terrace rin ng kuwarto nito at may hawak na libro. Nakatitig lamang ang dalaga sa gawi nito at biglang sumikip ang dibdib niya. Mabilis na inilihis niya ang kaniyang tingin nang lumingon ito sa gawi niya. Ramdam niya ang pagtaas ng buhok niya sa batok. Napapikit siya at huminga nang malalim. Tumunog ang cellphone niya at may text ulit si Jair.
She breathed heavily and counted from ten and below.
"Ano ba?" reklamo niya sa sarili niya nang manlamig at nanginginig. Nilingon niya ulit ang terrace ng binata at wala na iyon doon. Huminga siya ulit nang malalim at napailing.
"CT, enough na," mahinang wika niya.
"Move on," dagdag pa niya.
Tbc
zerenette