Chapter 6

2229 Words
“Anak,” tawag ng ina niya sa kaniya. Huminga siya nang malalim at lumabas na ng kaniyang kuwarto. Cynthee saw her mother staring at her. “Bakit, Mom?” tanong niya rito. “Birthday ngayon ng, Daddy Magnus mo. Doon tayo magdi-dinner. Is it okay with you?” tanong ng ina niya. Alam kasi nitong nahihirapan siya na makita si Dos. She nodded her head. Cindy smiled at her daughter. “You’re a brave girl, my love. Sige na, magbihis ka na,” wika nito at tinapik ang balikat niya t’saka bumaba. “Ilang sandali pa ay nagbihis siya at nang matapos ay bumaba na. Sabay na pumunta sila sa kabilang bahay.Hindi niya alam kung bakit sobrang kinakabahan siya. She was calming herself. “Are you okay, baby?” tanong ng daddy Matthias niya. Tumango naman siya at ngumiti nang tipid. “Takot ‘yan kasi nandoon sa loob ang crush niya,” tudyo ng ina niya. Kung noon kinikilig siya ngayon ay hindi na masiyado. Kaagad na binati sila ng mga katulong nang makita sila. Pumasok na sila sa loob at dumeritso sa dining area ng pamilyang Vasiliev. Naitulos ang dalaga sa kaniyang kinatatayuan nang makita si Rachel na katabi ni Dos. Pakiramdam ng dalaga ay may kung ano‘ng bumara sa lalamunan niya at hindi siya makapagsalita. Halos hindi niya maihakbang ang mga paa sa sobrang bigat nang pakiramdam niya. Akala niya okay na siya. Akala niya tanggap na niya. Mas masakit pala na nakikita niya ang dalawa sa malapitan. Mas malapit at mas lalo niyang nakikita na hindi sila bagay na dalawa. “CT!” tawag ng mommy Manggi niya sa kaniya. T’saka lang siya natauhan at pilit na ngumiti nang tipid. Nakatingin lang din si Rachel sa kaniya. Si Dos naman ay busy sa cellphone nito. Nilapitan niya ang mga magulang ni Dos at nagmano. “Good evening and happy birthday, Daddy, Mommy,” bati niya sa mag-asawa. Nahihirapan siyang lumunok ng laway. Huminga siya nang malalim nang makaupo na at kinurot ang sarili. Iniiwasan niyang mapatingin sa dalawa. Grabeng torture itong ginagawa niya sa sarili niya. Ilang saglit pa ay nagsimula na silang kumain matapos ang pagkanta ng happy birthday. Madalas na napapainom ng tubig ang dalaga at iniiwasang mapatingin sa dalawang kaharap. Umabot din ng ilang minuto bago sila natapos kumain. Kanina pa niya hinihiling na sana ay matapos na. Tunog nang tunog ang cellphone niya kaya’t napatingin sa kaniya ang lahat. Alanganing napangiti siya at nag-excuse sandali para sagutin ang tawag. Lumabas siya ng bahay at pumunta sa lanai t’saka hinayaan ang luhang umeskapo sa mga mata niya. Sobrang sakit at sikip ng dibdib niya. Ipinikit niya ang kaniyang mata at bumuga ng hangin. Kailangan niyang pigilan ang sarili na maiyak. Magmumukha siyang kaawa-awa sa harap nila. Ayaw niya iyon dahil paniguradong malulungkot ang mga magulang niya. Nag-usap na sila ng ina niya. “CT?” tawag sa kaniya ng boses babae. Kilalang-kilala niya iyon. Hindi niya ito inimik o nilingon man lang. “P-puwede ba tayong mag-usap?” tanong nito. Tiningnan ito ni Cynthee nang deritso. Huminga siya nang malalim at umusog sa kinauupuan. Ilang sandali pa ay nakaupo na si Rachel sa tabi niya. “Patawarin mo ako, CT. Patawarin mo ako kung kailangan kong maglihim sa ‘yo. Natakot lang ako. Natatakot ako na baka masira ang pagkakaibigan natin. Patawarin mo ako kung hindi ko agad sinabi sa ‘yo,” mahinang wika ni Rachel. Halata sa boses nito na iiyak na. Hinarap ito ni CT at nginitian nang mapait. “Alam mo naman siguro kung bakit ako nagagalit sa ‘yo. Maliban sa pinagmukha mo akong tanga, pinaglihiman mo ako. Wala eh, Malaki ang tiwala ko sa ‘yo. Tinuring kita na kapatid ko pero hindi ko lubos maisip kung bakit ganoon ang nangyari. Kung sinabi mo siguro sa akin nang maaga siguro hindi ako nahihirapan ngayon. Siguro mas madali kong natanggap na ang taong hinahangad ko simula nang malaman ko kung paano magkagusto ay hinding-hindi na magiging akin,” she said. Her voice was almost cracking. Pinipigilan niya ang kaniyang sarili na huwag maiyak. “Sana hindi ako nasasaktan ngayon kasi pareho kayong mahalaga sa buhay ko. Sobrang sakit kasi nahihirapan akong tanggapin ang lahat. Pero sinusubukan ko naman,” ani niya at huminga nang malalim. “I’m sorry,” naiyak na wika ni Rachel. Hinawakan ni CT ang kamay nito at nginitian nang tipid. “Okay lang ako, alagaan mo si, Dos. Huwag mong hayaang masaktan siya at ikaw na saktan niya. Malalagpasan ko rin ‘to,” nakangiting wika niya. Tumayo siya at nagsalita. “Kalimutan na natin ang nangyari. Pero huwag mo sana akong sisihin kung bakit hindi ko na kayang ibalik kung ano’ng mayroon sa atin noon,” wika niya at naglakad na palabas. Nadaanan pa niya si Dos na seryosong nakatingin lang sa kaniya habang nakapamulsa. Huminto siya saglit at hinarap ito t’saka nginitian nang tipid. “Ingat ka,” saad CT at tuluyan nang lumabas. Pagkalabas ng dalaga sa bahay ay kaagad na napaupo siya sa gilid ng daan. Sapo ang bibig at hawak ang dibdib. Parang nilalakumos iyon sa sakit. “Bakit ang sakit?” mahinang saad niya. Ilang saglit pa ay may tumamang nakakasilaw na ilaw sa kaniya. Mabilis na tinakpan niya ang kaniyang mata. Huminto ito sa tabi niya t’saka niya lang napansin na motorsiklo iyon ni Jair. Napasinghot siya at mabilis na tumayo. “J-jair,” uutal-utal niyang sabi. “Hop in,” mahinang wika nito. Pinunasan niya ang mata niyang patuloy pa rin ang pagluha. “H-huh?” tanging sambit niya. Nakatingin lamang si Jair sa kaniya nang deritso. Mabilis na sumampa siya sa likod nito at nagtipa na rin upang magpaalam sa ina niya na umalis siya kasama ang binata. Ilang minutong pagmamaneho at huminto sila sa isang tahimik na lugar. Kaunti lang ang mga tao. Bumaba siya at hinawakan ng binata ang kamay niya at pinaupo sa ilalim ng malaking kahoy. Kitang-kita ang city lights sa ibaba. Hindi siya nagsasalita ganoon din ang binata. Matamang nagkatinginan lamang silang dalawa hanggang hindi na niya nakayanan ang sarili. Nagsihulugan na ang luha sa mga mata niya. Lalo siyang naiyak dahil sa nakikitang lungkot at simpatya sa mukha ni Jair. Kahit ano’ng punas niya ay hindi talaga iyon tumitigil sa pag-agos. Napahagulgol siya nang yakapin siya ni Jair. “IIyak mo lang,” mahinang saad nito. “Ang sakit-sakit, Jair. Bakit kailangang ganito ang mangyari? Akala ko kasi okay na eh. Akala ko okay na ako. Akala ko kaya ko na,” umiiyak niyang sambit. “Shh just let it out,” ani nito. Tumango naman siya at umiyak nang umiyak. Ilang oras ding pag-iyak niya bago siya nahimasmasan. “Sorry ha,” mahinang ani niya. Pareho na silang nakaupo ngayon at nakatingin sa baba. “Feeling better?” tanong ng binata. Mahinang tumango naman siya. “You really love him,” he stated. Huminga lamang nang malalim ang dalaga. “I wish I didn’t,” sagot niya at hinarap si Jair. Nakatingin lang naman ito sa kaniya. “Bakit ka ganiyan makatitig?’ tanong ni CT sa binata. Umiling lamang si Jair at napatingin sa langit. “Maybe he’s not really meant for you,” simpleng wika nito. “Alam ko naman eh. Hindi ako ang klase ng babaeng magugustuhan niya. Spoiled ako at masama ang ugali. Hindi na rin ako magtataka kung si, Rachel ang nagustuhan niya. Wala na rin akong magagawa kung ganoon. Nasaktan lang talaga ako kasi long time crush ko siya. Naka-set na sa utak ko na siya na talaga. Pero ang totoo ako lang talaga ang nag-iisip nang ganoon,” mahinang wika niya at natawa nang pagak. “Kaya kitang alagaan, huwag kang mag-alala basta ikaw nandito lang ako para sa ‘yo,” seryosong saad ng binata. Napakunot noo naman ang dalaga. “Ano’ng ibig mong sabihin?” tanong niya rito. “Alam kong nabibilisan ka at hindi ito ang tamang panahon na sabihin sa ‘yo. But I just want you to know that I will always be here for you. Hinding-hindi kita pababayaan,” nakangiting wika ni Jair. Napasinghot ang dalaga at napailing. “Ayaw kitang paasahin, Jair. Hindi ko nga alam kung makakapag-move on pa ba ako,” saad niya. “Kaya kitang hinatayin, CT. I will help you,” sagot ng binata. Nag-abot ang kilay ng dalaga at napailing. “Naaawa ka lang sa ‘kin,” wika niya at tumayo na. “Tara na, uwi na tayo. Gabing-gabi na,” ani niya at nauna nang pumunta sa motorsiklo ng binata. Nakatingin lamang si Jair sa kaniya at ngumiti nang tipid. Tumayo na rin ito at hinatid siya. Pagdating nila ay kaagad na nagpasalamat ang dalaga. “Ingat ka sa pag-uwi,” bilin niya kay Jair. Tumango naman ang binata at nginitian siya. Tumalikod na ang dalaga at pumasok na sa gate nila. “Cynthee Maeir!” tawag nito. Lumingon ang dalaga at tinaasan ito ng kilay. “Bakit?” ani niya. “Seryoso ako sa sinabi ko kanina. Pag-isipan mo, maghihintay ako,” wika nito at ngumiti nang matamis t’saka matuling pinatakbo ang motor niya. Napailing naman ang dalaga at pumasok na sa loob. Mabuti na lamang at hinayaan siya ng ina niya. Sigurado siyang naiintindihan nito ang nangyayari. Pumasok siya sa loob ng kuwarto niya at pumunta sa terasa upang makahinga nang malalim at makapag-isip. Napalingon siya sa gilid at napapikit. Rachel was there, nasa terrace ni Dos at saktong paglabas niya ay nakita niyang naghalikan ang dalawa. Mabilis na umatras siya at nagtago sa kurtina niya. Sobrang bilis ng kabog ng dibdib at tila mawawalan na siya ng hininga. Ni hindi niya napansin ang luhang walang tigil sa pag-aagos. Hindi niya alam kung ano ang dapat na maramdaman. Nakahawak lamang siya sa dibdib niya. Parang tinutusok siya nang paulit-ulit na tila’y kinukuhanan siya ng karapatang huminga. “Tama na please, tama na ang sakit-sakit na,” nahihirapan niyang saad at pinagsusuntok ang dibdib niya. “Tama na,” saad niya at napapikit. Humiga siya sa kama niya at hinayaan na lamang ang sariling masaktan nang todo. Ayaw man niyang maranasan ito subalit nangyari na. “Kailangan mong maintindihan na kailangan mong masaktan para may maging masaya. Kailangan mong tanggapin na may mga tao at bagay na hindi magiging sa ‘yo. At ang taong ‘yon ay si, Dos,” kausap niya sa kaniyang sarili. “Simula bukas siguradohin kong kakalimutan na kita, Dosein Niccolo Vasiliev,” sambit niya. Ipinikit niya ang kaniyang mata at hinayaang dalawin siya ng antok. ---------------------------------- “Bakit ang maga ng mata mo?” tanong ni Jen. Kasalukuyan silang kumakain sa cafeteria. “Dahil halos mamatay na ako katatawa kagabi siguro?” sagot niya nang pabalang. “Bakit? Ano’ng mayroon kagabi?” nakangiting tanong nito. Natigilan si CT at inirapan ito. “Bakit ka galit? Nagtatanong lang naman ako ah,” saad ni Jen. “Whatever,” ani niya sa kaibigan. “Alam mo si, Kuya pinagalitan ni, Mama kagabi. Gabi na kasi umalis pa,” sambit ni Jen. Natigil sa pagnguya ang dalaga at nanlaki ang mga mata. “T-talaga? Ano sabi niya?” usisa ni CT. “Ang sabi niya sinamahan niya raw ang future girlfriend niya,” sagot nito. “Ayun natuwa naman si, Mama. Alam mo kasi iyong mama ko gusto na magkaroon ng bagong babaeng miyembro sa bahay. Paano ba naman kasi kaming dalawa lang ang babae at graduating na si, Kuya pero wala pa ring nobya,” dagdag pa ni Jen. Lihim na napangiti naman ang dalaga. Mabuti na lang din at hindi pala napagalitan masiyado si Jair. “Alam mo ba kung saan ang room ng kuya mo?” tanong niya. Gulat na napatingin si Jen sa kaniya. “Seryoso?” tanong nito. Napairap naman siya. “Oo nga,” giit ni CT. Minsan naiisip niya kung hindi niya pa kayang kontrolin ang kamalditahan niya kanina niya pa ito nasapok. “Iyong room nila katabi ng mga AB-English course,” sagot ni Jen at kumikinang pa ang mga mata. Halatang kinikilig. “Siguro ikaw ang pinuntahan ni, Kuya kagabi no?” tanong nito. Napipilan si CT at napakurap-kurap. “Alis na ako,” mabilis niyang sambit at tinahak ang daan papunta sa room ni Jair. Hindi siya masiyadong pamilyar lalo na at freshman pa naman siya. Kahit sa kanila ang university wala naman siyang pakialam. Medyo naiilang siya dahil halos lahat ng mga estudyante ay nakatingin sa kaniya tuwing dadaan siya. Sino ba naman ang hindi makakakilala sa kaniya? Eh naging trending siya dahil sa confession niya kay Dos noon. Huminga siya nang malalim nang makita ang room ni Jair. Kasalukuyang nagkaklase pa. She pursed her lips and waited for him outside. Umupo siya sa labas ng room at minsan ay napapasilip sa loob. Nakatingin na rin ang ibang estudyante sa kaniya. Umusog pa siya kaunti para makita sa loob si Jair. Napangiti siya nang makita ang binata na nakahawak ang kamay sa mukha at tila gusto nang matulog. Halata sa mukha nito ang pagod. Nakonsensiya naman ang dalaga kasi alam niyang kasalanan niya iyon. Tbc zerenette
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD