Nakangiti lamang si CT habang nakatingin sa repleksiyon niya sa salamin. Suot ang princess styled pink ball gown niya ay kinikilig na napangiti siya.
"Ang ganda naman ng princess namin," ani ng Mommy Cindy niya na kapapasok lang. Nasa likod nito ang Daddy niya na naiiyak.
"Manang-mana ka talaga sa'kin, anak," nakangising saad ng ina niya.
"Siyempre," sagot niya at niyakap nan ngayon ang Daddy niya.
"Bakit ka naiiyak, Dad? Akala mo naman aalis ako. Magbi-birthday lang ako no," saad niy arito.
"Puwede ka na kasing mag-boy friend. Hindi sanay si, Daddy," ani ng Ama niya.
"Ang OA naman," sabat ng Ina niya. At nagsimula na naman ang bangayan ng mga magulang niya.
"Wlang kadiyotan mamaya," inis na saad ni Cindy at umalis na. Naiwan naman ang Daddy niya na busangot ang mukha.
"Sundan niyo na kasi," nakangiting ani niya. Napangiti naman ang Ama niya at lumabas na ng kuwarto niya.
Ilang sandali pa ay pormal nang sinimulan ang magarbong 18th birthday party niya. Nakita niya rin si Dos na napaka-guwapo sa suot nitong itim na tuxedo. May mga classmates din siyang inimbitahan para mahing parte ng 18 roses niya. Halos lahat ng Grade 12 at iilang teachers niya ay invited at iilang business partners ng parents niya sa negosyo.
"Please welcome our lovely debutant, Cynthee Maeir with her escort Dosein Niccolo," ani ng emcee. Nakapokus na ngayon ang spotlight sa kaniya. Ngumiti siya at bumaba t'saka tinanggap ang kamay ni Dos.kinikilig na isinukbit niya ang kamay niya sa braso nito.
"Happy birthday," tipid na saad nito. Kaagad na anpangiti ang dalaga. Simpleng bati lang nito ay masaya na siya.
"Thank you at pumayag kang maging escort ko," nakangiting ani ng dalaga. Huminto sila sa gitna at nagsimulang isayaw siya nito.
"I have no other choice. Pinilit ako ni, Mommy," malamig na sagot nito. Kaagad na napangiti siya. Napatingin siya sa gilid at tiningnan ang parents nila na nawiwiling nakatingin sa kanilang dalawa. Nakita niya rin si Rachelle na nakatingin sa kanila at ngumiti nang tipid. Nagpatuloy ang sayawan niya hanggang sa 18th roses niya na ang kaniyang Daddy.
Nang matapos ay inisa-isa niyang nilapitan ang bisita niya.
"Friend, okay ka lang ba riyan? Kain ka lang ha. Pasensiya ka na hindi kita maasikaso ngayon. Kakausapin ko muna ibang bisita ko. Babalik lang ako ha," ani niya sa kaibigan. Kaagad na tumango naman ito sa kaniya.
"Okay lang, ano ka ba? Nandito naman si, Bec at Nuth," sagot nito at tinutukoy ang dalawang kaibigan nito sa Math Club. Nginitian naman ni CT ang dalawa.
"Babalik ako kaagad ha," ani niya. Tumango lamang ang mga ito. Umalis na siya at in-entertain ang mga guests niya. Inabot din siya ng ilang oras. Hinahanap naman ngayon ng mga mata niya si Dos. Hindi niya makita ang binata.
Naglakad siya at nilapitan ang Mommy nito.
"Tita M, nasaan po si, Dos?" tanong niya rito.
"Happy birthday my, CT. Hindi ko alam, alam mo naman ang anak ko parang kabute iyon. Lalo na sa mga ganito. Ayaw na ayaw sa maraming tao," sagot nito. Nginitian niya ito at tumango.
"Sige, Tita ha-hunting-in ko muna ang anak niyo. Bubuntisin ko kapag nakita ko na," ani niya rito na ikinatawa ng Ginang.
Naglakad siya papasok dahil nakaramdam siya ng tawag ng kalikasan. Doon na siya dumaan sa back door dahil labas pasok sa harap ng bahay nila ang mga usherette na hinire ng parents niya.
"Kung sinisuwerte ka nga naman, CT," nakangiting ani niya. Nakita niya sa hindi kalayuan ang binata. Kaya pala wala ito sa loob. Papunta na siya roon nang makita rin si Rachelle kaagad na nawala ang ngiti sa labi niya. Mabilis na nagtago siya sa gilid ng pader at nakinig sa usapan ng dalawa. Nakatingin lamang siya sa dalawa. Labis-labis ang kabang nararamdaman niya.
"Dos, kailangan na nating sabihin kay, CT ang totoo," mahinang ani ni Rachelle.
"You don't have to," malumanay na saad ni Dos. Kaagad na napahawak si CT nang mahigpit sa dress niya.
"Pero nako-konsensiya na ako. She deserves to know. Alam mo namang gustong-gusto ka niya," giit pa ni Rachelle.
"Why are you so worried? So what if she will know that we're in a relationship? Don't make me feel obligated about her, Rachelle," matigas na saad ni Dos.
Napatakip sa bibig niya si CT at hinayaang ang luha na umagos. Hindi niya ini-expect na mangyayari 'to. Malalaman niya pa sa birthday niya.
"Mahal mo ba ako, Dos?" tanong ni Rachelle.
"Of course, I do," saad ng binata.
Nanginginig ang kamay ni CT habang nakatingin sa dalawa. Patuloy lamang ang pag-agos ng luha niya. Pakiramdam niya ay sinasaksak ang puso niya sa sakit. She felt betrayed.
"Halikan mo ako," utos ni Rachelle. Walang pag-aalinlangang hinapit siya ng binata at hinalikan.
Pakiramdam ni CT ay binagsakan siya ng langit. Halos hindi siya makagalaw. Lumabas siya sa pinagtataguan niya at hinayaang makita ng dalawa ang luha niyang ayaw tumigil sa kaaagos.
Kaagad na nanlaki ang mata ni Rachelle sa gulat nang makita siya. Dos was just staring at her blankly.
"C-CT," utal-utal na ani ni Rachelle.
Nilapitan niya ito at sinampal kaagad na napaiyak naman ito.
"Stop it," galit na ani ni Dos sa kaniya. Wala na siyang pakialam. Ang alam niya sobrang nasasaktan siya. Tinraydor siya ng kaibigan niya..
"Kailan pa?" tanong niya kay Rachelle.
"CT, I'm sorry," umiiyak na ani ni Rachelle.
"Masaya ba? Masaya bang paglaruan ako? Ginawa mo akong tanga, Rachelle. Hindi ako nasasaktan dahil may relasiyon kayo. Nasasaktan ako kasi akala ko kaibigan kita. Alam mong buong buhay ko gusto ko si, Dos. Masaya ka ba noong nire-reject ako ni, Dos? Ang saya mo siguro kasi palagi akong napapahiya. Habang namomroblema ako, umiiyak, ikaw naman natutuwa. Ang sama mo, tinuring kitang kapatid," umiiyak niyang saad.
"C-CT, balak ko naman sanang sabihin sa 'yo eh. Hindi ko lang alam kung paano," umiiyak na saad nito. Nakahawak lamang si Dos kay Rachelle. Napatingin si CT sa magkahinang kamay ng dalawa.
"Pero hindi mo ginawa. Ginawa mo akong tanga, Rachelle. Thank you sa birthday gift mo ha. Ang saya ko. Sa sobrang saya ko gusto ko na lang mawala. Sana naging masaya ka, kayong dalawa," umiiyak na saad niya at dinaanan na ang mga ito.
"CT," umiiyak na saad ni Rachelle at hinawakan ang kamay ng kaibigan. Mabilis na hinila ni CT ang kamay niya at sinamaan ito.
"Wala akong kaibigang traydor. From now on, friendship over na tayo. Ayaw ko na sa 'yo," matigas niyang saad at tiningnan din si Dos. Mabilis na tumalikod siya at lakad takbo papasok sa loob ng bahay nila.
"CT!" tawag ni Rachelle.
"Let her be," ani ni Dos.
Tbc
zerenette