Chapter 3

2105 Words
"Hi CT, nabalitaan namin ang nangyari sa 'yo ah. Nangangaibigan ka pala ng ahas," saad ni Thomas at tumawa. Kasama nito ang mga alipores niyang dalawang babae at isa ring baklang si Pablo. Nagngalit naman ang ngipin niya sa sinabi nito. "Oo nga, ilang beses ka na kasing sinabihan naming huwag kang magtiwala sa kaniya," dagdag ni Criselda. Huminga nang malalim si CT at pinaningkitan ito ng mga mata. "Simula ngayon, wala na kayong free wifi na apat mula sa school na 'to. I didn't need your stupid advices. Parehas lang din naman kayo. Mga hampaslupang opportunistic bitches," malditang wika niya at inirapan ang apat. "Kaya ka walang kaibigan kasi, maldita ka!" singhal ni Michelle sa kaniya. Natigilan ang dalaga sa paglalakad at binalikan ito. Pinaghahampas na rin si Michelle ng mga kaibigan niya. Takot na nagtago naman ito sa likod ni Thomas. "Ano'ng sabi mo?" tanong niya habang pinipigilan ang galit niya. Sobrang sama ng loob niya at bad mood na bad mood siya. "P-patawarin mo ako," ani ni Michelle. Napahawak ang dalaga sa ulo niya at huminga nang malalim. "I warned you four, isa pang pambibwesit sa 'kin at kick out na kayo sa school. Huwag niyo akong itulak sa limit ko. Baka magsisi kayong binangga niyo ang spoiled bratinella ng mga Slynch!" singhal niya at kinuha ang iniinom na milktea ni Pablo at hinagis sa sahig. "Huwag kang sumipsip habang nagsasalita ako," inis niyang saad kay Pablo at tiningnan si Criselda. "Hindi ka maganda. Tanggalin mo 'yang red lipstick sa labi mo. Hindi bagay sa 'yo. Sumasakit ang mata ko sa bwesit mong lipstick, " wika niya. Mabilis na kumuha naman ng wipes si Criselda at tinanggal ang suot na lipstick. Satisfied na umalis naman ang dalaga. "May araw rin sa atin 'yan," nangagalaiting saad ni Thomas. Habang naglalakad ang dalaga ay nakita niya sa hindi kalayuan si Magnus at Rachelle. Tumatawa ito at halatang kilig na kilig na kasama ang binata. Napatingin ito sa kaniya at kaagad na napawi ang ngiti sa labi. Napatingin na rin si Dos sa kaniya. Naikuyom ni CT ang kamay niya at kusa nang umiwas sa dalawa. Dapat ay may klase siya ngayon subalit heto siya at nakaupo sa bench sa likod ng gym at umiiyak. Todo pahid lang siya sa luha niya na hindi maubos-ubos. "Bakit ikaw pa, Rachelle? Sa dinami-daming puwedeng magustuhan ni, Dos bakit ikaw pa? Bakit hindi ako?" mahinang saad niya at napapikit t'saka hinayaan ang luhang mahulog sa mga mata niya. Matapos mag-drama ay bumalik na siya sa room nila. Halos laht ng classmates nila ay nakapalibot kay Rachelle na para bang kilig na kilig. Nang makita siya ay kaagad na nagsibalikan ang mga ito. Napatingin siya kay Rachelle na may hawak na isang tangkay ng red rose. Malungkot na tiningnan siya nito. She showed her emotionless face. Nakaub-ob lamang siya sa arm chair niya at tinitikis ang sakit at galit sa puso. Lumipas ang ilang oras at uwian na. Lalo lamang siyang malulungkot sa bahay nila. "C-CT, p-puwede ba tayong mag-usap?" tanong ni Rachelle at hinawakan ang kamay niya. Bumigat ang hininga niya at hinarap ito. Kumuha ng sanitizer sa bag niya at nag-sanitize ng kamay. "Don't touch me ever again. Ayaw kong nahahawaan ng sakit ng mga taong hindi ko kilala," wika niya at inilihis ang tingin. Ayaw niyang makita ang kaplastikan nito. Ang sesti kasi siya na ang umiiwas siya pa ang lumalabas na masama. Deritso lamang ang lakad niya nang makasalubong si Dos. Ngumiti siya rito nang matamis subalit ni hindi man lang siya binalingan ng tingin. Sinundan niya ito ng tingin at napakuyom ang kamao. Sinundo nito si Rachel. Napapikit siya at hinayaan ang luhang umagos. Pakiramdam niya ay pinipilipit ang puso niya sa sakit. Mabilis na tumakbo siya palabas ng eskwelahan at nang makita ang sundo niya ay pumasok na siya sa loob. "Okay lang po ba kayo, Ma'am?" tanong ng driver nila. Patuloy lamang sa pag-agos ang luha niya at umiling. Nakita niya ang simpatya sa mga mata nito. Lalo lamang siyang nanghina. Ayaw na ayaw niyang kinakaawaan siya. Pero iyon ang nangyayari. Hindi niya iyon mapipigilan. Pagdating nila ay mabilis na pumasok siya ng bahay nila at dumeritso sa kaniyang kuwarto. Ni hindi niya napansin ang ina niya na gumagawa ng snacks para sa kaniya. Dumapa siya sa kama niya at pumikit. Patuloy lamang siya sa paghikbi at nakahawak sa dibdib niya. Hindi niya alam kung bakit sobra siyang nasasaktan. Sa mura niyang edad ay sobrang broken hearted na siya. "Anak?" tawag ng ina niya. "Leave me alone. Gusto kong mapag-isa," sagot niya. "Umiiyak ka ba? Sino'ng nag-away sa 'yo?" tarantang tanong ng ina niya sa labas ng pinto. Ilang sandali lang naman ay nakapasok na ito at mabilis na dinaluhan siya. "CT?" tawag niya rito. Suminghot ang dalaga at bumangon. Nahihiyang napatingin siya sa ina niya. Pagkakita nito sa hitsura niya ay napakunot noo ito. "Ano'ng nangyari? May umaway ba sa 'yo? My gosh, CT!" nag-aalalang wika ng ina niya at niyakap siya nang mahigpit. Lalo lamang siyang napahagulgol. "Mommy," umiiyak niyang saad. Hinaplos ng ina niya ang kaniyang buhok. "Sshhh! Just cry, alam kong nasasaktan ka. Sabihin mo sa 'kin kapag kaya mo na," mahinang wika ng mommy niya. Lalo lamang napahagulgol si CT. Makalipas ang ilang minuto ay tumahimik na ito. Namamaga ang mga mata ng anak niya. Pakiramdam niya ay sinuntok siya ng ilang beses sa nakikita. Ni hindi niya naramdamang nasasaktan ang anak niya. "You okay now?" tanong niya kay CT. Umiling naman agad ito. "Alam mo naman kung gaano ko kagusto si, Dos right?" ani niya. Nag-abot ang kilay ng ina niya. "Of course, why?" tanong ng ina niya. "Kasi..kasi magjowa pala sila ni, Rachel. Si Rachel na bestfriend ko," mahinang sambit niya. Cindy was surprised. "Sigurado ka ba riyan anak?" tanong ng ina niya. Mahinang tumango naman siya. Napapikit ang ina niya at tinawagan ang ina ng binata. "Oh gosh, Manggi! Bakit hindi ko 'to alam? Umuwi ang, CT ko rito na umiiyak. Saying your son, Dos was in a relationship with my CT's bestfriend, Rachel," histerikal na wika ng ina niya sa kausap sa cellphone. Nanatiling nakayuko lamang si CT at nakikinig sa usapan ng mommy niya at mommy ni Dos. "Okay, pupunta kami riyan later. Dinner? Okay, sige bye," wika ng ina niya at tiningnan siya. "Magbihis ka, pupunta tayo sa kabilang bahay. Doon tayo magdi-dinner. Hindi rin alam ng, Mommy Manggi mo na may jowa na ang anak niya," saad ng ina niya. "Pero Mom, wala na akong magagawa roon. Kilala niyo naman si, Dos. Kapag sure na sa desisyon hindi puwedeng baliin. Tatanggapin ko na lang siguro na hanggang dito na lang ako," malungkot niyang saad. "Ano'ng pinagsasabi mo riyan? Get up, magpaganda ka. Hindi ka anak ni, Cindy kung tutunganga ka lang diyan at mag-e-emote. Hala! Bangon, walang Slynch na sumusuko kaagad. Ipakita mo kay, Dos na hindi siya kawalan. Ang ganda mo para i-stress ang sarili sa ganiyan," ani ng ina niya. Lalo lamang siyang napaiyak ulit. "Ganiyan naman kayo lagi eh. Nasasabi mo lang 'yan kasi anak mo ako," yamot niyang saad at suminghot. "Sige na magbihis ka na," nakangiting wika ng ina niya. Tumango naman siya at pumunta sa kaniyang malaking closet. Kaagad na nawala ang ngiti sa mukha ng ina niya. Napalitan iyon ng iilang butil ng luha. Mas nasasaktan siya sa nakikitang sakit sa mata ng anak niya. "Mom?" tawag ng anak niya. Mabilis na pinunasan niya ang kaniyang mata at nilapitan ang anak. "Yes baby?" sagot niya. Ngumiti nang tipid ang anak niya at niyakap siya "Thank you so much," ani niya. Bandang alas sais ng gabi ay pumunta na sila sa bahay nina Dos. Kinakabahan siya na excited. Hindi niya talaga alam kung bakit pagdating kay Dos ay napakarupok niya. Mabilis niyang nakakalimutan ang ginawa nitong masakit . "Manggi?" tawag ng ina niya. Kaagad na lumabas ang Mommy Manggi niya at nilapitan sila. Nagyakapan ang dalawa na para bang ngayon lang nagkita eh magkatabi lang naman ang bahay. "Oh, my CT," ani nito at niyakap siya. Niyakap naman niya ito pabalik. "Good evening, Mommy," bati niya rito. Malungkot ang mga mata nito habang nakatingin sa kaniya. "Hali kayo pasok na. Ilang sandali lang nandito na rin si, Magnus at Matthias. Nasa labas sila kanina may pinag-uusapan eh," ani ni Manggi. Kaya pala nauna na ang Daddy niya. Napalingon-lingon ang dalaga at hindi niya nakikita si Dos. "Ahm, CT?" tawag ni Manggi sa kaniya. "Bakip po, Mom?" tanong niya. "Puntahan mo si, Dos sa kuwarto niya at kakain na tayo," ani nito. Kaagad na napangiti ang dalaga at tumango. Tumakbo siya sa staircase papunta sa second floor ng bahay at excited na kumatok sa pinto ng kuwarto ni Dos. She can feel the excitement on her body. Kumatok siya ulit nang walang sumagot. Hinawakan niya ang door knob at hindi iyon naka-lock. Binuksan iyon ni CT at pumasok sa loob. Namangha ang dalaga nang makita ang napaka-manly subalit cozy na kuwarto ng binata. "Wow," ani niya at lalong na-excite nang makitang may sarili itong library. Pumunta siya sa book shelves at napailing. Ang gaganda ng mga libro halatang limited edition lahat. Napakunot ang noo niya nang makita ang fifty shades of gray na book. Pilyong napangiti siya. "Nagbabasa pala siya ng erotic?" ani niya at natatawang binuklat iyon. "Who told you to invade my privacy?" wika ng malamig na boses sa likod niya. Natuod siya at hindi alam ang gagawin. Napalingon siya at napakurap-kurap. Basa ang buhok ng binata at may iilang butil pa ng tubig na tumutulo sa leeg nito. Napalunok siya at natameme. Nakasuot ng puting roba ang binata at sobrang guwapo pa rin. "A-ahm, pumasok na ako. Kumatok kasi ako kanina walang sumagot," sagot niya sa nanginginig na boses. "Does that give you the right to crash here?" tanong nito ulit. Napayuko ang dalaga. Hindi niya kayang salubungin ang tingin ng crush niya. Para kasing handa na itong balatan siya nang buhay. "S-sorry, i-inutusan kasi ako ni, Mommy na tawagin ka. Kakainin na raw kita, I mean kakain na raw tayo," nininerbiyos niyang sagot. Inis na tiningnan siya ng binata. "Stupid!" ani nito at tinalikuran siya. Kaagad na kumunot ang noo ng dalaga. "Ano'ng sabi mo?" Inis niyang tanong. "That you are a plain stupid person," ulit ng binata. Naikuyom ng dalaga ang kamay niya. "At least hindi ako paasa. Hindi masama ang ugali," buwelta niya. Hinarap siya ng binata at nginitian nang peke. "Really? Wala nang sasama pa sa ugali mo, CT. You are a spoiled brat b***h. Nagagalit kung hindi nakukuha ang gusto. At hindi kita pinaasa. Sinabi ko bang umasa ka sa 'kin? I don't like you. Masiyado kang immature. And you, treating Rachel that way doesn'make you kind. Bakit ba hindi mo na lang tanggapin na siya ang gusto ko at hindi ikaw? Kung totoo mong kaibigan si, Rachel tatanggapin mo kung ano man ang meron sa amin. You should be happy for your bestfriend," malamig na saad ng binata sa kaniya. Tumulo ang luha niya at natawa nang pagak. "Magiging masaya ako kung hindi niyo nilihim sa 'kin! As for her, she deserves it. Deserve niya ang kamalditahan ko. She used to be my bestfriend but what did she do? Alam niyang gustong-gusto kita pero inilihim niya sa 'kin na may namamagitan sa inyo!" sagot niya sa binata. "You are unbelievable," wika ng binata at napailing. "Umalis ka na sa kuwarto ko," malamig na saad ng binata. Subalit hindi natinag ang dalaga. Inis na hinawakan ng binata ang kamay niya at hinila siya palabas. Mabilis na nagpumiglas ang dalaga. Walang pasabing hinalikan niya si Dos. Dos was stunned with what she did. Ilang saglit pa ay tinulak siya ng binata. Galit na galit ito. Imbis na matuwa ang dalaga ay lalo lamang siyang nalungkot. "K-kaya kong ibigay ang sarili ko sa 'yo, Dos. You can do whatever you want to me. Iwan mo lang si, Rachel. Please, mahal na mahal kita," ani niya sa binata. Dos's face was full of disgust. "I understand that you are mad dahil sa nalaman mo. But what you did today ay lalo mo lang ibinaba ang sarili mo. You are so desperate, CT. I will never like you. I never thought that you would go this far." Puno ng pagkadisgusto ang mukha ng binata. Pakiramdam ng dalaga ay unti-unti siyang natutunaw sa hiya. "Umalis ka na habang may respito pa ako sa 'yo bilang anak ng bestfriend ng parents ko. Get out!" singhal ng binata. "Pagsisisihan mo 'to, Dos," matigas niyang saad at tumakbo na palabas ng kuwarto nito. Tbc zerenette
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD