“Anniversary ng company nila Magnus sa susunod na araw, may susuotin ka na ba, CT?” tanong ng ina niya. Natigil siya sa pagtipa sa laptop niya at napatingin sa ina niya. “Puwede bang huwag na akong um-attend? Nandoon naman kayo eh,” sagot niya. Ang totoo ayaw niya lang makita si Dos. Hindi niya alam kung kaya ba niyang harapin ito. “Alam ng Mommy Manggi mo na umuwi ka na, paniguradong magtatampo iyon kung hindi ka magpapakita,” sagot ng ina niya. “T’saka hindi ka ba excited? Makikita mo na ulit ang crush mong si, Dos. Alam mo bang kilalang businessman si, Dos at rank number one sa pinakamayamang bachelor sa Pilipinas. Halos lahat ng kababehan anak ay nagging pantasya na siya,” pabida ng ina niya. Napataas ang kilay niya sa sinabi nito. Hindi na rin siya magtataka dahil nagma

