10 years later……. “CT, please umuwi ka na,” pakiusap ng ina niya sa video call. Nakatitig lamang siya sa mukha ng ina niya. “Okay, kapag tapos na ako sa project ko sa isang pot gallery,” sagot niya sa ina. “Kailan pa ‘yon?” tanong ng ina niya. “Next week na, Mommy uuwi ako okay?” giit pa niya. “Ma’am?” tawag ng assistant niya. Napalingon siya and whispered wait. “Mommy, may gagawin pa ako bye, ingat kayo ni, Daddy riyan okay? I love you, mwuah,” mabilis niyang wika at pinatay na ang tawag. Lumabas na siya ng opisina niya at pinuntahan ang malaking room kung saan nagtuturo siya ng artistic pottery sa mga estudyantng mas nag-focus sa craft na katulad niya. Nang makitang kompleto na ang kaniyang estudyante ay nagsimula na siyang magturo. Bandang hapon ay pumu

