Ariane Muli akong napabuntong hininga habang nakatingin kay lucas nang pumasok siya sa resto na napili ni Devon. Nandito pa rin kasi kami ngayon sa loob ng kaniyang kotse, nagdadalawang-isip pa rin kasi ako sa gagawin ko. “Girl, you need to go,” pagtataboy ng katabi ko sa akin. Iniikot ko naman ang mga mata ko tsaka pinihit pabukas ang katabi kong pintuan ng kotse. Bumaba na ako sa kotse niya pero muli kong tinapunan ng tingin ang kasama ko. “Salamat,” ginawaran ko siya ng tipid na ngiti na siyang ikinairap niya. “Just don’t hurt him that much, okay?” Tinaasan niya ako ng isang kilay. Wala sa sarili naman akong tumango sa kaniya. She smiled evilly before pulling the door close to in front of my face. I closed my eyes tightly while I gritted my teeth. Kalma, Ariane bata ‘yan hindi p

