Ariane Napakurap ako at kasabay ng bawat kurap ko ay ang pagtambol ng nagwawala kong dibdib. He knew. Lucas knew all along! Ano na nag isasagot mo sa kaniya Ariane?! Napayuko ako dahil sa magkahalong hiya at guilt, hindi ko nakakaya ang tingin ni Lucas ngayon. Alam ko maaaring magalit o ma-disappoint siya sa akin dahil sa pagsi-sekreto ko sa kaniya. Hindi na nga dapat ako nag-aya sa kaniya kung sa simula pa lang alam na niya pala, pero ako enjoy na enjoy na kumain kanina at nakipagbiruan pa sa kaniya. Walang kaalam-alam na may ideya na pala siya sa sasabihin ko. “I’m not that naïve. Even if Devon would confiscate my phone, blocking Cameron. I will always have my own way of knowing things.” Napapikit ako nang marinig ko ang sinabi niya. Tama nga naman, sino ba naman kasing maniniwal

