Ariane Umiiyak akong nagpapalit ng diaper ni Darling nang makauwi sina Mama at kinuha na nina Lerd si Luise noong isang gabi. Nagtaka nga si Mama at pinagtawanan ako dahil sa aking pag-iyak habang pinapalitan ng diaper si Darling, siyempre hindi ko na binanggit pa sa kaniya ang maletang nakatago na ngayon sa ilalim ng aking kama. Lumingon ako sa bintana ng aking kwarto at nakita kong hindi na sumusikat ang araw. Hindi na ako nakatulog ng maayos simula nung paghatid ni Camello ng mga liham sa akin. Nangangati man ang kamay kong muli itong basahin, pinipilit kong pigilan ang sarili ko dahil alam akong hindi maganda ang maidudulot nito sa akin at sa mga susunod na araw. Mamayang 10 am na ang kasal ni Lerdine at wala pa rin akong ideya sa mga mangyayari, kahit pa ipinaalam lang nila sa akin

