Ariane “Ariane, are you really okay with this?” Nginitian ko naman si Lalaine na ngayong nakaharap sa salamin, muli ko siyang kinunan ng litrato bago ako nagsalita, “Okay lang ako, magaling naman ako pagdating sa paghihiwalay ng trabaho at personal feelings.” Ngumiti rin siya pabalik, “I’m just making sure. Ayaw ko naman kasing may hindi komportable sa araw ng kasal ko. Just let me know kung hindi ka okay, gagawan ko ng paraan ha?” Nahihiya man ay tumango na lang ako para matapos na ang usapan. Final touch na lang ang ginagawa nila sa bride kaya mas pinagbubutihan ko ang pagkuha ng litrato dahil ito ang ipapa-develop. Hindi na nag-hire sina Lerdine at Lalaine ng videographer dahil gusto nila na private lang ang kasalan nila at talagang yung mga malalapit lang sa kanila ang makakaalam.

