Ariane “You’re really sticking into your principles Ariane. I told you even when we’re in New York that sometimes you need to consider your personal feelings at work, you’re not a robot you know.” Sunod-sunod na pag-iling ang ginawa ni Cleo. Nandito kami ngayong tatlo, kasama ko si Cleo at ang kaniyang boyfriend na si Kayz. Alas singko na sila ng hapon dumating at sinabi rin ng dalawa na hindi rin sila magtatagal. Naghatid lang sila ng regalo at binati nila ang bagong ikinasal. Halos mabitawan pa nga ni Cleo ang hawak niyang wine glass nang makita niya si Cameron, dali-dali niya akong kinaladkad papalayo sa mga tao. Nandito kami ngayon sa tabi ng isang tahimik ng cottage kung saan nakalagay ang bundok ng mga regalo. Nakatayo naman hindi malayo sa amin si Kayz dahil ang alam ko nagmamadal

