2

2046 Words
Ariane "Shota! Hindi talaga ako makapaniwala na may trabaho na agad tayo, hindi ko na talaga aawayin yang si Lerdine kahit na pakasalan mo pa now na," masayang sabi ni Rezelle, halos mapilay sila kakalundag nang sabihin ko sa kanila yung offer ni Lerd, kesyo daw no hassle heh gustong-gusto naman nila. Kasi hindi na sila sa kompanya ng mga magulang nila magtatrabaho, yun talaga ang problema nila. Ay oo nga pala nandito sila ngayon sa bahay namin, tumatambay. Puro lang chikahan sa mga trending sa social media, minsan umaabot pa sa mga napapanood naming mga telenobela. At nauuwi sa agawan ng mga aasawahin na koreano. Pero ngayon naalala ko yung offer ni Lerdine, isang lingo na rin ang nakalipas nang gumraduate kami at ngayon ko lang naalala yung sinabi niya. "Jowain mo na talaga yang si Lerdine, Ariane jusko ang ganda-ganda na ng future mo kapag siya yung nakatuluyan mo, hindi na kami tutol," Maxine seconded chosss, inirapan ko siya. Hindi ko nagugustuhan ha, unti-unti na siyang tumutulad kay Rezelle. Palagi nalang nila akong kinakawawa kapag napag-uusapan si Lerdine, para bang isang malaking issue ang pagkakaibigan namin. Myghad. Hadhad. "Sana ganun lang kadaling matutunang mahalin ang isang tao, pero wala eh kaibigan lang talaga ang turing ko sa kaniya, kahit pa baliktarin ang mundo wala talaga akong maiibigay sa kaniya na higit pa," sagot ko sa kanila at sabay naman silang nailing, ito ang kahinaan nila. Kapag nagsasalita na ako tungkol sa katotohanang hindi mo naman kayang mahalin ang isang tao dahil mahal ka nito. Dapat mahalin mo ang isang tao dahil mahal mo ito. Natahimik kami at nakatitig lang sa kisame ng kwarto ko, parang mga batang pilit inaalala kung ano pang dapat pagkaabalahan. Minsan gusto ko nalang ayain mag-chinese garter ang dalawang ‘to, nakakabagot pagtambay at walang trabaho. Kapag naman inaaya ko ang dalawang ‘to na i-ready ang mga portfolio namin, lagi nilang sagot na sa susunod na araw nalang kasi matagal pa naman kami magsisimulang mag-trabaho. Bigla namang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at iniluwa nito si Mama na may dalang juice at pritong saging, shota naglalaway na naman 'tong dalawang tuko. May pa snack pa si Mama na nalalaman, kung kami lang dalawa dito at gusto ko na magmerienda aba’y sasagutin ako ng ikain ko nalang daw ng kanin dahil mas mabubusog pa raw ako at iwas gastos. "Alam mo anak, hindi naman natin alam ang takbo ng panahon," pambungad na sabi ni Mama sabay lapag nung dala niya sa lamesa malapit sa kama ko kung saan kami nakahilatang tatlo. Napaupo kami at taimtim siyang tiningnan, mukhang magiginng seryoso ang usapang ‘to ah. May nakain yatang maganda si Mama. "Syempre Ma, hindi nga natin alam kung saan nagsimulang tumakbo yang si Panahon, siyempre hindi talaga natin malalaman ang takbo niya," tamad ko namang sagot sabay inom ng juice, pero bago ko ito malunok ay naibuga ko ito dahil sa pambabatok ni Mama. Ayoko ng drama pero, okay lang rin naman kahit minsan. "Ewww Ariane, bakit kailangang saamin mo ibuga! My gosh ang maybelline foundation ko!" pagmamaktol ni Rezelle sa mga mukha kasi nila ni Maxine ko nabuga yung juice kaya nagmamadali silang lumabas ng kwarto at nagtungo sa cr, sinamaan ko ng tingin si Mama. "Masakit 'yun Ma!" pag-iinarte ko, naglamat pa ang mamahaling foundation ni Rezelle. Ewan ko sa babaeng ‘yon bakit pa naglagay ng foundation eh dito lang naman kami sa loob ng bahay namin. Siguro kung tatanungin ko ‘yon ang isasagot nun dapat ready siya baka may biglang papabols na makita. "Ikaw kasi kapag seryoso akong nagsasalita 'wag mo akong pinipilosopo! Gusto mo isa pa?!" sigaw niya nang sasagutin ko na sana siya ay itinikom ko nalang ang bibig ko baka dumami pa ang wrinkles at puting buhok ni Mama, ako pa ang magiging dahilan ng pagkalosyang niya. Siyempre hindi ako papayag na malosyang ang nag-iisa kong nanay, baka si Papa naman ang mambatok saakin. Nakakatakot ‘yun. Napabuntong-hininga siya tsaka umupo sa tabi ko. Hinaplos-haplos niya pa ang magulo kong buhok at inamoy ito medyo kinilig naman ako sa ginawa ni Mama pero hindi ko nagustuhan ang lumabas sa bibig niya. “Anak hindi ka na naman naligo no? Ang bantot mo” naiirita ko siyang tiningnan sabay kamot sa ulo ko, dandruff, mukhang bet na bet mo talaga itong ulo ko. “Tingnan mo may kuto ka na naman siguro, alam mo namang ayaw na ayaw ko na may kuto ka. Nakakahiya kapag may mga lalaking nagkamaling pormahan ka, ano nalang ang iisipin nila?” pagpapatuloy niya habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang kaniyang kamay, hindi nakatakas sa paningin ko ang pagpasadahan ng tingin niya sa ulo ko para tingnan ko may kuto ba ako. Bumuntong hininga nalang ako at hinayaan siyang hawakan ang buhok ko. Matagal-tagal na rin nung huling ganitong lambingan namin ni Mama, kahit na ganiyan ang sinasabi niya saakin alam kong mahal ako ni Mama. Hindi lang talaga siya ganun kagaling pumili ng mga salitang lumalabas sa bibig niya. "Alam mo Ariane anak, maaaring hindi mo gusto ngayon ang isang tao dahil hindi mo naiisip yung sarili mo na kasama yung tao sa hinaharap, pero hindi natin alam kung ano ang plano ng tadhana. Maaaring isang araw bigla ka nalang makatagpo ng lalaking magtuturo kung ano nga magmahal at magpaparamdam sa’yo kung paano masaktan pagdating sa pag-ibig. Kaya huwag kang magsalita ng tapos, it’s not good for your heart. Oh English ‘yun ah," nakanguso kong tinitigan si Mama, kaya ayaw kong pag-usapan yang pag-ibig na 'yan sumasakit yung ulo ko. Parang equation lang sa math, ang hirap intindihin. At katulad ng ibang equation kahit anong gawin mo, wala kang makukuhang matinong sagot kasi hindi ka nakinig sa discussion. Hindi naman sa hindi ako nagka-lovelife ha naranasan ko rin kayang magka-crush pero never akong na crushback, pero hindi ko naman masyadong prinoblema yun kasi marami pa namang lalaki sa mundo, siguro nga hindi ko lang talaga alam ang ibig sabihin ng pagmamahal. Hindi rin naman ako yung babae na parang natataranta kasi yung mga kaklase ko nagkajowa na ako, nganga. Hindi ako ganun, eh ano naman kung may jowa sila? Lumaki ba ang scores nila sa exam? Pero ako kahit walang jowa, nangungulelat pa rin ang scores sa exam. ‘Di ba walang pinagkaiba, bobo pa rin. "Ano ba kasi yang pagmamahal Mama? Para sa'yo ano ba ang pagmamahal?" sunod-sunod kong tanong kaya napailing at nasusuklam niya akong tinignan ng matagal pero napabuntong hininga rin siya, nang magsasalita na siya ay sakto ring pumasok yung dalawang tuko at napansin nila na medyo seryso yung pinag-uusapan namin, kinawayan sila ni Mama at sinenyasan na umupo rin sa kama, agad naman silang sumunod, seryoso namin siyang tiningnan. Tinanguan ni Mama si Rezelle, "Para sa'yo ano ang love?" napakurap ito at bahagyang ngumiti, jusme na-excite ang gaga. Alam kong puro kalokohan yung laman ng isip nito. Wala kaming matinong mga salita na matatanggap galing sa kaniya, sigurado yan. "Love? Syempre feelings mo sa isang tao na nabibighani ka, yung kaya kang dalhin sa langit—este sa simbahan at pakasalan---aray!" nalukot ang mukha niya matapos siyang kurutin ni Mama sa tagiliran, expected na ganun talaga ang matatanggap niya kay Mama hindi kaaya-ayang salita ang lumalabas sa bibig niya. Sunod namang tinignan ni Mama si Maxine, ang aming adviser na maalam sa pag-ibig pero lagi namang broken hearted, boom! "Ikaw?" tanong ni Mama sa kaniya, napabuntong-hininga pa ang gaga, lecture na diz. Ihanda ang inyung mga notes para makapag-take notes kayo. "Ang Love para saakin, walang pinipiling kasarian, panahon, edad at pagkakataon. Minsan hindi mo agad nasasabi o napagtatanto na inlove kana pala, minsan hindi mo rin alam kung bakit ka ng aba nainlove sa isang tao, kasi hindi naman kailangan may dahilan para mainlove it just happened, at higit sa lahat kapag nainlove ka hindi pwedeng mawala diyan ang kaakibat nitong sakit, hindi lang naman tungkol sa kilig ang love, hindi lang tungkol sa spark. Yung mga taong naniniwala lang sa spark, ‘yon yung mga tao na hindi alam ang totoong pagmamahal. Nasa sa’yo kung pipiliin mong mahalin ang isang tao ng walang hinihiling na kapalit, pero minsan ang pagmamahal nakakamatay hindi naman literal pero nang dahil sa pagmamahal maaaring mamatay yung dati mong pagkatao dahil lang nasaktan ka at iniisip mo na baguhin nalang ang sarili mo kasi pakiramdam mo hindi ka sapat. Katulad nga ng laging nating naririnig na kasabihan, “Love is a glossary full of mystery” " napalunok ako sa mga sinabi ni Maxine, parang nasa debate ang lola niyo. Puta yung huling kataga nalang sana yung sinabi ng gagang 'to. Napapaisip nga ako kung gumagana pa ba ang utak o may utak pa kaya ako? Siyempre meron, napaisip ka nga diba? Ang tanga mo self. Wala sa sariling napapalakpak si Mama, dahil sa mga sinabi ni Maxine at madrama niya itong niyakap, "Ikaw nga yata ang totoong anak ko," sabi pa nito kaya napangiwi ako. Hello? Nandito lang kaya ako sa tabi nila! Anong akala nila saakin? Hangin? Nang humiwalay si Mama kay Maxine ay yumakap din si Rezelle sa kaniya, "Sis, ikaw na talaga, ikaw na," nagpeke pa itong pumupunas sa kaniyang mga mata na tila naiiyak, shota gagang 'to! "Totoo ang mga sinabi ni Maxine, ang maidadagdag ko lang kung mapag-uusapan ang salitang love hindi lang ito tungkol sa mag jowa. Ang pagmamahal ay para sa lahat,” napansin ko naman ang biglang panlulumo ng dalawa dahil sa sinabi ni Mama. Tahimik ko silang pinagmasdan. “Kung ang pagmamahal ay para sa lahat, bakit parang wala kaming natatanggap galing sa sarili naming mga magulang? Bakit kailangan pa naming pumunta dito para lang marasan ang pagmamahal ng isang magulang? Hindi ba masyado namang unfair ‘yon?” natigilan ako sa sinabi ni Rezelle, ngayon lang ako nakarinig ng matitinong salita galing sa kaniya. Hinawakan naman ni Mama ang ulo niya at isinandal ito sa balikat ni Mama. “Siguro iba ang pananaw nila sa pagmamahal nila para sa’yo, sainyong dalawa. Mahal nila kayo kaya nagpapakababad sila sa trabaho para maibigay ang mga gusto niyo at masigurado ang magandang kinabukasan niyo,” sagot naman ni Mama habang hinihimas ang ulo ni Rezelle. “Hindi naman kasi mga material na bagay ang gusto namin, aanhin namin ang magandang kinabukasan na ‘yan kung hindi naman kami naging masaya, kahit na hindi nila maibigay ang mga luho namin basta iparamdam lang nila ang pagmamahal na gusto namin. Hindi naman mahirap ‘yon Tita diba?” si Maxine naman ang nagsalita, kaya hinigit din siya ni Mama ay niyakap. “Wala akong karapatan na kwestiyonin ang pagpapalaki ng mga magulang niyo sainyong dalawa, pero kahit kailan hinding hindi ko ipagdadamot ang pagmamahal na gusto kong maranasan niyong dalawa, kahit na galing saakin. Kung kailangan niyo ng makakausap, nandito lang ako. Kung kailangan niyo ng maiiyakan, nandito lang ako.” Naluluhang sabi ni Mama sa dalawa. Lumapit ako sa kanila at yumakap rin, hindi ako pang audience impact lang no! Main character yata ako dito. Matagal kaming nanatili sa ganoong sitwasyon hanggang sa muling nagsalita si Mama, “Kaya kung pipili man kayo ng lalaking mamahalin maghihintay kayo sa tamang panahon, at kung nagtatanong kayo kung kailan nga ba maituturing na tama ang panahon ay nasa inyo na ‘ayan. Huwag kayong magmadali kay ig magdali mo, dali rapod mo masakitan" kumalas kami sa yakapan at nagkatinginan kaming tatlo sa sinabi ni Mama. "Ma! Nagbibisaya ka na naman!" pagmamaktol ko pero natawa lang siya. "Ang ibig kong sabihin, kapag nagmamadali kayo sa pag-ibig, madali rin kayong masasaktan" pagpapaliwanag niya at napatango naman kaming nakikinig sa kaniya, ganiyan talaga si Mama bigla-bigla nalang magbibisaya, pinahid niya ang natuyong luha sa pisngi niya bago tumayo at naglakad palabas ng pintuan. Nasa tapat na siya ng nakabukas na pintuan nang lingunin niya kami ulit, “Huwag kayo masyadong maniwala sa kasabihang, 'Isip muna bago puso' hindi sa lahat ng pagkakataon applicable ang kasabihang ‘yan. Ang mga taong sinusunod ang kasabihang ‘yan minsan nagiging matapang at palaban, minsan naman ay laging luhaan at nasasaktan. Mag-meryenda ma ka’yo, puro kayo kadramahan,” kumindat pa ito saamin bago siya tuluyang umalis. Nagkatinginan kaming tatlo at sabay na napabuntong hininga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD