Ariane “P-paano mo nalaman?” tanong ko. Sandali niya akong tiningnan at inirapan. “I’m not blind. The photos of you and Angel having a quarrel might be one of the hot issues but the thing that I noticed first was you’re holding hands with Cameron.” Napakamot naman ako sa kilay ko. Bakit nga ba panay ang paghahawakan namin ng kamay ni Cameron noong gabing ‘yon? Masyadong malandi tingnan. Kasi sa totoo lang hindi ko talaga alam kung anong isasagot sa kaniya. Dahil sa simula pa lang hindi pa naman talaga ako handang ipagsabi na kami na ni Cameron kasi hindi pa rin ako sigurado o sadyang nahihiya lang ako. Hindi ako sanay na ipagsabing may jowa ako! “I’m sure Lucas didn’t notice it yet so I want you to tell him tonight.” Napalunok naman ako nang magsalita siya ulit. May kung ano pa nga

