Ariane Kahit na malamig ang hangin na lumapat sa tiyan ko ay tila hindi ko ito naramdaman nang bumaba ako sa kotse nina Lucas at Devon. “Salamat nga pala at isinama niyo ako sa gala niyo,” pagsasalita ko at malungkot na ngumiti. Hanggang ngayon ay wala pa ring ideya si Lucas kung anong nangyayari, wala pa talaga akong balak sabihin sa kaniya. Hindi nakisama ang pagkakataon eh. Mabuti na lang at ugali niya talaga ang hindi magtanong kung ramdam niyang magiging malalim ‘tong klase ng usapan. Tumingin naman ako ay Devon na hindi makatingin sa akin. Inilahad ko ang kamay ko sa kaniya pahiwatig na kukunin ko yung cellphone ko na itinago niya mula kay Lucas kanina. Kinuha niya mula sa kaniyang bag ang cellphone ko at ipinatong ito sa kamay ko. “You’re gonna be okay right?” sarkastikong tanon

