JAE HYUNS’s POV Madilim na sa labas nang magkamalay ako. Sobrang bigat ng pakiramdam ko at daig ko pa ang nagbuhat ng isang malaking truck ng semento. Masakit sa ulo pero kaya naman. Kaya lang parang nananaginip pa rin ako dahil inaasikaso ako ni Mama ngayon. I mean, ng Mama ni Hera. She’s just quiet while she’s putting food on my plate. Is she seriously regarding me as part of their family now? Hindi na ba siya galit sa akin? I hope not. Gustung-gusto ko talagang maging close sa kanya. Kahit may Mama ako, hindi ko masyadong naranasan ang ganito sa Korea. My mom never prepared my food. Ni hindi ko siya nakikitang abala sa kusina. Ang palaging naghahanda ng pagkain ko simula pa noon ay ang mga katulong. Pati ang naghahanda ng bag ko sa school, ng mga assignments ko. Lahat katulong. Kaya

