HERA'S POV Kasalukuyan akong mag-isang nanunuod sa faculty room ng news nang makita ko sa balita ang tungkol sa nalalapit na kasal ng dalawang business tycoons sa South Korea. Ang Volant Motors at Lee Group. Kasal daw iyon ng taon dahil siguradong dadalo ang mga kilalang personalidad sa business world at nababaliw na ako sa iniisip kong mag-ge-gate crash ako para lang pahintuin ang kasal at magmakaawa kay Jae Hyun sa huling pagkakataon. Nailing na lang ako at sinimulang lantakan ang black bean noodles na in-order para sa akin ng co-teacher kong si Teacher Daniel. Mabuti at wala siya dahil wala akong balak na makipagkulitan sa kanya ngayon. Kahit nasa camping siya, hindi siya nawawalan ng oras na ipag-order ako ng pagkain. Iyon ang naging commitment ni Teacher Daniel mula nang manghingi

